It was already February, konting kembot nalang graduation na. Konting kendeng nalang, makakaalis na ko at makakalimot. Damating na yung araw ng Ball namin. Siyempre kailangan maganda ako tonight kaya kung todo rent ako ng limang make-up artists para ayusan ang maganda kong mukha at katawan! Binilhan ako ni mama ng ball gown na pastel blue ang kulay. Maganda ang tela nito at mukhang mamahalin. Duh? Sa pinakamagaling na stylist pa kaya ako nagpatahi! Kanino pa nga ba de kay Ka Oria! 'Yung mananahi naming kapit-bahay! Nang sumapit na ang gabi, na-late pa ko ng dalawang oras, kaya grand entrance ako siyempre. Ikaw ba naman maglaba pa ng panty tapos hihintayin mong matuyo sa likod ng ref. Sa dinami-dami ng pagkakataon ng mauubusan akong panty, bakit ngayon pa? 2 hours akong late sa Ball kaya tinginan ang lahat ng tao pagpasok ko. Mala Cinderella ako bes! Basa ang panty version. Hindi na kasi ako nakapag-hintay na matuyo e.
"Uy, ang ganda mo tonight!" Bati sa'kin nung adviser ko. "Pak na pak ka ngayon!" Hala, so dati hindi ako pak na pak? Gosh. Umupo na ako sa designated table naming ng mga friends ko at nakipagbatian. Nang sumapit na ang romantic na sayawan, pinagpasa-pasahan ako ng boys. Naka-bente yata ako. Gan'un ba ko kaganda tonight? Myghad! Kaya napagod agad ako at naupo sa table namin habang nagsasayawan ang lahat. Maya-maya pa, nakita ko siya. One month ko na siyang hindi pinapansin. Maybe tonight, I will. Kahit isang ngiti lang siguro. Nakakamiss din kasi siya e.
"Hi." Sabi niya. At nginitian ko siya. "Sana pwede din kitang isayaw." Bulong niya. Then I stood up.
"Tara, dun tayo sa labas." Sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko pero ito nga siguro ang epekto ng basa ang panty. Malakas ang music at madilim sa labas ng gym. Sinayaw niya ko sa dilim sa saliw ng musika ni Justin Bieber na Baby.
Ang aking Justine Bibeboy...
And the darkness has never felt so romantic until this very moment. Then sa kalagitnaan ng pagsayaw naming, he kissed me.
"I'm going to miss you." He whispered as he pulled away from my lips. "Kahit na alam kong niloko lang kita, minahal parin kita ng totoo. Sino ba naman ang hindi mai-in love sa isang tulad mo?" Bulong niya. "Kaso," huminto siya at huminga ng malalim. Alam kong ngayon niya sasabihin ang explanation niya dahil alam niyang ngayon ay pakikinggan ko na siya. Kasi alam niyang hanggang ngayon ay mahal ko parin siya. "Mas pinili ko ang pamilya ko kesa sa'yo. Pasensya ka na ha? Sorry talaga. Hindi ko naman kasi talaga balak na saktan ka. Kasi sa totoo lang, gusto din kita. Noong una pa lang. Pero kailangan kong mamili sa dalawang mahirap na desisyon. Ikaw ba o ang pamilya ko? Babawiin kasi ni Booba yung bahay at lupa namin kaya hindi ko magawang makipaghiwalay sa kaniya... sana maintindihan mo. I really am going to miss you..." He said. And I know that he will. Because I will never be coming back to him again. Maybe...
"And I will never forget about you." I replied, and then he pulled my away up to the winding staircase papunta sa rooftop.
"Si Booba ay matagal na naming kakilala. Isa siya sa mga nagpapautang noon sa'min tuwing gipit na kami. Isang araw, bigla nalang sinugod sa ospital si Papa at kinailangan naming ng malaking halaga ng pera. Dahil sa sobrang desperado na si Mama, naisangla niya ang bahay at lupa namin sa Camella homes kay Booba at pinangbili ng utak na ipapalit kay Papa. Nasira kasi 'yung utak niya kaya kinailangan nang palitan." Pagkkwento niya. "Hanggang sa isang araw, naniningil na ng utang si Booba dahil pupunta na daw siyang America para dun na tumira. Ngunit hindi naming mabayaran dahil kulang pa ang perang naiipon naming. Mga 200k pa kulang. Kaya binigyan kami ng pamimilian ni Booba. Kung ibebenta niya ang bahay naming, or sasama ako sa kaniya at papakasalan siya. Wala akong nagawa dahil mahal ko ang pamilya ko. Sumama ako kay Booba at nagpakasal sa kaniya sa Las Vegas. Nang malapit na naming mabuo 'yung utang naming one million pesos and ninety-nine point nine cents na utang namin sa kaniya, si Mama naman ang sinugod sa ospital. Nasiraan daw kasi ng bait kaya kailangan humanap ng donor na magbibigay ng bait. Umabot ng two million pesos ang bill naming sa ospital kaya mas lalo kaming nabaon sa utang. Hanggang ngayon, masikap pa rin naming pinagttrabahuhan 'yung two million pesos na utang namin kay Booba kaya hindi pa ko makalaya mula sa mga mataba at lawlaw niyang bisig. Triny kong i-explain sa'yo 'to nang mas maaga pa pero wala akong lakas ng loob. Sorry, Sharon. Sorry kong nadurog ko ang puso mo." Pagtatapos niya.
"Naiintindihan ko." Sabi ko at binigyan siya ng matamis na ngiti. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at pinunasan ang luhang nagaaambang kumawala. "Wag ka nang umiyak." I whispered.
Then he close his eyes and close the gap between us. He kissed me again, passionately. And the night ended with the two of us sitting on the rooftop side by side. The moments we had for each other has been so peaceful and euphoric. Parang nabunutan ako ng tinik sa kidney ko nang maramdaman kong okay na kami. When 2 o'clock striked, we walked back to the gym para kumain sa buffet. Pinauna niya akong pumasok sa back door para walang makahalata na may ginawa kaming kababalaghan sa labas. After kumain at konting pahinga, rave dance naman. Nagdala ako ng tsinelas na Beach Walk para dito at nakiparty ako ng bonggang-bongga. It was the best night of my life. Grabe napaka-saya. Pero sana mas maging masaya kaming dalawa pagkatapos ng gabi na 'yon. Sana nga. Sana. Nang dumating na yung araw ng graduation, ako ang Valedictorian, kaya nagspeech ako at natanggap ko na ang diploma ko, hindi ko maiwasang maiyak. Binigyan ko lahat ng sulat yung mga taong importante sa akin. At siyempre, isa siya sa mga 'yon. I gave him a letter containing only one sentence. "I love you, always." Then I said my goodbye.
"Bye, Sir." I gave him a wry smile and wave at him. Sana maging masaya ka na...
C0/|
BINABASA MO ANG
ITLOG NA MAALAT
HumorSiya ang itlog na nagbigay alat sa aking buhay. Ano kaya ang aking kahihinatnan? Abangan.