Maki Say's: Pasensya na kung matagal. Nagbabakasyon din ako. Haha :) Votes and comments para masaya!
HELGA.
"Helga." Bumagsak siya sa bisig ni Stephanie at Travis na mabilis siyang napuntahan sa entrada ng village kung saan nakatira ang kaniyang mga magulang. Madilim na at nanatili siya doon malapit sa guard house, kadikit ng mga halaman. Awa ang bumakas sa mata nang dalawa niyang kaibigan.
"Anong problema?" Naisantinig ni Travis.
"Hindi nila ako mahal, wala na akong pamilya." Histerikal ang naging boses niya. "Pinaglaruan nila akong lahat. Ayaw nila sa akin. Please.. I need a home.." Hinagod ni Stephanie ang likod niya na parang makakapagpagaan iyon pero wala iyong nagawa. Parang bumabaon sa kanyang puso ang bawat haplos sa kanya.
"Naku, paano ba ito. Trav, walang space sa bahay namin, alam mo namang siksikan kami doon ng mga kuya ko. Pupwede bang sa inyo muna si Helga?" Humigpit ang yakap sa kanya ni Stephanie para ipagpatuloy ang pang-aalo.
"Oo naman, pupwede ka sa condo ko para makapag-isip isip ka, Helga. Doon muna ako uuwi sa bahay namin."
Tiningnan niya si Travis na para bang ito na ang may kasagutan sa lahat ng pangangailangan niya, she gently nodded. Sumakay siya sa sasakyan ni Travis at sabay sabay silang nag-tungo sa condo nito. When life won't give her a choice, at least she has friends to deal with her helplessness.
---
PIERRE.
"You won't get away with this! Makakarating ito sa iyong mga magulang, Pierre, kapag pinalaki mong bastardo ang sarili mong anak. You have this one chance, only one choice to make it right." Namumula si Mauro Ortega sa pakikiharap kay Pierre.
Nauunawaan niya iyon. Kung siya nga ay ampon, magiging bastardo naman ang kanyang anak. He offered an option to the Ortegas, Helena's baby will have his surname, but he wants to marry Helga and make it right, so he thought.
"Hindi ka na tatanggapin ni Helga. Nakita mo ba Pierre? Nandidiri siya sayo dahil gumawa ka ng kasalanan!" Giit ni Helena na pulang pula na din ang mukha sa kakaiyak. Tinakpan niya ang kanyang tainga, gusto niyang puntahan si Helga pero hindi siya hinayaan ng mga magulang nito, partikular ng haligi ng mga Ortega na si Mauro.
"Give me some time to think. I need to talk this through with Helga. Kahit sabihin niyo pang hindi legal ang naging kasal namin, mahal ko na si Helga."
"At paano naman si Helena? Wala kang dapat panagutan kay Helga, Pierre! Pero ito, ito ang panganay ko, her baby needs you, too."
Tumayo siya nang walang imik. Hindi niya gugustuhing magdesisyon ngayon dahil walang babali ng kagustuhan niyang panatilihin ang relasyon nila ni Helga. To these people, they might think that he's escaping the responsibility but he is not.
Umuwi siya sa kanilang tahanan ni Helga. Nakapatay ang lahat ng ilaw. He wished he will be welcomed by her sweet smile, but that is too much to ask. Kahit sana ang umiiyak na mukha nito o ang galit, kahit ano ay pagtitiyagaan niya basta makasama niya ito.
He get his phone from his pocket, sinubukang tawagan si Helga pero nakapatay ang cellphone nito, hindi niya pa din tinigilan.
Pakiramdam niya, noong nagbuhos ng kamalasan ay sinalo niya ito. Nakakainsulto na hindi pala siya entitled sa kasiyahan. How cruel life is making him fall for somebody he cannot have?
---
HELGA.
"Kumain ka, Helga. Ngayon ko lang naperfect ang chicken afritada, o." Nakatutok sa bibig ni Helga ang mainit na pagkain na inihanda ni Stephanie at Travis. Pero pakiramdam niya ay wala na siyang dahilan para kumain pa, wala na siyang dahilan para matulog at magising kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Ira Casa (Novela)
RomanceCollection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet Danong