HELGA.
Namumula ang pisngi ni Helga habang nagmamaneho si Pierre. Kitang kita niya pa ang pag-angat ng gilid ng labi nito tuwing napapatingin sa kanya. Bakit nga ba niya hiningi ang World Peace? Baka isipin ni Pierre na nababaliw na siya.
"Ba-bye.." Ngumiti siya kahit hindi siya makatingin. Nagmadali siyang bumaba nang dumating na sila sa University.
"Helga..."
"Hm?" Wala tuloy siyang choice kundi ang tumingin sa kanyang asawa.
"I will pick you up later.." Ulit nito sa kanya. Marahan siyang tumango.
Huminga siya ng malalim habang pinagmamasdan ang bago niyang eskwelahan bago siya pumasok. It is huge and has an intricate architectural design. Sinauna ang pagkakadisenyo ng mga bato at tila walang pintura kaya umasa na lang sa masusing pagkakalilok ang bawat pundasyon ng gusali.
Tumingin siya sa mapa na kanyang hawak. Dalawang linggo na siyang huli sa eskwela pero ayos pa naman daw iyon. She will just need to catch up on weekends, nagbayad din si Pierre ng magtuturo sa kanya tuwing Sabado.
"Arts Building.." Binasa niya ang kanyang prospectus na naglalaman ng foreign subjects. Iba kasi ang syllabus niya dito kaysa sa France.
"Miss?" Tawag niya sa isang mukhang weirdo na dumaan sa kanyang tagiliran. Huminto ito. Nakasuot ng malaking salamin at kulay purple ang buhok. She beamed a sweet smile at her pero hindi nasuklian ang kanyang ngiti. "Saan ang Arts Building?" Nahihiyang lumapit siya dito.
"Anong subject?" Supladang tanong sa kanya.
"Textile Design 4.."
Ngumiti ito ng malapad at biglang kumapit sa kanyang braso.
"Halika, sumama ka. Magiging kaklase kita!" Bigla itong naging magiliw sa kanya.
Sumunod siya sa babae. Pinagmamasdan ang pinong kilos nito sa kabila ng weird na porma.
"Stephanie.." Iniabot nito ang kanyang kamay bago sila pumasok sa loob ng classroom na hinintuan nito. Malayo pa lang ay kita niya na ang napakaraming tela sa paligid ng classroom. Nabuhay na naman ang pagnanais ni Helga na makipagsabayan sa pagdidisenyo.
"Helga.." Sabi niya habang hindi inaalis ang tingin doon sa classroom. Pumasok sila sa loob at saktong nagsimula na ang kanilang klase. Panay ang tanong ni Stephanie kung naiintindihan ba niya ang lecture. Tumatango siya at yon ang totoo. In fact, she enjoyed it so much. Walang accent ang nagtuturo kaya nakakasakay siya sa mga biro nito.
Nang matapos ang kanilang unang klase, nagtungo sila sa Sketch-up class nila. Napangiwi si Helga dahil hindi niya inaakalang may ganito silang subject. She's used to free hand drawing at hindi kasama ang computer. Masyado palang old school ang pagtuturo sa kanya sa Paris.
"Galing ka sa Paris? Bakit nandito ka?" Tanong sa kanya ni Stephanie habang naglalakd ng malayo patungo sa kanilang classroom. Hindi naman niya maikwento ang sitwasyon nila ni Pierre, bago pa lang silang magkakilala at baka naman ma-shock ito sa nangyari sa kanya.
"Mas gusto ko kasing malapit sa pamilya. Homesick--"
Naiinip na si Helga sa paglalakad. Mabuti na lamang at simpleng jeans at puting tshirt lang ang kanyang suot. Nilagay nya din sa isang backpack ang lahat ng kanyang mga gamit para hindi sya masyadong mabigatan sa pagbitbit.
Kahit gaano kasimple ng ayos ni Helga, hindi naiwasan na matigilan ang isang buong classroom na pinasok nila ni Stephanie. Hati ang populasyon sa babae at lalaki sa kanilang Sketch-up class. Lahat ay may nakalagay na malaking drafting sheets sa kanilang harapan at kanya kanyang drawing ng disenyo. Sa gilid naman ay mga computer.
BINABASA MO ANG
Ira Casa (Novela)
RomanceCollection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet Danong