4 years later...
It was a sunny Tuesday nang bumalik ako sa aking alma matter... Nang tumungtong ang aking mga paa sa pavement ng parking lot, nakadama ako ng isang mabigat na nostalgia. Nagbalikan lahat ng mga ala-ala ko na aking nabuo sa school na ito, malungkot man o masaya. Nag-reminisce ako sa bawat facilities nang makapasok ako sa loob ng building. Grabe, ang dami nang pinagbago ng school sa loob ng 4 years. Una kong pinuntahan 'yung room naming kung saan sa loob ng 10 months, nakadama ako ng pagmamahal na hindi mahihigitan. Hindi ako nakapasok kasi may klase pa sila kaya sinilip ko nalang. Naglakad ako patungo ng gym at naalala lahat ng masasayng pangyayari dito tuwing P.E. Dito din naganap ang unang selfie naming ni Bibeboy at siyempre ang aming huling sayaw... hays ang daming ala-ala sa lugar na ito. Sumunod naman akong pumunta sa cafeteria at bumili ng Big Apple Juice Drink na favourite naming bilhin ng mga friends ko. Bago na karamihan ang mga tindera, si Ate Lensexy nalang ang natirang kakilala ko dito. Kinamusta ko siya at nakipagchikahan. Nandito parin pala 'yung favourite kong maintenance na si Ka Bengbeng. Binisita ko din 'yung library at kinamusta 'yung librarian na lagi kong kachokarat sa mga kalokohan ko at lastly, umakyat ako sa rooftop. Napahinto ako sa paggalaw nang mahawakan ko ang pintuan papasok dito.
Handa na ba ko para dito? Napakarami naming ginawang mga alaala sa rooftop na ito. Talaga bang babalikan ko ang nakaraan? Paano kung di ko kayanin? Pero tumuloy pa'rin ako, at di ko maiwasang maluha. Nakikita ko ang sarili ko dito, nakaupo sa railings—mag-isa, umiiyak. Hanggang sa dumating si Bibeboy sa buhay ko at naging masaya na ang mga ala-alang nangyari dito. My first kiss. My first boyfriend. Dito karamihan naidaos ang mga paglalandi ko. I was so happy back then.
Kaka-graduate ko lang nga pala last week sa Germany. Isa na 'kong ganap na Psychologist. Umuwi ako dito sa Pinas para magbakasyon at mangamusta sa mga kapamilya ko. Bumaba na ako para kamustahin 'yung mga teachers ko dati. Bago ako pumasok ng faculty, kinabahan muna ako. Makikita ko na naman siya. After four years. Ano na kaya ang itsura niya? Hays, nakakamiss. Grabe. Pagpasok ko, wala siya dun sa table niya. Tinignan ko yung schedule niya. May klase siya ngayon. Ten minutes nalang tapos na. Kaya binigay ko muna yung mga pasalubong ko from Germany sa mga teachers na ka-close ko. Nung bumalik ako sa table niya, wala parin siya kaya I decided to just place the chocolates on the top of his table and just leave it there.
Nilagyan ko ito ng sticky note na may nakasulat na "Para sa pinaka-poging teacher na nakilala ko. Salamat sa mga alaala." And then I've left. Leaving the memories we had behind.
Nang sumakay ako sa aking Lamborghini, may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Sharon!" Sigaw nito. Ang boses na 'yon... grabe ilang taon kong 'di narinig ang boses na akala ko'y hindi ko mabubura sa aking pandinig. Ang boses na nagpaligaya at nagpa-iyak sa akin nang lubos. Ang boses na aking inibig—or should I say, 'ng aking iniibig'?
Lumingon ako at nakita ko siya—si Bibeboy, with his same haircut, same smile and same uniform. Wala pa'rin siyang pinagbago. Siya pa'rin pala 'yung taong minahal ko. 'Yung taong lahat ay gagawin ko para sa kaniya, kahit sumugal man ako gamit ang aking buhay. 'Yung taong minahal ko ng tunay.
"Hi, Sir!" I waved at him. Apat na taon kong hindi ito nasabi sa kaniya. Na-miss niya din kaya ako?
"Hello, Sharon." Mahina niyang sabi nang makalapit na siya sa akin. "I've missed you." He mumbled then caressed my face. Then suddenly, he guides me towards the stairs up to the rooftop. The moment our feet landed on the pavement, he kissed me—torridly. Passionately. Making me flutter. I can feel the fire within my heart again. He's igniting me. He's making me fall for him again.
"Ilang taon kitang hinanap. Ilang taon kitang triny na kontakin, pero hindi kita ma-reach. Wala na si Booba, patay na siya dahil sa lung cancer nung umalis ka ng bansa. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nung malaman kong wala na akong pag-asa. Pero tinanggap ko ang sakit dahil alam kong mas nasaktan kita! Pero kahit na ano pang kalimot at pangb-babae ang gawin ko, mahal pa'rin kita, Sharon! Mahal na mahala parin kita! Ikaw lang at wala ng iba!" He screamed then kissed me torridly.
"Will you be mine again?" He asked me sincerely, his eyes full of hope. Then I kissed him.
"Yes."
BINABASA MO ANG
ITLOG NA MAALAT
HumorSiya ang itlog na nagbigay alat sa aking buhay. Ano kaya ang aking kahihinatnan? Abangan.