Ika-21 na Maalat na Kabanata

37 1 0
                                    

Nagsimula na siyang manligaw kinabukasan. At ganun din si Chrismark. Tapos etong si Gino ay sumusulpot pa paminsan-minsan. Bale sabay-sabay silang manlandi sa'kin ng bongga. Gosh, ang ganda ko talaga, ugh! As days pass by, nagiging mas ma-effort siya as ever pero wala namang nakakahalata na may nangyayari na palang liagawan sa'ming dalawa. Kasi itong si Chrismark ang lagi kong palusot kapag may binigay sakin si Justine, ahe. And besides, ang galing ko kayang um-acting, 'no? Pwede na ko mabigyan ng Cannes Award. (Yung tunay na Cannes hindi yung talapokpocannes!")

Today ay tumawag siya sa'kin habang nagp-play ang SOCO sa background.

"By! Nuod tayo Conjuring 2, hehehe." Sabi niya, ahe! Keleg ako eheheheh kilig pepe gosh.

"By! Sige, libre mo ba?" Malandi kong tanong.

"Aba, siyempre, hindi! Ikaw kaya manlibre, wala na kong pera 'no!" Sabi niya at binabaan ko siya ng phone. After 69 seconds, tumawag ulit siya.

By *roygbiv hearts emojis* is calling...

"Uy, eto naman 'di mabiro! Siyempre libre ko!" Sabi niya, ahihi kilig pepe.

Nagbihis na ako suot ang aking most-daring na damit para malasap niya ang hotness ko. Nagsuot ako ng crop top na under the dede kaso naubos ko na yung tela kakagupit kasi di ko mahanap 'yung dede ko. Nasa likod na pala! Gosh. Kaya tinapon ko na 'yun at nag-Sunday dress nalang ahihi.

Nag-meet up kami sa 7/11 at nakita ko siya dun sa loob na naghihintay katapat ang si Disney—'yung pulubeng kulot na naka-disney princess na pink na damit na 100% virgin ang telang ginamit. Nakasuot si Bibeboy ng white t-shirt at flannel. Gosh, tirik na tirik ang araw ba't ganto attire nito? Hays, wala talaga siyang good taste sa fashion... Turuan ko nga! Tsk. Charot. Pagpasok ko ay amoy isda sa loob. Umaamoy na pala si Bibeboy kaya kinuha ko 'yung isang bote ng Glade sa sulok ng 7/11, binayaran at in-spray sa kaniya para amoy fresh lavender na siya. Hmmmm, amoy banyo! Feeling ko tuloy sabay kaming naliligo, ahe! Damn! Ahe!

Kinalabit ko siya at tumingin siya sa'kin. Tumayo na siya na ngiting-ngiti at inakay ako palabas ng convenience store. Hala, speechless siya, oh! Ganda ko ata today! Nang makasakay na kami sa bus papuntang cinema, may sinabi siya sa'kin na nagpakilig sa'kin ng bongga.

"Ganda mo naman." Bulong niya sa tenga ko sabay hawak sa mga kamay ko sa pagitan naming dalawa. Ahihihi. Feeling ko binulungan niya din pempon ko, ahihihi. Pagpasok namin sa sinehan, bumili na kami ng ticket para sa Conjuring 2 at pumasok na sa dilim at nagsulok na kaming dalawa, damn! Nang ma-reach namin ang climax, napatili ako bigla.

"Uggggggggghh!!" Sigaw ko, at tunog ungol pala ito. Pano naman kasi naubos lakas ko kakatili kanina kaya ayan, ungol na! Nagtinginan sa'kin lahat ng malapit sa'ming dalawa. Hala, akala siguro nila nagmimilagro na kaming dalawa!

Tumahimik nalang ako at nilantakan 'yung popcorn ni Bibeboy, maya-maya ay nagulat nalang ako at bigla niya kong niyakap e jusko hindi naman nakakatakot 'yung scene!

"Uy, natatakot ka ba? E picture lang naman nung bata 'yung pinapakita!" Bulong ko.

"Hindi, nakakatakot kasi 'yung tumabi sa'kin." Sabi niya. Lumingon ako sa tabi niya at nakakita ng isang maligno. Napasigaw na naman ako dahilan para magtawanan 'yung mga tao sa sinehan. Hehehe. Pa'no naman kasi, apaka-puti nung mukha ni ateng gorl! Sa kapal nung foundation at blush on, naging rose gold na 'yung kulay nung mukha niya. 'Di ko na tinggal 'yung yakap niya sa'kin kasi siyempre gusto ko din naman 'yung mga pagyakap niya sakin hihihi, kaya push lang. Ang lambot niya kaya! Hihihi. Hays kapag inuwi ko 'to sa bahay ko, ihahagis ko agad 'to sa kama... Para gawing unan siyempre, wag kayong ano! Paglabas naming ng sinehan, kumain kami sa Jollibee ng burger steak because we can find true love in it, hihihi. Nang pauwi na kami, gabi na. Sumakay kami ng jeep pauwi at kung papalarin ka nga naman, kami lang dalawa ang laman ng jeep. Softly, nagp-play 'yung 400 Lux ni Lorde sa radio ng jeep at nakaupo kami sa shot gun. Ako 'yung nasa gitna nilang dalawa nung driver.

You drape your wrists over the steering wheel.

Napatingin ako kay manong driver na hot na hot sa sobrang init. Bigla nalang siyang nag-lip bite. Hala, English version ata 'to ng Jeepney Love Story ni Yeng e :---((

Pulses can drive from here.

We might be hollow but we're brave.

Hinawakan ni Bibeboy ang kamay ko at saka ako tinignan sa aking mga mata. Nakangiti siya at nag-aalab ang kaniyang mga mata sa pag-ibig. Bumilis ang tibok ng aking puso at mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kaniya at tumingin sa daan dahil hindi na alam ang gagawin ko.

Nang bumaba na kami sa kanto malapit sa bahay ko, biglang namatay 'yung street light kaya nilamon kami ng dilim. At doon ko naramdaman ang paghawak niya sa aking mukha at ang pagtulak niya nito palapit sa kaniyang mga labi.

He kissed me.


ITLOG NA MAALATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon