PIERRE.
Napakurap siya sa nakakapanuyang ilaw ng flash ng camera sa kanilang harapan. He became self conscious real quick. Una sa lahat ay hindi siya nakapag-ahit, pangalawa ay namumula ang mga mata niya sa hangover; Mali, sa kakaiyak yata. He instantly tears up after every booze. Hindi na alam ng kanyang ina kung paano siya aaluin sa loob ng isang buwan ay paulit ulit lang ang ginagawa nito, magpapakalasing, hindi papasok sa trabaho, matutulog maghapon, repeat. Ginising lang siya ng ina kaninang umaga mula sa isang oras na tulog para umattend ng Press Conference.
Their pictures spread like wildfire. With him and Helena on bed, 'Young CEO and heiress steamy photos, revealed' Sino ba naman ang hindi magiging kyuryoso doon.
Sa loob ng mahigit tatlong linggo ay laman na sila ng headlines at si Helena ang nakaisip ng ideya para sa isang 'damage control'. Kailangan nilang ipaliwanag ang nangyari for the sake of their businesses.
"Pierre and I were highschool sweethearts and although we were surprised on how our private photos went viral, I will stand with my belief that there's nothing wrong if people are in a relationship. Come on people, wala kaming bawal na relasyon, sa katunayan nga, ikakasal na kami two months from now."
Nagkaroon ng maliit na komosyon dahil sa announcement nito. Isang mikropono ang tumapat kay Pierre.
"Kailan po ang exact date ng kasal, Mr. Floresca?" Tanong ng nakasalamin na binabaeng reporter. Nanatili siyang nakatayo, hindi alam ang sasabihin.
Malapad na ngumiti si Helena at hinila papalapit sa kanya ang mikropono. "We will update you with the details. For now, please write our clarifications regarding the photos. We apologize to the parents, to the minors who saw our photos and surely we are speeding up the process to find the culprit in devulging those."
Nang umalis na ang media ay magkasabay sila ni Helena na lumabas ng function room kung saan ginawa ang presscon. Kinuha niya ang kamay ni Helena at ipinaharap sa kanya nang silang dalawa na lang.
"Really? You are looking for the person behind the photos?"
Ngumisi si Helena, "Of course not. But we have to say that. Bakit pa tayo mag-aaksaya ng panahon doon, tayong dalawa naman talaga ang nasa litrato. By the way, Francis said you didn't come to his office for the fitting. Nakapili na ako ng tux para sa iyo, mag-papasukat ka na lang."
"I have no time."
"Okay lang, we can go at his shop from here. How about the cupcake samples I sent you? Alin doon ang cake flavor na gusto mo? I loved the red velvet and lemon cake, pupwede naman daw dalawa hanggang tatlong flavors, anyway that's a 15-tier cake. Pupwede nating ipalagay ang gusto mo bukod sa choices ko. Alin ba doon?"
"Hindi ko pa natitikman. Ikaw na ang bahala."
"The flowers, anong bouquet ang gusto mo? Lily of the valley would be lovely."
"Okay."
Napatuon ang tingin niya sa sapatos na suot ni Helena, a six-inch fucsia platform sandals, bumagay sa suot nitong baby pink longsleeve body hugging short dress, napakunot ang noo niya. "Hindi ba masyadong mataas ang suot mong sapatos?"
Mas lalong lumapad ang ngiti ni Helena at humilig sa kanyang balikat, "Aww, Pierre. You know I can carry this. You are worrying too much."
"But you are pregnant. Nakapagpacheck up ka na ba?"
"I am busy!" Nakasimangot na sagot nito sa kanya, "Hindi ka naman tumutulong sa kasal na ito, what do you expect me to do? Ang appointment nga lang sa florist ay ang hirap nang puntahan. Ako lang ang gumagawa. I understand that you are a guy, Pierre but I need a hand--"
BINABASA MO ANG
Ira Casa (Novela)
Storie d'amoreCollection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet Danong