Maki Say's: Hello! I am so back! Sobrang haba ng holidays! Lalo na for our family kasi first two weeks ng January ang birthday namin ng anak ko. Sawa na kaming kumain, haha!
Anywho, sa mga malapit sa VALENZUELA PEOPLE'S PARK, magkakaroon ng Grand Fan's Day ang PSICOM at isa ako sa mga manunulat na makikisaya sa JANUARY 14, 9AM-6PM, maraming inihandang surpresa ang Psicom, pati na din ako. Nandoon lang ako maghapon. Magkita kita tayo :)
PIERRE
He couldn't help but smile while their on their way to his hotel. Tinatandaan mabuti ang sinabi na gusto ni Helga. Nakasimangot ito at nakahalukipkip sa kabilang gilid ng sasakyan. Pinapanood niya ang repleksyon nito sa itim na windshield na natatamaan ng malamlam na ilaw mula sa kalsada.
Tumikhim siya. Bago pa man siya magsalita ay sinalubong na siya ni Helga ng masamang titig.
Ito pa ang may ganang magalit sa kanya, huh? Hindi ba ito ang nag-lihim sa kanya ng katotohanan? Nagtago at hindi nagpakita? Dapat siya ang magalit! Pero hindi niya magawa kapag nasisilayan niya ang magandang mukha nito. Her soft eyes and enormous tummy. Naroon ang anak niya. Dinadala nito ang anak niya. He couldn't help it but to feel proud. Sa lahat ng ginawa niya, parang ito lang talaga ang pinaka may sense.
"Saan mo ako dadalhin?" Mataray na tanong nito sa kaniya. Lumipat ang tingin nito sa nagmamaneho ng sasakyan at bahagyang namula sa pagkapahiya. She's still the old Helga, ayaw nitong pakitaan ng kagaspangan ang kahit sino. She doesn't want other people to feel uncomfortable around her.
"We will talk. We have a lot of things to talk, Helga." Kalmante niyang sagot.
"Like what?"
"Business." Pinipigilan niyang mapangiti sa pag-awang ng labi nito.
Tumingin ito sa labas at sinundan ng daliri ang malalaking patak mula sa labas ng salamin.
"Umuulan." Asik nito.
"Hindi naman kita kakausapin sa ilalim ng ulan." Naiiling niyang sagot. Sumimangot muli si Helga.
"Kailangan ko nang umuwi. Ibalik mo ang sasakyan." Parang prinsesang utos nito. Kung hindi niya talaga kilala ito, iisipin niyang spoiled brat ito kahit na malayong malayo ito doon, she's selfless, and loving, and everything positive that is why he loves her and always will.
"Cannot." Inayos niya ang kaniyang kurbata para pigilin ang sarili na yakapin ito ng mahigpit. He should held on Helga until she calms down. The longer, the better. Nag-iisip pa siya ng paraan kung paano maba-blackmail ito. Kung paano ito sasama sa kanya. God, he missed her so much. Ngayong nakita na niya ito ay hindi na niya papakawalan pa. Kung kailangan niyang bilhin ang Chef ng hotel para iluto ang lahat ng hihilingin ni Helga, gagawin niya.
Habang patungo sila sa hotel ay mas lalong lumaki ang patak ng ulan sa labas ng sasakyan. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Helga pero hindi ito nagsalitang muli. Nang makarating silang resort ay patakbo na nilang sinugod ang lobby, nabasa pa din sila sa kabila ng malaking payong na iniabot sa kanila.
Walang patawad ang ulan, humahampas pa ang malakas na hangin na walang direksyon.
"Ang lakas ng ulan!" Reklamo ni Helga habang tinitingnan ang pagkakagulo ng mga halaman sa labas ng hotel, halos humalik ang mga ito sa lupa. "Uuwi na ako, Pierre!"
"Paano ka uuwi? Malakas ang ulan. Tatawid ka muli doon sa tulay pinanggalingan natin?" Seryosong niyang tiningnan ito. Humaplos ito sa tiyan, bakas ang pag-aalala. Gusto na talaga niyang yakapin ito para kalmahin pero hindi niya ginagawa. Alam niyang hindi pa ito ang tamang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Ira Casa (Novela)
RomanceCollection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet Danong