Ika-sampung Maalat na Kabanata

126 4 0
                                    



Friday na naman. Hays, buhay. May Gen Form na naman kami sa C.A.T. After ng form namin, nakuha ko na 'yung card ko. Grabe tataas ng grade ko, line of 9 lahat. Puro kasi 69 e. Pinuri pa 'ko ng teacher ko, sabi sakin sobrang landi ko daw sa klase at napaka-bonak. Ghad, I luv mah teacher na hihihi. Pauwi na sana kami ni Maria and Lang, Lang Dede-isang Chinese mula sa China Town na aking friend-mula sa gen form nang bigla kaming harangin ni Rambo-Rambo Tan.

"Uy, sama ka'yo sa'kin! Isususrprise namin today si Tr1Xi3 4nN3 dahil it's her birthday pala. We need your help." Dahil ayaw pa naming umuwi, sumama naman kaming tatlo kay Rambo. Si Tr1Xi3 4nN3 ay bff ni Lotlot Bonggangvilla. Siya yung pinaka-magaling umarte sa school na'to. Kaya banned na siya sa clinic e. Hahaha. Dejk. Uminom muna kami ng kape na pampatae mula kay Ate Baby bago kami nagpunta sa I.T. department para dun isurprise si Tr1Xi3 4nN3. Nagtago kami sa likod ng mga computers at nag-abang sa pagpasok ni Tr1Xi3 4nN3. Pagbukas niya ng pinto, ni-greet namin siya ng isang maligayang bati sa kaniyang pagsilang at nagparty-party. Nang masurprise na namin si Tr1Xi3 4nN3-na naiyak pa dahil sa gulat sa picture na pang-burol ni Sir Kadkad-nagkantahan kami sa harap ng electric fan. At ang electric fan na ito ay nakapagpaalala sakin kay Sir Bibeboy.

"Ano kaya ang fav number ni Sir Justine sa electric fan?" Sabi ni Maria. Maria Nagpalad nga pala ang full name niya, by the way.

"Tanong kaya natin?" I suggested.

"Tawagin ko na ba?" Tanong ni Sir Jampork-Jampork Tocino.

"Sige, sige. Surprise din natin!" Sabi ko naman.

Maya-maya ay nagtago na kami sa likod ng mga desktop at nang pumasok si Sir, kumanta kami ng HBD English version (tagalog lang kasi yung kay Tr1Xi3 4nN3 , charot) kahit di naman niya birthday hahaha. Tsaka 'ko binigay sa kaniya yung cake ni Tr1Xi3 4nN3. Tinanggap niya ito at nagpasalamat pero binawi ko din. Apaka-feelingera talaga nito. Akala sa kaniya talaga.

"Gaga 'di iyo yan, sir." Walang galang kong sabi. Nangiti lamang siya.

"Sir-HEP!" Pina-tahimik ko muna ang audience. "May tanong po ako sa inyo."

"Ano 'yon?" Sagot niya.

"Aner poh favhourite niumber niyo she electhric fen?" Pabebe kong tanong na parang may braces ako.

Naghintay ako ng matagal na momento ngunit ang tanging nai-sagot niya lamang sa akin ay, "Bakit?" Tangna. Dahil naasar ako sa kaniya, tinulak ko na siya at pinalabas ng I.T. Department. Hihihi, ang lambot pala niya. Pagkasara ko ng pinto, nag-party ulit kami at sa kalagitnaan ng party, kinalabit ako ni Lang.

"Tig nan moh e to." Intsik niyang sabi sa'kin.

"A lin ba diyan." Pangga-gaya ko.

"Ni kiki lig si Sir, oh." Sabi niya at pinakita sa'kin yung video naming. Gosh. 'Di ko manlang napansin 'yon samantalang ako 'yung nakaharap sa kaniya. Nang gabing iyon, wala akong ibang naisip kundi ang video naming dalawa. Grabe, kinilig daw si Bibeboy. Gosh. Ba't ba pati ako kinikilig din? OMG, bakit kaya? Hays, hindi ko alam. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Nakatulog ako nang gabing iyon na siya lamang ang nasa isip.

Weekend. Wala na namang pasok. (Malamang, duh?) Nagising ako ng 7:05. Gosh, lagi nalang akong nagigising nang maaga tuwing weekend. Ano ba naman 'yan. Dahil hindi na 'ko inaantok, kinuha ko yung phone ko mula sa bedside table at nag-online sa Twitter. Pagkatapos 'kong mag-tweet ng good morning, biglang nag-pop up sa notification ko si Sir Justine. May chat siya sa'kin sa Messenger na nagsasabing, "Sharon yung resibo mo asakin ah."

Ay gosh, nakasama pala yung resibo ko sa mga papel na binigay ko sa kaniya kahapon. Pinagawa niya kasi kami ng reviewer e. Ta's pinapasa din naman. Like OMG, Darla, reviewer tapos ipapasa? Gosh. *swipe my eyebrow* Nag-reply naman ako agad, "ay okay po." Seen lang ang natanggap ko. Maya-maya ay nag-chat ulit siya habang nanunuod ako ng Barbie and the Diamond Castle.

"Kunin mo nlang bukas ako din nman bantay nio." Sabi niya. Ay jusko, siya pala ang bantay namin sa exam?! Gosh. Kahit na ang jejemon talaga mag-type ni Sir, nag-reply nalang ako ng "sige po," with a smiley face.

Nang kumakain ako ng lunch, biglang may nag-pop out sa aking notification.

"Messenger | Justine Bibeboy sent you a message." Ni-tap ko ito at binasa ang message niya. Binigyan niya 'kong pointers to review. Aba, ano 'to nananadya? Kahit 'di ako mag-review, nakakapasa ako, no!

"Magreview ka!" Aniya. Gosh. So savage naman nito.

"Sir, mayro'n na'ko niyan, ano ba. Hahaha. But still, thank you po." Magalang kong reply kahit na deep inside, gusto ko siyang hampasin sa balikat. Ang lambot niya kasi e. Hihi.

"Aha oo na Sharon! *angel emoji* naalala ko lang mga anak kong mababait nag pm pa ako skanila bka kc di magcreview." K. Tinatanong ko ba? Sakit mo sa eyebrow ah? Hihihi.

"Pa-guidance mo na sila lahat hahahaha" I replied sarcastically.

"Okay lang. sanay na ako skanila sharold *sad face emoji*" Gosh nag-drama pa walangya.

"I'll give you free virtual hugs nalang sir baka maiyak pa hahahaha." Sabi ko pero deep inside gusto ko talaga siyang yakapin. Gosh. Ano ba 'tong pumapasok sa isipan ko? Bakit ba gusto ko siyang yakapin?

"Ayoko na magalit Sharon. Sawa na ako magalit!? Wala naman din sila pake kahit na magalit ako ng magalit!? Atsaka Lab ko yung mga yun kahit ganon sila aha." Gosh, Sir, ano ko diary mo? Twitter, ganon? Kayo po ang may bird. Pugad lang po ang meron ako... hihihi. So naughty of me naman.

"Ay sige sir wag kana magalit, ngiti ka nalang palagi." Sabi ko at tsaka ko ito dinugtungan. "Kahit masakit..."

"Humuhugot ka nnaman!" Sabi niya. Pero dahil nagsawa na kong i-chat pa siya, ni-seen ko nalang siya. Nag-chat pa kami nang mas matagal hanggang sa maiba na ang topic. Nang matapos ang chat session namin (gosh, parang kakaibang session ang ginawa naming jusmio), kumain na ulit ako. Hays, buti naman. Ngunit sa kabila ng mga paglalandiang ito, lingid sa aking kaalaman na lumalalim na pala ang pagtingin ko sa kanya. Nang buong weekend na iyon, feeling ko napakatagal na naming hindi nagkikita. Namimiss ko sya, pero di ko alam kung bakit. Minsan di ko maiwasang maisip kung iniisip nya din ba ko or kung namimiss nya din ba ako. Hindi ko alam. Sana naman malaman ko.

ITLOG NA MAALATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon