August 18, 2015. Retreat na. Maaga akong gumising para hindi ako ma-late sa bus. 4:40am ako gumising kasi nga excited ako. Pagbukas ko ng Messenger, ni-swipe ko yung screen sa Active Now na column at tinignan kung sino na 'yung mga online. Nakita ko si Sir Bibeboy sa top list kaya naisipan kong i-chat siya.
"Hi, Sir." Panimula ko.
"Hi, Sharon. Good morning." Reply niya.
"Kasama ka sa retreat?" Tanong ko.
"Hindi e. : (" Ay pabebe ang emoji niya kabog.
"Ay, gan'on? Pa'no na yung advisory mo?" I asked him disappointedly.
"Hayaan mo na mga 'yun! Kaya na nila sarili nila!" He said then I left the conversation. Nag-prepare na'ko ng sarili ko at tsaka inayos yung gamit ko. Hays na-dissapoint pa'rin ako kasi 'di siya kasama. Parang ayoko na tuloy sumama. Syempre crush ko 'yun, hindi ko malalandi. Sayang ang chances.
Maaga akong pumasok sa school. Mga 6:30 kasi 7 daw aalis na. Pagbaba ko sa lobby, sinalubong ako ni Lily at tsaka hinrap sa'kin yung phone niya para mag-Snapchat then inaya niya ko umakyat kasi naiihi daw siya. Naghanap pa kami ng C.R. na bukas kasi madalas sarado pa lahat ng C.R. dito ng ganitong oras. 7am binubuksan ng mga maintenance ang C.R. dito e. Habang umiihi si Lily, kumuha muna ako ng snap gamit ang cellphone niya. Nung nagp-preview yung snap ko, napagtanto ko na lawiswis ng ihi niya yung background noise ng snap ko. Ghad, pwede palang background music ang tunog ng pag-ihi. Hihihi. Pwede na sa Horror Booth. Ang creepy kasi e. Hahaha. Bumaba na kami after maghugas ng kamay ni Lily at tsaka sumakay sa bus. Nang maka-upo na kami, may naalala akong nakalimutan ko. Shet! Naiwan ko 'yung panty ko! Ni-text ko agad si Papa para ipadala sa kaniya yung panty ko. Habang hinihintay ko si Papa sa gate, nakita ko si Bibebot na papasok sa gate. Binati ko siya ng matamis na ngiti. Yung nakakaumay na sa tamis hihihi.
"Kala ko ba 'di ka kasama?" Tanong ko sa kanya. Nginitian nya lang ako tsaka pumasok sa bus nila. Bastos na bata! 'Di marunong sumagot sa tanong! Inirapan ko nalang siya kasi nakaka-asar siya. Nang makuha ko na yung panty ko sa tatay ko, pumasok na 'ko sa bus at umupo sa tabi ni Lily. Hindi pala kami pareho ng bus na sasakyan ni Bibeboy kaya nadissapoint na naman ako. Pero dinaan ko nalang sa Dangerous Woman ni Ariana at nagbibirit sa bus.
"Something 'bout YOU makes me feel like a dangerous WOMAN!" Ayan lang nakakanta ko di ko kasi alam lyrics. Nabilaukan pa'ko sa sarili kong laway habang kinakanta ko yan. Hahaha! So maya-maya nang malagpasan namin ang maraming tanawin, nag-stop-over kami sa expressway para kumain ng lunch. Pumasok ako sa Starbucks tsaka umorder ng tatlong cake at isang frappe. Tangines naubos isang libo ko kala ko kasi bente lang isang cake 200 pala! Sa karinderya kasi samin bente lang isa. May icing pa na blue at pink pa! Dito wala man lang design na bulaklak! So ayon, lumabas na ko sa Starbucks at pumunta nalang sa Jollibee para bumili ng Happy Meal. Kaso wala pala Happy Meal sa Jollibee na 'to. Ba't sa McDo meron? So cheap naman ng Jollibee. Umupo nalang ako sa tabi ng friendships ko at nilantakan yung 600 pesos na tatlong slices ng cake. Ay hindi muna pala. Pinicturan ko muna pala using my iPhone 7 Plus 256GB with Dual Camera and Sim. Pagka-picture ko, kumain na ko at nagphotoshoot na pang-tumbler sa labas. Suot ko yung Adidas na baseball tee na binili ko sa palengke ngayon. Kaya feeling ko ang ganda ko. Naka-superstar din ako ngayon na regalo ng nanay ko from Japorms. Mahal kaya nito. Mga 560. Kaso mas mahal pala yung cake na kinain ko huta. Baka di na ko makauwi, uutang nalang ako ng 50 kay Sophia. Siya nga pala, nakita ko siya kanina pumasok ng Jollibee na may bitbit na malaking box. Putek kala ko kung ano laman, puro pagkain pala! Ang malala pa, sa Jollibee niya pa kinain 'yon! Gosh, 'di man lang nahiya! Pagkatapos naming mag-photoshoot, pumasok na ko sa bus namin at nag-senti sa tabi ng bintana. Habang tumutugtog yung SORRY ni BEYONCÉ, biglang dumaan si Sir sa tabi ng bus namin. Masaya na sana e. Ang cute na sana nung view, kaso may biglang umepal. Si Cruzita naka-akbay kay Sir. Nilalandi na naman. Punyetang Cruzita yan. Dinudunggol pa 'yung dede niya sa braso ni Sir! Kadiri! Pokpok ng Taon putek. Pwede na bigyan ng award mula sa Cannes. TalapokpoCannes. Hays. Umandar na yung bus namin at nakatulog ako sa saliw ng magandang musika (na tulad ko) na tumutugtog sa aking earpads. 11:36 na nang nakarating kami sa retreat house. In-orient kami nung madre tsaka binigay yung mga susi ng room namin. Roommate ko si Jane at Cheche. Room 401 kami. I wonder kung nasa Room 400 sila Sir...? Hihihi. Umakyat na kami sa room namin at inayos yung mga gamit namin. Naka-idlip ako saglit. Mga 3 hours. Nagising ako sa kalembang ng bell ni Ka Bengbeng. Akala ko may nagtitinda ng ice cream kaya nagdala ako ng pera nung pinababa na kami para masimulan yung ilang activities, wala pala. Sumigaw pa man din ako ng "ICE CREAM!" hays. Nung pababa na ko, ako nalang mag-isa. Iniwan kasi ako nila Cheche at Jane habang naliligo ako. Nahikayat na naman ata ni Ka Bengbeng—sya nga pala yung maintenance namin na matakaw—na mag-food trip sa dining hall. Pagbukas ko ng pintuan namin, nagulat ako. May taong nakatayo sa harap ko. Si Sir Justine. Naka-white sya na polo shirt at nakangiti.
BINABASA MO ANG
ITLOG NA MAALAT
HumorSiya ang itlog na nagbigay alat sa aking buhay. Ano kaya ang aking kahihinatnan? Abangan.