Orientation na naman. Nakakasawa na pumasok. Naglalakad ako sa corridor suot-suot ang aking newly bought sweater from UK-UK, stilettos from Zara Labhati at skinny jeans from Forever 69. Sinukbit ko ang aking sling bag sa aking shoulders at umakyat papunta sa third floor kung saan nandoon ang aking room. Napunta ako sa medyo last section this year but I'm not bothered at all. Sanay na naman kasi akong ginagawang second-to-the-last. I was about to enter my room when nakakita ako ng isang poging binata. Tinitigan ko siyempre. Tinaas ko yung sunglasses ko from Metro Sunnies at tinignan siya from head to toe. Ano kaya name niya? Hays, hayaan mo na nga. Makaka-usap ko naman siya maya-maya. Baka nga kaklase ko pa e. Who knows?
"Hi, Sir." May biglang nagsabi at tumango siya. Oh. My. Gosh. Teacher pala siya? Jusmio, di halata ah. Kinabog niya ang pagiging teacher ahihihi. Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya papasok na room. Pumasok siya sa katabi ng room ko. Tinignan ko kung ano pangalan niya dun sa list of students. Justine Bibeboy. Nuxx naman ang name ng koya mo, lakas maka-Hollywood star. Magkapangalan sila nung singer. Si Justine. Justine Timbubulake.
Dahil alam ko na ang name niya, I fished my iPhone 7 Plus 256GB with Dual Camera and Sim from my Mike L. Course ko na bag at hinanap siya sa Facebook. Pinindot ko agad yung Add button at pumasok na sa room para ma-orient. Hays, sana i-accept niya ko tulad ng pag-accept ng nanay ko sa kalandian ko. Sana.
![](https://img.wattpad.com/cover/84275480-288-k118953.jpg)
BINABASA MO ANG
ITLOG NA MAALAT
HumorSiya ang itlog na nagbigay alat sa aking buhay. Ano kaya ang aking kahihinatnan? Abangan.