Two weeks nang tumatakbo ang klase. Two weeks na din akong naghahabol—ng aralin. Ang hirap kayang umabsent ng one week! Habang kumakain ako with the squad sa cafeteria, nai-kwento sa'kin ni Maria na may parating daw na transferee from California. Sana naman hindi kami ma-Tenorio Zone sa kanya. Grabe 'di ko makakalimutan yung karanasan na 'yon noong Grade 7 palang kami. Umasa kaming Gucci na orig ang dadating, Gucci from Divisoria lang pala. Aba ginoong Cristina!
Nang paakyat na kami sa room, nakasalubong naming si Sir Bibeboy na nagmamadali papuntang cafeteria.
"Hi, Sir!" Bati ko sa kanya. Tumango lang siya. Di ko pa kasi sya close. Sa totoo lang, sa lahat ng mga naging teachers ko, siya yung napakahirap i-close. Di manlang ngumingiti tapos lagi pang nakakunot yung noo, parang pasan nya ang daigdig. Stress na naman ata sa mga estudyante niya. Anak siguro 'to ni Ma'am Bebot. Parehas silang hikahos kapag na-stress sa mga estudyante. Abe, kahapon nakasalubong ko si Ma'am Bebot, aba'y nagbibilang na naman ng mga kasalanan ng estudyante! Kabog!
Sa tuwing makakasalubong ko si Sir Bibeboy, lagi ko siyang binabati para makuha ko ang loob niya. Kaso tango lang talaga ang nakukuha ko sa kaniya kaya medyo disappointing. Parang walang Landi-Progress. Pero dahil malandi ako, carry on lang, tuloy parin ang pagbati (greet hindi hand job wag kang ano!) ng bongga. Oh, diba! Kanya-kanyang way ng paglandi lang 'yan! Charot.
"Hi, Sir!" Bati ko sa kan'ya sa hallways at corridor.
"Hi, Sir!" Bati ko sa kan'ya sa faculty.
"Hi, Sir!" Bati ko sa kan'ya sa room.
"Hi, Sir!" Bati ko sa kan'ya sa banyo... Umihi kasi siya, tapos ako napadaan lang...
Nang hapong iyon, nag-ingay na naman kami sa group chat namin—at si Sir Bibeboy ang topic. Habang pinag-uusapan namin siya, nai-kwento ni Maria na may girlfriend na daw si Sir. Aba'y ginoo, kumirot ang puso ko sa hindi malamang kadahilanan. Bakit kaya nasasaktan ako?
"'Di ko na talaga papansinin si Bibeboy, nasasaktan nalang ako..." Sabi ko sa group chat.
"Ayoko na magmahal..."
"Lagi nalang akong nasasaktan..."
"Hi Sir, pinapa-laya na po kita... :) :)"
"Lagi nalang kasi akong may kaagaw sa'yo..."
Nag-drama ako sa group chat nang gabi na 'yon.
Sabi naman ni Elpisa:
"thats"
"okay"
"bebe"
"marami
"pa"
"iba"
"jan."
":)"
Grabe kakaiba siya mag-chat. Kinulang ata ng finger kaya di makapag-type ng maayos. @AndreaB paki-bigyan ng finger 'tong si Elpisa! Natulog na ako nang sumapit ang alas-10 ng gabi.
When I was about to fall asleep, one person came into my mind: him.
BINABASA MO ANG
ITLOG NA MAALAT
HumorSiya ang itlog na nagbigay alat sa aking buhay. Ano kaya ang aking kahihinatnan? Abangan.