Ito na ata ang pinaka-masakit na araw na nangyari sa aking buhay. It was Tuesday—August 09, 2016. Blessed Tuesday na naman. Tuwing Tuesday kasi, maaga ang uwian namin, konti lang ang major subjects at two hours pa sa T.L.E. Kaya binansagan namin ang Tuesday bilang "Blessed Tuesday."
Nag-sit-in ako sa Narra kasi maaga ang uwian naming ngayon. Habang hinihintay nila si Sir na pumasok, pumuslit na 'ko sa loob para 'di na ko kwestyunin kung bakit ako makiki-sit-in. Tumabi ako sa kaibigan kong si Sushi—Sushil Climber—na aking hinihintay dahil pupunta kami sa Kikemo Enterprises today para mag-interview ng mga trabahador para sa aming A.P. report about sa ekonomiya. Nang pumasok na si Sir, nag-greet kami ng magandang hapon sa kaniya at naupo. Habang may nagr-report sa harap tungkol sa itlog, umupo si Sir sa empty sit sa tabi ako at nakinig. Maya-maya ay nalingon siya sa'kin. Mga dalawa.
"Oh, ba't nandito ka?" Nabiglang tanong niya. Gosh. Nabigla pa siya e kanina pa 'ko nandito.
"Sit-in ako, Sir!" Sabi ko naman.
"Wala ba kayong teacher?" Tanong niya. Gosh, inuna pa niya pag-interrogate sa'kin kesa sa makinig sa nagr-report.
"Wala po, Sir." Sagot ko.
"Ba't di ka pa umuwi?"
"E may pupuntahan pa po kasi kami ni Sushi e."
"Buti naisipan mong mag-sit-in?" Dami namang tanong nito. Sakit mo sa kilay ah.
"Kesa naman po sa mag-loiter ako sa corridor at mapalitan ang Supervisor ng CCT, mag-aaral nalang po akong mabuti about sa eggs." Pang-Mrs. Bulprisa kong sagot. Mukha na daw kasi akong may sampong anak kaya "Mrs. Bulprisa."
Tumango nalang siya at nagbigay ng 90 sa ¼ sheet of paper ng nag-report.
Habang nagpapakopya siya ng lecture, naisipan kong kunin ang eyebrow pencil ko sa bag to fill in my eyebrows. Habang nagkikilay ako, natingin sa'kin si Sir at lumapit.
"Sharon, ano ba 'yan?" Tanong niya.
"Lapis po." Sabi ko naman. Nang makalapit na siya, kinuha niya ang eyebrow pencil ko.
"Akin na, ako magkikilay sa'yo." Gosh, nabigla ako sa sinabi niya. Kaso binalik niya sa'kin yung eyebrow pencil ko at sinundan ng, "Joke lang. Asa ka naman."
Asa naman daw ako... may iba pa kayang meaning 'yun? Gosh. 'Di kaya ito tungkol sa pagkakaroon ko ng crush sa kaniya? Jusq, Sharon, anuna? Nginitian ko nalang siya ng matamis kahit na nasaktan ako sa sinabi niya. Umaasa ba talaga ako na magkakagusto din siya sa'kin? Gosh, hindi ko alam. Crush ko lang siya, oo, pero hindi ko naman naiisip na magkakagusto din siya sa'kin. Pero dahil pumasok iyon sa aking isipan, hindi ko maiwasang isipin yung possibility. May pag-asa nga ba? Hindi. Wala. Teacher ko nga pala siya, at estudyante niya lamang ako.
Maya-maya ay tumabi sa'kin si Rickaka at chinika ako.
"Oy, may girlfriend na pala 'yang si Sir." Sabi niya. Kumirot ang puso ko.
"Oh? Di nga?" 'Di makapaniwalang tanong ko. Pinipilit kong maging normal ang tono ng aking pananalita 'wag lang nilang marinig ang bakas ng paghihinagpis sa aking tinig.
"Oo, bhe, si Ma'am Cruzita daw." Aniya, at lalong nabiyak ang aking puso. Gosh...
Nanahimik nalang ako sa isang tabi at nagkilay. Natapos ang kaniyang klase nang maayos ko na ang aking kilay. Gosh, eyebrows on fleek na 'ko. Eto oh, may picture pa ko. (Photo on the gallery)
Kahit na medyo makirot ang aking kalooban dahil sa naisip ko, minabuti ko pa'rin na magpaalam kay Sir ng goodbye na may kalakip na ngiti at pagmamahal.
Alas-4:45 na nang makaalis kami ni Sushi mula sa school. Pinatawag pa kasi siya ni Ma'am Coke about sa Bulprisa kaya na-late kami ng alis. Palabas na sana kami ng gate nang biglang bumuhos ang ulan. Naalala kong naiwan ko pala yung payong ko sa aking locker, kaya bumalik kaming dalawa ni Sushi sa loob. At sa hindi inaasang pagkakataon, nang paakyat na kami sa second floor, nakita ko si Sir Bibeboy sa harap ng comfort rooms—kasama si Ma'am Cruzita. At magkaharap sila. Gosh. Nagtago kami ni Sushi sa gilid ng mga locker.
"Mag-iingat ka ha?" Sabi ni Sir kay Ma'am. Parang binibiyak-biyak na ang aking puso. At mas lalo itong nabiyak na parang dinaganan ito ni Goldie at ni Dambo nang sabay nang makita ko ang isang 'di inaasahang pangyayari. Hinalikan nya si Cruzita sa pisngi. Hindi ko maiwasang maiyak nang makita ko ito. 'Di ko alam kung bakit pero nasaktan ako. Ano ba ang wala sakin na mayroon kay Cruzita? Malaking dede? Malapag na ilong? Blackheads? Ano ba? Ano bang wala sa akin? Ano pa ba ang pagkukulang ko? Ay, oo nga pala. Hindi nga pala kami pwede. Estudyante nya nga lang pala ako. And then I flee. I've run through the rain hanggang sa makarating ako sa paradahan ng mga tricycle. Pero bago ako makarating dito, may biglang humila sa aking kamay at niyakap ako. Biglang nawala ang ulan. Paano? Ay, nakapayong pala 'tong nanghila sa'kin. Tumingala ako at nakita ang isang maamong mukha na parang tuta. Si Chrismark pala 'to.
"Why are you in tears?" He asked me. Then he wiped my face using his right hand's thumb. His hands are so warm and my face feels so cold.
"Nothing..." I whispered. "You shouldn't care about it at all."
"Well I should." He said.
"Why should you?" I asked him. My eyes spilled more tear and he just kept on wiping it.
"Because..." He mumbled.
"Because what?"
"Because I love you." He said. And that made my heart melt—not broken. "I'll drive you home." He said then accompanies me to his car. Ay buti naman, at least hindi na 'ko mamamasahe.
Habang nagmamaneho si Chrismark papunta sa aking bahay, tinanggap ko nalang ang katotohanang hindi ako magugustuhan ni Sir at nilunok ang pride ko. Kahit na masakit. Medyo nag-iba na ang pakikitungo ko sa kanya nung malaman ko ito. Di na 'ko ganoong ka-energetic sa mga pagbati ko sa kanya tuwing makakasalubong ko siya sa corridor. Pero sa kabila ng malagim na balitang ito, I just carry on. Pinilit ko yung sarili ko na ibalik yung dati. Yung pagiging energetic ko pagdating sa kanya. Kahit na nasasaktan ako kapag nakikita ko s'yang kasama si Cruzita, binabati ko parin siya. Wala namang masama kung magiging positive ka diba? So yeah, I choose to be positive. Kahit na masakit na. Nandiyan naman si Chrismark e. At nanliligaw na siya.
BINABASA MO ANG
ITLOG NA MAALAT
HumorSiya ang itlog na nagbigay alat sa aking buhay. Ano kaya ang aking kahihinatnan? Abangan.