HELGA.NAMUMULA ang pisngi ni Helga habang nangungumpisal kay Stephanie. Ang tanging taong maari niyang mapagsabihan dahil hindi siya huhusgahan nito sa nakaraan niya kundi bilang isang bagong kakilala. She sips from her straw and bit her lip as the bitterness and sweetness exploded in her tongue. Pamilyar iyon.. Sweet but bitter, just like borrowed kisses from her sister's boyfriend.
"OMG OMG OMG!" Stephanie shrieked. Never ending na hinampas ang malamig na bakal na lamesa sa isang primyadong coffee shop.
"So, hindi ka na V?" Humagikgik ito.
"Ha? Helga? Hindi ka na V?" Steph repeated when she didn't answer.
"Hindi yon ang punto ko, Stephanie." Umirap siya. Para namang isang clown ang pagngisi ni Stephanie.
"I got your point!" Humagikgik ito. "Finally! Your childhood dream is all yours!" Nilahad pa niya ang kamay at inilagay sa dibdib. "May forever talaga hindi ba?"
"Oo.. Forever na aasa." Malungkot siyang tumungo. Eh paano naman siya maniniwala kay Pierre, noong isang araw lang sinasabi nitong magkapatid sila. Tapos kagabi mayroong nangyari sa kanila. Hanggang ngayon ay iginigiit pa din ng puso niya na natukso si Pierre dahil maigsi ang suot niya. And maybe, he's drunk. Really drunk that he couldn't recognize what he's doing. But the following morning was weird. Desidido daw na ayusin ang kanilang pamilya?
"Gusto lang non makaulit." Ngumuso siya but Stephanie pulled some strands of her hair.
"Gaga, base sa kwento mo, hindi naman ganoong klaseng tao si Pierre. Saka paano ka naman balik-balikan kung wala ka namang alam sa pakikipag ano?" Humalakhak si Stephanie na walang filter ang bibig. Nagtakip ng tainga si Helga. Isang oras pa na makasama niya si Stephanie, magiging baliw na din talaga siya. Tinanggal ni Stephanie ang pagkakatakip ng kanyang tainga.
"You know what's wrong? You." Steph pointed out. "You always think about your family that left you. Eh eto na nga si Pierre, nag-aalok na maging kapatid, kapamilya at kapuso, tatanggi ka ba? Alam mo nasesense ko yang Ate mo, may inggit yan sayo at hindi na ako magugulat kung maghahasik yan ng lagim balang araw."
"Grabe ka naman Steph." She feels that it is very wrong to judge Helena. Normal lang na sumama ang loob nito sa kanya pero hindi naman siguro dadating sa punto na kasusuklaman pa siya. Saka sinabi naman niya na isasaoli din niya si Pierre kapag naging maayos na ang lahat. Hanggang ngayon ay malinaw pa din iyon. Ang pag-aaral niya ang kanyang daan para makapamuhay siyang mag-isa. After that, Pierre can leave her, marry Helena or be with Helena if her parents would disagree, whatever. She will be out of the picture by then. Whatever happens, her parents hate her, be with Pierre or not.
"OMG!" Napatakip ng kanyang bibig si Steph. "What if-- What if-- mabuntis ka?"
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa katanungan. Hindi niya naisip iyon.
"It is unprotected right? Paano na lang kung---"
"Stop it, Steph. Pinapakaba mo ako."
Sumandal si Stepanie sa kanyang upuan at binagsak ang kanyang plastic cup na gumawa ng ingay, pagod siya nitong tiningnan. "I am just testing you and you reacted so wrong in so many levels. Helga. You consummated your marriage, sex inside marriage is a gift from God and also a duty to your partner. Kahit araw araw niyong i-consummate yan, walang magre-react! Ilang galong konsensya ba ang nilaklak mo girl? Wala ng ganun ngayon. This world will eat you alive if you won't fight for what you want."
Napaisip si Helga. Now that Stephanie's point involves God, nagduda siya sa sinasabi ng isip niya.
"Natatakot kasi ako, Steph.."
BINABASA MO ANG
Ira Casa (Novela)
RomansaCollection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet Danong