Ika-15 na Maalat na Kabanata

73 2 0
                                    

Nang sumapit ang lunch, lumabas ako at rumampa sa corridor. Nakita kong natulala ang mga boys sa'kin dahil maganda ako. Lahat sila naglalaway. Pero kahit na gano'n, kadiri pa'rin! Para akong nasa set ng Train to Busan like OMG! Habang rumarampa ako, lumapit sa'kin si Chrismark at inakbayan ako.

"Don't drool over this pretty girl! She's already mine." He defended me. I bet he can feel my disgust. Kinilig ako ng konti kay Chrismark kaya pinalo ko siya sa braso ng medyo slight.

"Enekebe, di ka pa naman nang-liligaw e. Hihihi." Sabi ko sa kanya. Pano naman kasi, nag-date lang akala mo namang kami na, duh?

Pagkatapos naming maglandian sa corridor, bumaba na ko para kumuha ng lunch ko sa cafeteria. Habang nakapila, naamoy kong parating na ang squad ni Harley. Amoy araw na kasi! Nagtakip ako ng ilong ko using my Armando Roberto kong panyo.

"Hoy, Sharon! Humanda ka na mamaya sa Math dahil masasabon ka ng bonggang-bongga with dishwashing liquid at sunsilk." Pagmamalaki niya.

"Parang mas okay sa inyo 'yun! Ang babaho niyo na e! Hindi ba kayo tinuruan ng mga nanay niyo kung pano maligo?" I sarcastically said then they walked out. Hays mga jejemon nga naman, ghad. Pero kinabahan ako sa sinabi niya ngg medyo light. Sasabunin daw ako ni Ma'am Bebe... nagsumbong kaya sila? Sinampal ko ang sarili ko. Malamang, gaga!

Mabagal akong kumain sa cafeteria nang mag-isa sapagkat may klase pa sila Maria. I'm just here to kill time. Kaya I killed it. Pagkatapos kong kumain, napadaan sa'kin si Brian Lez na isa sa mga janitor dito at kinuha yung plato ko.

"Miss okay ka lang?" He asked me.

"Ah, oo. Salamat." Sabi ko.

"Pinapatawag ka daw po ni Ma'am Bebe." Sabi niya. OMG jusko naman pati siya inutusan pa! "Punta daw po kayo sa faculty."

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at taka umakyat papunta sa faculty. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Sir Justine. Malapit kasi sa pinto yung cubicle niya kaya kita agad siya kapag bubukas ang pinto.

"Hi, Sharon." He greeted me.

"Hi, Sir." I greeted back sullenly. Ngumiti lang siya na nagpakilig sa akin. Pagkatapos kong mag-ayos ng panty kasi nalihi sa kilig, pumunta na ko sa cubicle ni Ma'am Bebe.

"Ma'am Bebe, are you there?"

"Hi, Sharon." Bati a'kin ni Ma'am Bebe. Naka-jeprox siyang lipstick ngayon. Yung kulay orange na nabibili sa tiyangge. "Maganda ba ang lipstick ko today?" Tanong niya.

"Okay naman po Ma'am. What colors did you blend?" I asked her.

"Yellow and red, of course!" Pinakita niya sa'kin yung lipkit niya. "It's my new product nga pala—Bebe Lipkit. Buy ka na for just 25 pesos!"

"No thanks po, Ma'am, I stil have Babe Lipbalm pa po kasi. Di ko pa po kasi nauubos 'yun, para po kasing epoxy sa dikit."

"Ay gan'on ba? Osige sa susunod, lalagyan kong Bebe Oil para di na madikit." Aniya habang inaayos yung Bebe Lipstick niya. "Siya nga pala, may nakapagumbong sa'kin na nakipag-away ka daw kaninang umaga kay Harley." Kinabahan ako. Matapos kong bumili ng Bebe Lipbalm niya?!

"Ay oo nga po, Ma'am Bebe." Pag-amin ko. "Pero siya naman po yung nauna e. Naiinggit lang po siya sa'kin."

"Ano naman ika-iinggit niya sa'yo?" Tanong niya.

"Liligawan na po kasi ako ni Chrismark. E nagkataong crush niya po yung tao kaya feeling niya inaagaw ko po siya sa kaniya."

"Pero kahit na, dapat hindi mo nalang pinatulan! Pano kung mas malala yung nangyari? Pano kung napatay mo yung tao sa awayan niyo? Pano na?" Napaparanoid na si Ma'am Bebe. Napansin ko kasi kumibot yung nuunal niya sa taas ng labi kaya dama kong nas-stress na siya.

"Ma'am pagbilan nalang po ng Bebe Lipkit niyo." Inabutan ko siya ng 25 pesos.

"Osige, eto oh. Choose your colors." Sabi niya. Assorted kasi yung color ng Bebe Lipkit ni Ma'am. May neon din. Kinuha ko yung blue tsaka green para cute. "Kapag gusto mo mag-blend paturo ka lang sa'kin ah? Sige maaari ka nang maka-alis. 'Wag mo nalang patulan 'yang malanding bakla na 'yan!" Sabi niya.

"Sige po, Ma'am. Salamat po." Sab ko sabay sibat. Nang palabas ng 'ko ng faculty, may tumawag sa'kin na pamilyar ang boses.

"Sharon," mahina niyang sabi—si Sir. Lumapit ako sa cubicle niya. "Nililigawan ka na ba ni Chrismark?" Tanong niya na para bagang nasasaktan siya.

"Hindi pa po pero, o-opo." Nauutal kong sagot. Hala na, nasasaktan ba siya?

"Okay," malungkot na sabi niya at tsaka tumayo at lumabas ng faculty. What have I done wrong?

Lumabas na ko ng faculty at tsaka kinuha 'yung mga gamit ko sa locker. Next subject naming si Ma'am Bebe kaya inagahan ko ang pasok. Baka pagalitan na naman ako, mapilitan akong bumili ng Bebe Products made by Ma'am Bebe.

"Okay class, next week—August 18—ay retreat na na'tin." Panimula niya nang makapasok siya ng room namin. "Settle down your account balance before Monday, okay?"

Ay shet, oo nga pala, may retreat kami! Nakalimutan ko talaga shet, shet, shet. Pag-uwi ko ng bahay ay sinabihan ko agad ang aking ina na si Jensquared na kasama ako sa retreat. Pinayagan naman niya ako at tsaka binigyan ng pang-bayad ng retreat. Nang gabi ng aking pag-tulog, nag-online muna ako sa Facebook at nakita ang chatbox ni Sir Justine na typing. Ano kaya sasabihin niya? Hinintay kong ang chat niya pero 5 minutes later, huminto na ito. Ano kaya ang balak niyang sabihin sa'kin? I wonder.


ITLOG NA MAALATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon