Ikalawang Maalat Na Kabanata

203 10 0
                                    


It was already Wednesday, hays, unang araw na ng klase. In-accept na nga pala ako ni Bibeboy kahapon. Kung 'di ko pa ni-double send yung friend request ko 'di pa niya ko i-a-accept, hmp! Habang naghihintay ng teacher, nakipag-chikahan muna ko sa kaibigan kong si Jane at Cheche. Habang nakikipag-chikahan, biglang pumasok si Bibeboy. Jusq mga Hambebe, bakit kaya siya nandito? Nagkamali kaya siya ng room na pinasok? Gosh, napaka-mapusok naman niya. Tinignan ko yung schedule ko to make sure na siya talaga 'yung teacher namin ngayon. Oops, siya nga. Ano ba 'yan. Id-direct ko pa naman sana siya sa tamang daan kung sakaling nagkamali siya ng pinasok. Sayang naman.

"Good morning, class!" He greeted us.

"Goo-oo-d mo-oo-rning, Sir Bibebo-oo-y." Malatang bati ng aking mga kaklase ko. Ano ba naman 'yan. Babati nalang ang bagal at ang lata pa. Buti nalang ako 'pag bumati mabilis at malakas.

"So, my name is Justine Bibeboy. Ako ang magiging T.L.E. teacher niyo, okay? I'm 19-years-old and I'm from Masantol, Pampanga." Pakilala niya sa kaniyang sarili. "So, sino dito mga kapampangan?" Tanong niya. Wow ha, 'di ko alam kung racist siya or ano pero ganun ba siya ka-proud sa ethnic niya? Gosh.

"Ako po!"

"Aku!"

"Mekeni meketong pwet mo patong-patong!"

Sigaw ng mga kaklase kong papansin na kalahi ni Sir Bibeboy. Hays grabe ganto pala nila ka-feel ang connection sa isa't-isa.

Pagkatapos niyang makipag-communicate using an alien language, inisa-isa na niya kaming kilalanin.

"I'm Sharon Kunyeta from Caniotan, Calumplete, Bulak-can. I'm fifteen years of age and my birthday is—"

"Next." Pagputol niya sa pagpapakilala ko. Aba bastos 'to wa. Aling Yoli, ihanda ang guidance!

Umupo na 'ko sa aking upuan nang nakataas ang noo kahit na binastos ako ng teacher na'to habang ako'y nagpapakilala. Hindi naman siya si Ma'am Daisy-7 para i-Next Zone ako, huh? Wala siyang karapatan. Hindi ito gLee Audition, pwe!

Natapos an gaming klase sa pagpapakilala ng mga punyeta kong kaklase at natapos ang araw na ako'y natatae. (Oh, diba, nag-rhyme!) Nakipag-chikahan lang ako saglit that day tapos umuwi agad ako kasi nae-ebaks na talaga 'ko.

|èz

ITLOG NA MAALATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon