HELGA.Nagising si Helga na nananakit ang likod. Hindi na siya pinakawalan pa ni Pierre kagabi simula bumagsak ito sa pagkakahimbing. Her back hurts yet she felt that she had the best sleep since all the ruckus. Hindi niya tuloy maiwasan ang mapangiti kaya lang biglang umurong yon.
"You're awake." Halos mapatalon pa siya nang magsalita si Pierre na nakamasid pala sa kanya. Nakasiksik kasi siya sa half naked body nito at prenteng prenteng nakaunan sa braso nito.
"S-sorry.. Ano.. Kasi--"
"Anything weird I did last night?" Inosenteng tanong sa kanya nito. Mabilis na napailing si Helga, she's restraining herself from being talkative. Ayaw niyang sabihin kay Pierre ang nangyari dahil baka pag-isipan siya nito nang hindi maganda. Baka sabihing nananamantala siya o di kaya isumbong siya sa Ate niya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang lamat na mayroon silang magkapatid. She's her only sister after all, kissing her sister's boyfriend is so wrong.
Pinapangako niya talagang hindi na mauulit yung nangyaring yon kagabi! So she shook her head multiple times to justify her denial.
Nagtaas ng kilay si Pierre dahil sa matigas niyang pag-iling. "Really?"
"Totoo! S-sorry, dito ako inabot ng antok.. Inaasikaso kita kagabi tapos inantok ako.. nahimatay nga ata ako!" Pagsisinungaling niya when the truth is hindi siya pinakawalan ni Pierre. Hindi niya naituloy ang pinaplanong pagpapainom dito ng kape dahil hinawakan siya nito sa bewang at dinaganan ng mahahaba nitong binti. Napagkamalan pa ata siyang unan.
"Fck, I was so drunk last night.." Wika ni Pierre habang napapailing. Ang kaliwang kamay nito ay namamahinga pa din sa bewang niya samantalang sa kanang braso naman nito siya nakaunan, pinaglalaruan pa nito ang kanyang buhok na tila wala naman sa sarili.
"Bakit ka ba kasi uminom?" Tanong niya.
"I am thinking of someone."
Tipid siyang ngumiti, hindi pa din alintana ang braso na nakapalupot sa kanya. "Si Helena. You should see her." She concluded and suggested.
Noong mga nakaraang araw, busy si Pierre. Maagang umaalis at late na din nakakauwi, baka wala na itong oras para kay Helena kaya namimiss niya.
"What I did last night---"
"Wala ka namang ginawa, Pierre." Putol niya.
"Never allow anyone to do that to you.. I mean, kapag may nalasing, wag kang lalapit, okay?"
Kumunot ang noo niya. Nagiging weird na naman si Pierre sa pinagsasasabi. Baka lasing pa.
"You are too young, you might be taken advantage of.."
"I am not TOO young!" Kontra niya.
"But still.. Young." Giit naman ni Pierre, mukhang parehas na silang nasanay sa kanilang distansya na halos magkadikit na din ang mukha.
Padabog niyang itinulak si Pierre. how could he say that when she's already married? At saka binabawalan pa siya nitong magkawang gawa kung ganon? Kaya lang naman siya nakatulog sa tabi ni Pierre ay dahil tinulungan niya ito sa kagustuhang mapaginhawa ang pakiramdam nito.
Well anyway, not good deeds will be appreciated. At the end of the day, imbes na magpasalamat ay nasabihan pa siyang bata. She hates it! She's being reminded how she was ill-judged by her parents at ang kanyang pagpapakasal ay isang pangdidisiplina sa isang kagaya niyang rebelde. This is too much for a penalty. Buong buhay niya ang isinangkalan nila.
Naiinis siyang bumangon. Pierre was caught off guard kaya nakawala siya mula sa hawak nito. At dahil nainis siya kay Pierre, imbes na maghanda ng almusal na kadalasang ginagawa niya, she ended up in her room. Naghanda na siya para sa pagpasok sa kanyang school. Nag-inhale exhale siya ng maraming beses. Hindi maaring mainis siya. This is her first day at school. Nakasalalay pa naman sa kanyang mood ang mga ideya na magagawa niya.
BINABASA MO ANG
Ira Casa (Novela)
RomanceCollection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet Danong