Ika-anim na Maalat na Kabanata

106 5 0
                                    


The next day, was Thursday. First subject namin siya. Late na 'ko jusq. Pagpasok 'ko sa room, nandun na siya, nag-aayos ng projector. Kaka-pasok palang ata niya.

"Good morning, Sir." I greeted him.

"Good morning, Sharon." He greeted back—without looking up at me—coldly. Baka naka-kain lang ng V-Fresh kaya malamig ang bibig niya.

Habang nagdi-discuss siya, nakikinig lang ako. Actually ako lang talaga tsaka sila Cheche at Jane yung tahimik at nakikinig sa kanya, kaya sa'min lang madalas nakabaling yung attention n'ya. Yung mga kaklase ko kasi, basta bagong teacher walang pakielam, tapos eto pang si Sir, four years lang ang tanda samin so mas lalong nawalan sila ng pake. Like duh, we're just 15 years old tapos si Sir 19 palang. Oh diba, kabog. Dahil nga walang nakikinig, naisipan nyang magrecitation, causing him to get my classmates' attention. Hala bira, sige patay kayo ngayon.

Nagsimula na syang magtawag para basahin yung mga questions sa board at sagutin ang mga yon. Una niyang tinawag si Vivi, ang kaklase 'kong lulong sa pag-aaral. Yung tipong ginawa na niyang pagkain yung libro sa kakabasa pero hindi parin mataas ang grade.

Maya-maya sinabi nya, "Okay, I need a volunteer."

Nagtaas naman ako ng kamay. Wala kasi talagang nagtataas ng kamay kapag voluntary. Pero dahil ayaw ko syang ipahiya, nagtaas parin akong kamay. Then tinawag n'ya ko at natawa sya. Yung tipong kinikilig na tawa. Tangines, ginawa pa 'kong clown.

"Okay—uhm—Sharon—" he started then read the question from the projector, "what are the sizes of eggs?"

Ganyan yung mga tanungan nya kasi nga ang discussion namin ay all about eggs. Duh. So dahil green minded ako, nasa isip ko inches hahaha, pero dahil nakikinig ako kanina, nasagot ko naman ng tama.

"Eggs are calssified into five basic sizes—peewee, small, medium, large and extra large," I answered wittily.

"Okay, very good," Sabi n'ya tapos na-ngiti na naman sya. Isang ngiti mo pa, Sir, ico-consider na kita bilang isa sa mga puppy ng Colegio de Talandi.

Then a funny thought came into my mind. Gusto ko sana siyang tanungin, "E yung sa'yo po, Sir, gaano po kalaki yung itlog nyo?" Kaso nasa tama akong pag-iisip kaya di ko sya tatanungin ng gano'ng question. Sayang.

Pag-upo ko, dungaw agad sakin si Jane, "Uy may sparks yung pag-ngiti niya hihihi." sabi nya sakin. And that made my heart flutter. Syempre kinilig naman ako kaya pinalo ko syang malakas hihihi. #Blessed

ITLOG NA MAALATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon