HELGA
"I don't want you to think that I am cheap because I am not, okay? Just hungry." Panay ang pagnguya ni Helga sa mga pagkaing nakahain sa kaniyang harapan. She knew she's chewing like a goat but who cares. Hindi nga niya dapat iniisip kung ano ang iniisip ni Pierre sa kaniya. His opinion won't matter.
"I am not thinking about anything." Nangingiting wika ni Pierre habang pinapanood siya. Pinanliitan niya ito ng mata.
"Come on, Pierre. You think about so many things. I know. Ganiyan ka naman." Binalatan niya ang hipon sa kaniyang harap, "Come on, peel this for me." Inanyayahan niya pa si Pierre na ipagbalat siya ng hipon para hindi matigil ang kaniyang pagkain.
Wala na siyang inaalala dahil nakapagtext na siya kay Travis at Stephanie ng kaniyang gagawin, proud din siya na nakuha niya ang salita ni Pierre na dito ibibigay ang project.
"You are not making me pay for this, right?" Dudang tanong niya dahil umorder pa si Pierre ng paborito niyang lobster. Umiling sa kaniya si Pierre. "Or this has poison?"
"Don't be silly, Helga!" Natawa na ito ng tuluyan sa kaniya. Nagkibit balikat siya at ipinagpatuloy ang pagkain. It was almost midnight when they finished eating. Sakto lamang iyon sa pagsasara ng restaurant kung saan silang dalawa lamang ang natira.
Naglalakad sila patungo sa parking lot, ang coat ni Pierre ay ipinatong nito sa kaniya. Hindi niya iyon tinanggihan, except for the fact that she was so comfortable than she should be, wala siyang dahilan para tumutol dahil giniginaw din siya.
"Dito na lang ako." Tumigil siya sa taxi stand na walang nakaparadang taxi. Kinuha ni Pierre ang pulsuhan niya at hinila siya patungo sa sasakyan nito. Taliwas sa gusto niya.
"I'll bring you home. Saan ka umuuwi?"
"Secret."
Napaawang ang labi sa kaniya ni Pierre. "Helga, I am not playing games, gabi na. Kailangan mo nang makauwi and your only choice is to tell me where you are off to." Binuksan nito ang pinto para sa kaniya at awtomatiko siyang napasampa doon.
"Hindi mo kailangang malaman, Pierre. I don't want them to know where I am."
"Sino? Ang pamilya mo? Bakit? Para magawa mo ang gusto mo nang may laya?"
She shook her head vehemently. "Hindi naman ganon."
"Ano ang dahilan? I hate this game that you are playing, Helga. Can't you grow up a little bit?"
I am. More than you'll ever know, Pierre. I am carrying your child too. Pero isa iyong katotohanan na hindi mo na malalaman pa.
She plans to leave after the contract signing. Titiyakin niyang plantsado ang lahat at secured ang kontrata nila Travis bago siya umalis. If she can make excuses until she endures it, she will. Baka makabalik pa siya kung makapanganak na siya. Wala ding makakaalam noon. Kahit ano, basta hindi nito malalaman ang kalagayan niya.
Pumikit siya ng mariin habang binabayo ni Pierre ng pag-aakusa. Narinig niya ang pagbukas ng makina at ang mahina at kumportableng hangin mula sa AC. Napanatag siya doon.
--
PIERRE
"And what? You will come home crying? Repenting? Regretting all the things you have done because you cannot take the consequences?"
Galit niyang sinimulang paandarin ang sasakyan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagagalit siya sa desisyon ni Helga pero hindi naman niya ito malayuan. Ito ang pinakamalambot na parte ng puso niya. Kung bubuksan niya ang puso niya baka may pangalan na ito ng dalaga, ganoon nito napasok ng husto ang pagkatao niya.
BINABASA MO ANG
Ira Casa (Novela)
RomantikCollection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet Danong
