Helga x Pierre 3

44.5K 1.8K 92
                                    

PIERRE.


"So kailan nyo isasagawa ang kasal?" Pormal na tanong ng Daddy ni Helga sa kanilang dalawa. Kasalukuyan silang nakaupo sa may library kasama si Helga. Bakas ang pag-aalala sa napakaganda nitong mukha. She's fidgeting, too. Kinuha niya ang kamay nito para patigilin sa walang saysay na pag-likot.

Tumikhim si Pierre, Mauro Floresca sounded like closing a business deal. Kung hindi lang talaga nya kailangang panagutan ang pangyayari sa pagitan nila ni Helga na hindi naman nya maalala, he wouldn't end up with this last measure.

"As soon as possible. Nakahanda na po ang magulang ko anytime." Sagot ni Pierre. Sa kanyang tabi ay paulit ulit na kinagat ang pag-ibabang labi, nanatiling nakayuko dahil sa takot sa kanyang Daddy.

"Well then, you have my blessing." Malaki ang boses na sambit ni Mauro.

"Tito.." Pahabol ni Pierre.

"Gusto ko lang po matiyak na makakabalik na muli si Helga sa mansyon. Hindi nyo na siya itatakwil---"

Tumaas ang kilay ni Mauricio, "You are doing this for your business, right Pierre?"

Natahimik si Pierre. Ayaw nya sanang magmukhang ganoon but he has to be honest. Isang bagay na maipagmamalaki nya sa kanyang sarili simula pa noon ay prangka siya at walang paligoy ligoy.

"Y-yes, but—"

"I will return my investment only when you marry Helga. She will be under your responsibility. Sa iyong pamamahay siya titira para pagsilbihan ka. Kung ano mang katigasan ng kanyang ulo ay sasailalim sayong pangalan. She will be a Floresca after all.." Striktong sagot nito habang sumisimsim ng kanyang kape. Balewala ang panginginig ng bunsong anak nito sa kanyang tabi.

Nakaramdam ng kaunting awa si Pierre para kay Helga lalo na nang magsimulang lumuha ito at pinipigilan ang pag-hikbi. Masuyo niyang pinisil ang kamay nito.

"Okay Tito, I will assume the responsibility to your daughter."

-----

HELGA.

WALANG naging magarbong paghahanda ang kasal nila ni Pierre, walang imbitado. Wala ding nakakaalam sa kanilang kaanak. Nakakatawa kung paano ito nagawa ng kaniyang ama sa kanya. Inililigtas ba siya nito sa kahihiyan o pinaparusahan lang?

Tanging ang magulang lang ni Pierre at ang sa kanya ang magtutungo sa munisipyo para isagawa ang kasal. Nakaharap sa salamin si Helga at pinagmasdan ang kanyang puting A-line dress. Walang kahit anong detalye kundi isang pares na perlas na hikaw lamang. Manipis na makeup ang nilagay nya sa kanyang mukha at mas pinatingkad pa ang pagkakakulot ng dulo ng mahaba nyang buhok. Mahigpit ang naging hawak niya sa kanyang puting panyo, tiyak na maluluha na naman sya dahil sa lamig ng pakikitungo sa kanya ng kanyang pamilya.

"Ikakasal ka na sa boyfriend ko." The cold voice of her sister sliced through the four walls of her room. Hindi ito nakabihis, suot lang nito ang pastel peach na pantulog habang naglalakad papalapit sa kanya. Namamaga din ang bilugang mga mata nito gaya niya.

"Anim na taon, anim na taon ang aming relasyon at sayo pala siya mauuwi." Mapait ang salita ni Helena, nakakapaso. Kahit gaano kapalaban si Helga, wala syang masabi kundi tanggapin ang hinagpis nito. It was her fault.

"Helena, Im sorry, hindi ko gusto itong nangyayari. I've said my piece. Walang nangyari sa amin ni Pierre and Dad was overreacting. This is the best that I could do for both of you. Kung hindi ako makakasal sa kanya, mas lalo kayong magkakalayo, Pierre's business will go down. Please understand." Pagsusumamo niya. Namuo ang luha sa mga mata ni Helena. Naging sunod sunod at marahas ang naging pagluha nito. Lumakas ang basag na boses nito.

Ira Casa (Novela)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon