Ika-17 na Maalat na Kabanata

67 3 0
                                    

Nagmamadali ako sa paglalakad palabas ng bahay dahil sa male-late na ako sa form—detail kasi ako ngayong araw kaya dapat before 7 ay nasa school na. Saktong 6:50 ay nakarating ako sa school, buti nalang naka-hanap agad ako ng tricycle. Pina-pila na agad kami ng officer para ibigay sa'min 'yung ID ng designated post namin. Nakuha ko 'yung Post No. 12. Ay kabog—dito madalas nagc-C.R. si Bibeboy!

"Cadets, in pumping position!" Sigaw ni Manny—Mannymong Binusa.

"SNAP!" Sabay-sabay naming sigaw.

"Plus 1 week, move!" Command niya.

"1-2-3-4-5-6-7!" Sabay-sabay naming bilang. At sakto habang binibigay na ni Manny sa'min 'yung mga ID namin, nakita ko si Bibeboy na naglalakad sa 2nd floor corridor—at nakatingin siya sa akin. Hala na, dumudulas na ang perlas sa aking katimugan! Nang maka-lagpas na siya sa amin, pinaalis na kami ni Manny at nagpunta nna ko sa 2nd floor na C.R. para bantayan ito. Nilabas ko 'yung kagabi ko pang pinagkaka-abalahan na embroidery mantel. Gumagawa ako ng image ni Papa Jesus para i-donate sa church ko for 50 pesos. Oh diba, nag-donate ka na, kumita ka pa! Habang tinatahi ko ito, may biglang tumayo sa harapan ko at kinalabit ako sa ulo—si Chrismark.

"Hello, Sharon! Magandang umaga!" Barok niyang sabi. Trying hard mag-tagalog! Pwe!

"Hi, Chrismark! Good morning!" I greeted back.

"What's that you are doing?" He asked me.

"It's an image of Jesus Christ. I will donate it for 50 pesos." I told him.

"You said it was a donation, but you're asking for money...?" He asked me bewilderedly.

"Yes, because sa panahon ngayon, wala nang libre. Pati lalaki may bayad na." Sabi ko. "Ang mahal kaya! 250 isang oras, lugi ako!"

Then he laughs at me. Grabe, 'di naman ako naka-make up ngayon para gawin niyang clown! FHI, hindi ko na ginagamit ang Bebe Cosmetics, ano!

"You're such a funny gal. You never ceased to impress me," he chuckled. "I'll see you later, bye!" He said then left me. Grabe, iniwan din niya ako! Tumayo ako sa pinagkaka-upuan ko at tsaka kinuha 'yung Math notebook ko sa locker. Nang pabalik na ko sa post ko, nakita ko si Sir Glintot sa harapan ko at binati siya.

"Hi, Sir!" Masigla kong bati sa kaniya.

"Hi, Sharon!" He greeted back. At sa pagbati ko na 'yun, nakita ko si Bibeboy sa likudan niya. Malungkot, malamlam ang mga mata. Tumingin siya sa akin at nginitian ako. Ngunit hindi ko siya pinansin. Tumingin lang ako sa ibang direksyon at dinedma siya ng bonggang-bongga. Kabog.

Nang sumapit ang 7:20, nag-bell na kaya pinababa kaming mga detail at pinapunta sa Gymnasium para isagawa ang flag ceremony.

"Sharon!" Tinawag ako ng aking guro. "Ikaw ang magl-lead ng national anthem, ha?"

"Hala, Ma'am! Ayoko po!" Pag-tanggi ko.

"Plus 1 deretso sa card."

"Hala, Ma'am! Sige po!" Pag-tanggap ko. Umakyat na ko sa stage at nakitabi sa mga magl-lead. Nang turn ko na, hinawakan ko 'yung mic na amoy laway at inawit ang pambansang awit. Napansin ko na imbes na nakahawak sila sa kaliwang dibdib nila, nakatakip sila ng mga tenga nila. Hala, iba na ba ang panuntunan ngayon? Sa tenga na pala ang hawak! Nang makatapos na ako sa pagkanta, kinalabit ako ni Jane.

"Niyurakan mo ang pambansang awit." Aniya.

"Sorry, behb. Hihi. Napilitan lang po." Sagot ko.

"Uy, Sharon, may sasabihin ako sa'yo." Sabi ni Maria. "Kinikilig si Sir sa kiki mong boses."

Jusq ka naman Maria, hihi. Kinilig pala si Sir sa kiki ko—I mean sa kiki kong boses. Hihihi, so naughty ko naman, kabogera.

Nang matapos magsalita si Ma'am Bebe about sa C.R. sa corridor namin at sa nawawalang cubicle, pinabalik na kaming lahat sa room at kaming mga detail ay bumalik na sa kaniya-kaniyang post. Saktong 8 natapos ang flag ceremony kaya naman tahimik pa ang buhay ko. 8:20 kasi ang change periods kaya wala pang naglilisawan na mga estudyante sa corridors. Habang pinagpapatuloy ko 'yung tinatahi ko, bumalik si Chrismark sa post ko.

"Oh, ba't nandito ka agad? Wala ka bang klase?" Tanong ko sa kaniya.

"We do have no teacher yet." He replied. "So I decided to visit you here. Aren't you bored yet?"

"No, not yet. I'm making myself busy. Hihihi."

"I'm really getting excited with the result of this one. I wanna be the first one to see it. Wait—can I be the first one to see it? Please." He pouts. At dahil mahilig ako sa aso, at cute siya, I agreed.

"Yeah, sure, I'll inform you if it's already finished." I replied.

"Thanks, Babe!" He cheerfully said. At nakita ko si Bibeboy na nakatingin sa akin nang tawagin ako ni Chrismark ng Babe. Nag-C.R. pala siya, hindi ko man lamang napansin. Pero dahil ito na ang chance ko para mas lalo pang palayuin 'yung loob ko sa kaniya, nilandi ko si Chrismark.

"No, don't call me Babe. That's too much of a stereotype. I want you to call me Babygirl hihi. That's cute as fck." Pabebe kong sabi, at medyo nilalakasan ko pa para marinig ni Bibeboy.

"Alright, alright." He chuckled. "Then you must call me something too."

"I'll call you Baby... boy...?" Nag-fade 'yung boses ko dahil dito. Katunog kasi ito ng aplido niya... This is a big mistake. Parang bumabalik agad sa'kin 'yung pananakit ko kay Bibeboy indirectly. "No, maybe I'll call you Daddy. Daddy C, hihi." I tampered my emotions with my giggle.

"Well, that's quite a name. But I like it." He said. "Well, I'll see you later then, we might already have our teacher. Bye!" He waved at me then took his leave. You are another mistake, Chrismark. Sorry in advance.

Nang malapit ko nang matapos 'yung binuburda ko, may tumayo na naman sa harapan ko. Akala ko si Chrismark na naman.

"Oh, andito ka na naman?" Sabi ko at pagtingala ko, napa-sign-of-the cross nalang ako. "Hi, Sir..." Mahina kong bulong.

"Ano 'yan?" Tanong niya na puno ang pag-asa ang malamlam niyang mga mata.

"Wala po, hobby lang." Malamig kong sabi. At hininto 'yung gawain ko.

"Hindi ako naniniwala." Sabi niya at hinablot sa'kin 'yung binuburda ko. "Ay, banal ka pala?" Nabigla niyang tanong.

"Ay, walangya ka, Sir! Of course!" Masigla kong sagot, dahilan para bigla nalang akong napatahimik. Na-miss ko siya, pero ayokong ipadama...

"Oh, siya, sige, maiwan na kita." Sabi niya tsaka ako tinapik sa mukha at binalik sa'kin 'yung binuburda ko. "Panatilihin ang pagiging banal," he said, gave me a longing smile, then left.

"Jesus Christ..." I mumbled and hugged the mantel. Maya-maya ay lunch na namin, kaya pinuntahan ako ni Chrismark sa post ko at dinalhan ako ng mamon at Big ('yung apple drink, hihi). May pa-mamon pa palang nalalaman 'tong si Daddy C, kabog. Natapos ang buong araw ko nang 'di ko nakikita si Bibeboy. Nang pauwi na 'ko, nakasalubong ako ni Ate Bebe na namo-mroblema pa'rin sa lipstick niyang ayaw mabura.

"Ay, Ms. Kunyeta, good luck sa laban mo bukas, ha? Galingan mo." Sabi niya sa'kin.

"Ay, ano po meron bukas, at saan po ako lalaban?" Tanong ko.

"Intramurals na bukas! Hindi mo ba alam? Ipanglalaban ka sa scrabble!" Nawiwindang niyang sagot. Shit. Bukas na pala 'yun? Kabog.

"Ay, sige po, Ma'am. Nakalimutan ko lang po, sorry. Good luck po sa'kin bukas, hihi." Malandi kong sagot. "Gayun na din po sa pagbubura niyo ng lipstick niyo." I said then took my leave. This time, ako naman ang nang-iwan.

ITLOG NA MAALATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon