Ika-18 na Maalat na Kabanata

90 2 0
                                    

Kinabukasan ay Intramurals na. Today's the big freaking day! Maaga akong pinapasok ni Ma'am Bebe dahil ginawa daw akong Muse. Kabog ang pempon ng lola niyo! Haba ng hair! Nagbihis ako ng maayos at nag-make up. Nang makarating na ako sa school, binigay sa'kin ni Ma'am Bebe 'yung jersey na susuotin ko. Jusmio, mas mahaba pa 'yung panty ko sa shorts na 'to! Pero dahil kabog pa'rin, rampa lang, hala sige, hala bira! Nagsimula ang parade ng 7:30 at pinarampa ako sa stage. Napansin kong kasama ko pala dito si Harley. Hala na! Ano kaya pinakain nito sa coordinator ng namin bakit naging muse ito? Rumampa siya sa harapan ko at nagpakilala sa mic.

"Magandang umaga sa inyong lahat! Ako nga po pala si Harleybog Quinn, at naniniwala ako sa kasabihang 'Pogi man ako sa inyong paningin, ako'y bakla pa'rin!' Muli ako po si Harleybog Quinn, ang Mrs. Bulprisa ng CTI. Bulprisa, mabuhay ka!" Malandi niyang sabi. Hala na, pogi daw siya? Putek!

Sumunod na akong rumampa sa harapan ng lahat with matching sway, sway, sway at anaconda walk tsaka nagpakilala sa mic.

"Good morning, ladies and gentlemen! My name is Sharon Kunyeta from the soul of North Korea! And I believe that—I certainly believe that—uhm—naniniwala po ako sa kasabihang, 'Malandi man ang iyong tupa, mas malandi pa ang aking pagrampa!' Iyon lamang po at maraming salamat!" Sabi ko at nag-anaconda walk pabalik sa aking pwesto.

"Ehem, mangga-gaya..." Bulong ni Harley, aba simbumba! Wala akong ginaya sa'yo! Kapal mo din ano? Maya-maya ay pinababa na kami sa stage at sasabihin daw sa third day kung sino ang nanalong muse. Nang makababa na ako, in-approach ako ni Lily.

"Oy, ba't ka nagpakilala? Si Harley lang ang magpapakilala dapat dahil co-host siya, gaga ka ba?" Hala na! Kabogerang frog!

"Ay, ganun ba? Hahaha, ano ba 'yan nakakahiya!" Pabulong kong sigaw.

Nang matapos na ang mga kaartehan sa Gym, pumunta na ako sa library dahi du'n daw ako makikipaglaban. Nang makarating ako dito, nag-laro agad ako and guess what, I'm twice to beat. Inspired e, hihihi. Nang last game ko na, narinig ko ang sigawan ng mga mamamayan sa labas ng library.

"BI-BE-BOY! BI-BE-BOY! BI-BE-BOY!" Bakit nila sinisigaw 'yung pangalan ng mahal ko? Nawala bigla ako sa focus at nawindang sa paglalaro. Nang humupa na ang sigawan, natapos na ang laro ko. Tambak ako ng 50 points. Buti nalang twice to beat ako kaya may second chance pa.

"Round 2, starts in 5, 4, 3, 2, 1." Nagsimula na kami. Sa kalagitnaan ng aking laro, biglang bumukas ang pintuan ng library at napatingin ako bigla dito. Si Bibeboy... At papunta siya sa direksyon ko. Umiwas ako ng tingin at bumalik sa paglalaro.

"Galingan mo," bulong niya mula sa aking likuran at hinawakan ako sa balikat. Nakakapaso 'yung hawak niya, para bagang ako'y natutunaw sa bawat segundong ako'y hawak niya. Para siyang isang kumukulong yelo. Alam niyo 'yun? Ang lamig ng kamay niya pero nalalapnos 'yung balat ko, kaya mas lalo akong na-tense sa laro ko.

"20 seconds," sabi nung watcher namin. Hala na, ano isasagot ko? Tinignan ko muli 'yung mga tiles ko at tumingin sa scrabble board. Bingo!

Nilapag ko ang mga tiles ko mula sa triple-word-score a top-left corner ng board at bumuo ng word na 'LUMINARY' out of all my tiles and 'yung iba ay mula sa mga words ng kalaban. Dalawang triple-word-score ang na-hit ko kaya nakakuha ako ng 54 points at plus 50 dahil nagamit ko lahat ng tiles ko. Instant 104 points!

"Go, Sharon!" Someone cheered beside me. Si Chrismark, nanunuod din pala siya. Napatingin din si Bibeboy kay Chrismark at biglang pumait ang kaniyang mukha. Hala na! Mukhang maglalaban din silang dalawa!

"Last 10 seconds," sabi nung watcher sa opponent ko. "Times up. Surrender ka na ba, or tuloy pa? Isang tiles nalang ang meron ka." Tanong nung watcher sa opponent ko. Naubos ko na kasi 'yung tiles ko.

ITLOG NA MAALATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon