HELGA."TRAVIS.. Why did you do that?" Nagtatakang tanong ni Helga. Bila bigla siyang hinalikan ng kaibigan.
"Oo nga, Travis! Bakit mo siya hinalikan?" Lumapit sa kanila si Stephanie at itinulak papalayo sa kanya si Travis.
"I-Im sorry, Helga. Gods, Im sorry.. I--" Parang litong lito pang wika nito dahil sa kanyang reaksyon.
"Naku, wag ka ng mag-explain." Naiinis na wika ni Stephanie. Hinawakan niya sa kamay ang nag-iisang kaibigan na nakakaalam ng istorya ng kanyang buhay para patigilin ito sa pagsasalita.
"May karelasyon si Helga kaya ikaw, itigil mo na yang kabaliwan mo. Tara na nga, Helga." Umismid si Stephanie at hinila siya sa kamay. Hindi na siya nag-atubiling mag-pahila. Pumara silang dalawa ni Stephanie ng taxi dahil nagtext si Mang Carding na hindi siya maiintay.
"Wag mong isipin yon si Travis. Gunggong talaga ang Almonte na yon!" Panay ang pagrereklamo ni Stephanie habang nasa taxi sila. Siya naman ay nanatiling tulala at nakasilip lang sa may bintana.
Nakokonsensya siya kahit wala naman siyang kasalanan. Nabigla siya ng husto sa ginawa ni Travis pero tingin niya ay kailangan niya ihingi ng tawad iyon kay Pierre. Magagalit siguro yon pero ang importante hindi siya nagsinungaling. Hindi naman kasi alam ni Travis na may relasyon sila ni Pierre kaya alam niyang wala din itong intensyon na masama.
Nang makarating siya sa kanilang bahay, agad niyang hinanap si Pierre pero wala ito. Hindi niya alam kung ipagpapasalamat ba niya iyon o mas lalo lamang siyang kakabahan sa paghihintay.
Naisip niya na magandang pagkakataon para ipagluto niya si Pierre para mawala na din ang kanyang kaba, kung nag-overtime ito, maganda kung may maabutang pagkain sa hapag kahit simple lang ang ihain niya.
Pinili niya ang pork adobo at buttered vegetables. Mabigat na ang kanyang katawan sa pagkilos pero hindi niya sinukuan ang pagluluto. She wants to please Pierre dahil tiyak na pagod din naman ito sa trabaho.
Halos mapapikit na siya sa sobra sobrang antok at pagod sa pag-iintay kay Pierre pero tapos na siyang makapagluto ay wala pa din ito. Tumayo muli siya at pinagdiskitahan naman ang isang recipe na dumaan sa kanyang Facebook feed tungkol sa recipe ng brownies. Natuwa siya nang makakita ng sangkap sa kanilang pantry kaya sinimulan naman niya iyon para sa dessert ni Pierre. Nilibang niya ang sarili sa pagbe-bake.
Nang mailagay na niya sa oven ang nagawang brownie batter, may kumalabog sa pinto. Agad niyang tinungo iyon at nagulat siya nang makita doon si Pierre na amoy alak, buhat buhat ito ng dalawang lalaki na ang isa ay pamilyar sa kanya. Nakita na ata niya sa Laya Air.
"Hi Helga, I'm Dave..." Ngumiti ang isang matangkad na lalaki na matapang ang pagkamestiso.
"Alberto here." Sambit din nung isa na Pilipino pero hindi magpapahuli sa tangkad. Binigyan niya ang tatlo ng daan papasok sa kanilang salas at inihiga nang mga ito si Pierre doon sa sofa.
"Mas mabuting dito na lang muna siya matulog." Wika ni Dave habang tinitingnan ang hagdan sa kanilang kwarto paakyat. Wala sa sariling napatango siya.
"Anyway, if you need anything, you can call me." Iniabot nung Alberto ang kanyang business card kay Helga na agad naman niyang tinanggap. "I just live nearby. Mas mabilis akong makakapunta kung mayroong kang kailangan." Magalang na wika ni Alberto.
"Maraming salamat sa inyo.." Sinulyapan niya si Pierre. Alam naman niyang hindi talaga ito palainom. Tiyak na mayroon na namang problema kaya ganito. Inihatid niya hanggang sa kanilang gate ang dalawa at nagmadali siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Lumuhod siya at dinama ang noo ni Pierre nang daluhan niya ito, pawis na pawis ang buhok nito. "Bakit ka naglasing?" She whispered. Umungol lang si Pierre at pinalis ang kamay niya na parang galit. She smiled and stood up immediately to prepare his sponge bath.

BINABASA MO ANG
Ira Casa (Novela)
RomansaCollection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet Danong