Helga x Pierre 9

49.7K 2K 223
                                        

Maki Say's: Maaga pa para sa dinner pero Chef ako, remember? Darating yung hari ng bahay namin kaya kailangan mga six course meal :D Well anyway, another chappy habang nag-b-blanch ng karne.

PIERRE.

"Wow.. chicken nuggets!" Pumalakpak si Helga sa inihain sa kanya ni Pierre. He smiled. Ayaw niya sanang pamihasain ito sa processed food pero mukhang yon talaga ang hilig niya.

"Pierre, magbabaon ako nito bukas ha." Helga smiled. Napapailing na lang si Pierre sa pagiging isip bata nito.

"Bakit hindi ka na lang bumili doon?"

"Para tipid." Nagkibit balikat siya. "Pupwede ba akong mag-part time sa Laya Air?" Sumunod na tanong nito.

"Helga.." He groaned.

"Hm?" Panay ang kagat nito sa nuggets at hindi niya maintindihan kung bakit nakakatuwa itong pagmasdan.

"You own half of Laya. Whatever you need, just tell me." Umupo siya sa harapan nito at sinalinan pa ng kanin sa plato.

Umiling si Helga at ngumiti, "Salamat, Pierre pero gusto ko ng akin. Ayoko ng hingi."

"It is your right, you are my wife."

Umismid si Helga sa kanyang sinabi. "Hindi yon tama.. Hindi naman din totoo na mag-asawa tayo."

Napabuga ng hangin si Pierre, paano pa ba siya makikipagtalo dito? Siya din naman ang naglagay ng guhit sa kanilang pagitan. Ang gusto lang naman niya ay hindi maramdaman ni Helga na nag-iisa siya. That he can provide for her at wala siyang dapat ipag-alala. Helga is too young for all this stress. He wants to compensate the pain she's feeling. Napakaliit na bagay ng comfort na ibibigay niya.

"Halika.." Hinila niya si Helga patungo doon sa garahe. Bitbit pa din ang tinidor na may nakatusok na pagkain. Humarap sila sa bagong biling sasakyan. He's all smiles. Excited siyang makita ang reaksyon ng asawa.

"There you go!" Masayang sabi niya sabay lahad ng kamay pero hindi kagaya ng inaasahan niya, hindi nagtatatalon sa tuwa si Helga, kumunot lang ang noo nito at pinagmasdan ang sasakyan.

"Favorite color mo ang pink, Pierre?" Nagtatakang tanong nito.

"W-what?"

"Ayaw mo na nung black car mo?" Inosenteng tanong nito. "Sabagay, kung gusto mo ang pink.. Okay lang naman yon. Only real men wear pink!" Pagpupunto pa nito.

"Helga, what the-- Sayo yan. Regalo ko sayo.."

Doon na napawi ang ngiti ni Helga. Napalunok ang asawa niya at nagpapalit palit ang tingin nito sa kanya at doon sa sasakyan.

"H-hindi nga?"

Now he's smiling, gusto niyang malaman ang reaksyon ni Helga kanina pa.

"Yours.." Ulit niya habang tumatango.

"B-bakit?"

Siya naman ang napalitan ng pagtataka. Why is she even asking, why? He's rich and he could give her anything she likes.

"Hindi ko naman yan matatanggap eh." Lumabi si Helga, "Isoli mo na lang sa pinagbilhan mo, Pierre."

"What? No.."

"Pierre, masyadong mahal yan. Baka magtaka si Helena kung paano ako nagkaroon niyan." Napakamot pa si Helga ng kanyang ulo.

"She won't even think about that! Mayroon nga siyang bagong sasakyan mula sa Daddy niyo." Naiinis na paliwanag ni Pierre pero hindi nagpatalo si Helga.

Ira Casa (Novela)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon