Ika-13 na Maalat na Kabanata

74 2 0
                                    

Weekend. Walang pasok. Walang magawa. Kaya naisipan kong gumala. Pumunta ako sa Robin Soon's Mall sa Ermita para maglakwatsya. Nagdala ako maraming cash. Mga 300, kaso mukhang kulang pa ata kaya nag-withdraw ako gamit ang card ko from Pandayan. Mga 200 lang ni-withdraw ko kasi I don't wanna spend much money right now. May 500 pa naman ako sa card ko. Ang yaman ko diba? Naglibot-libot muna ako sa mall at bumili ng bagong sapatos na Sam Smith. Nabili ko ito ng 150. Orig kasi kaya mahal gosh. Pagkakain ko sa food court, umuwi na ko at nagpahinga. Kina-hapunan, nag-ping yung iPhone 7 Plus with Dual Camera and Sim ko. May notification ako from Messenger. Nagdadaldalan na naman sila sa GC like OMG. Ano na naman kaya ang chika? Nang binuksan ko ito, nalaman kong may bago na naman palang kalandian ang isa sa mga estudyante ng CTI. CTISF daw gosh. Confession page sa Facebook. Ni-search ko agad ito sa Facebook at nagbasa ng mga entry. Nang malaman ko kung ano ang mga nandito, naisipan kong sulatan si Bibeboy. Hihihi. Pinamagatan ko itong "Itlog na Maalat," kasi siya ang itlog na nagbigay alat sa buhay ko. Hihihi.

"[ ITLOG NA MAALAT ]" Ni-type ko sa Notes ko.

"So, ayon, para nga pala 'to kay Sir Bibeboy. Ayieeh. Ikaw po ang biyaya ng CTI hahaha. Dati kasi kay Ma'am Chana K lang umiikot mundo ko. Ngayon sa'yo na nuxx hahaha. Ikaw ang itlog ko (ay jusq bat ang bastos paikinggan?) sa mundong ito na puno ng chixx. Minsan lang kasi magka-papi sa CCI. Kadalasan kasi puro puppy ang dumadating na bago hahaha. So ayon, lagi kang ngi-ngiti kasi ang cute-cute mo kapag nakangiti ka. Para kasing nakikita ko yung future ko sa mga ngiti mo: hindi kumpleto kapag kulang ng the One. Bungi ka kasi, hahaha. Kaya ako ang magiging the One mo na kukumpleto sa iyong mga ngiti hihihi landi ko charot.

So eto na. Wednesday ng umaga. Sabi nila may bago daw teacher. Eto naman ako si kiri, "ay papi ba?" ang una kong tanong. Sabi nila, "hindi beh, dyosa" so medyo na-dissapoint ako. Akala ko kasi lalaki bagong teacher, babae pala. Tas maya-maya dumaan ka wtf. Hindi pala ikaw yung tinutukoy nilang bagong teacher. Kasi ikaw ang bagong magpapatibok ng puso ko nuxx hahaha charot lang. So ayon, nung pumasok ka sa room namin, natatawa ko sa'yo kasi wet yung kili-kili mo hahaha. Pero cute ka parin don't worry. So nag-introduce ka, nag-introduce din kami, the end. Parang love lang, nagpakilala ka tapos nagpakilala din ako pero sa huli hindi naman naging tayo. Charot. Medyo binonggahan ko pa introduction ko just to impress you, oh diba hahaha landi ko lol. Gusto pa sana kitang tanungin kung ano kapampangan ng "I love you" kasi sabi mo kapampangan ka tapos mag-"i love u too" ako kaso di pa naman tayo close, hahaha. Tapos sa lahat ng nakilala kong bagong teacher, sa'yo lang ako medyo naging shy ahihihi. Kadalasan kasi, nakakasalamuha ko na sila within 1 week. Sa kapal ba naman ng mukha ko na 'to? Para kang sulat ng doktor. Ang hirap mo kasing intindihin. Hahaha. So ayun, lagi na 'kong excited pumasok kasi alam kong makikita kita hahahaha ayoko na jusmio. Lalo na tuwing Friday kasi naka-polo shirt ka. Bagay sayo yun, Sir. Para kang si Baemax hahaha taba mo kasi jusmio, sarap mong pisilin lol. Payakap naman hahaha dejk. Tapos alam mo bang isang metaphor ang pagiging isang TLE teacher mo? Kasi ikaw ay Yummy, dejk hahaha. Tas Sir, may tanong ako sa'yo. Hot po ba sa TLE Room? Kasi mas hot ka pa dun. Boom pak ganern hahaha. Eto pa. Nazareno ka ba sir? Pahalik naman hahahahaha yoko na bYE PH BYE WORLD BYE MILKY WAY. HAHAHAHA.

So yun lang hanggang dito nalang.

Ang Iyong Solome. Charot.

2016

Buko ng Buhay Mo."

Ni-send ko ito sa page at nag-reply ang admin agad-agad.

"Uplader na po." Sabi ng admin, gosh. Anong 'uplader?!' Tangines nag-aaral pa ba 'to? Saang lupalop kaya dito sa mundo niya nakuha 'yung salitang iyon?

"Okay po. Read dictionaries nga din pop ala." I replied then left the conversation.

Maya-maya ay nakita ko ang pangalan ko sa GC namin. Si Maria, tinawag ako.

"HOY KIRE SHARON SEND KA ENTRY SA CTISF!" Aniya. Gosh, kakasend ko lang po.

"Nakapag-send na'ko." Sagot ko. "Hintay nalang us hihihi."

Ang tagal naming naghintay mga apat na oras gosh. Akala naming ay sinabutahe na kami nung admin pero sadyang bonak lang pala talaga ito. Meaning siguro ng "uplader" ay "upload later"? Gosh kasi ang tagal talaga bago niya nai-post. Kumulubot na ang pempon ko wala pa'rin my ghad I hate drugs.

Nang ma-post na ang entry ko, marami akong nakitang nag-comment, nag-share at nag-like sa post ko. Gosh, pati ba naman mga teachers nag-comment din? OMG, I'm sikat na hihihi charot. Pero lingid sa aking kaalaman, na sa kabila pal ang pagpapahayag ko ng pagmamahal ko kay Sir, may kumukulo na pala ang dugo sa'kin.

Si Harley—Harleybog Quinn. Ang Bakla ng Taon.

Abangan...

ITLOG NA MAALATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon