Ika-22 na Maalat na Kabanata

26 1 0
                                    

Dumaan nang dumaan yung mga araw ng panliligaw niya. Actually months na talaga ang lumipas. Ngayong araw na ito, pinapunta niya ko sa condo unit niya (nuxx condo unit hahaha) at pinagdala ng foods. Gusto daw kasi niyang mag-binge watch ng Disney movies kasama ko e, hihihi. He fantasizes me talaga, gosh!

"Uy, nandiyan ka na pala! Pasok ka!" Sabi niya pagbukas ko nung pintuan niya. Hala papasukin niya daw ako, apaka-mapusok naman ni Bibeboy ko! Nagluluto siya ng popcorn sa microwave oven at gumagawa ng house blend na iced tea sa counter top habang naka-upo sa bar stool.

"Halika, upo ka dito." Sabi niya at umupo ako sa katabing bar stool. Nilapag ko 'yung ice cream na dala ko at naki-usi sa ginagawa niya.

"Hala ano 'yang ginagawa mo? Parang tubig ilog." Panlalait ko.

"Anong tubig ilog? Huy, gawa 'yan sa pagmamahal ko, iced tea 'yan!" Sabi niya na tumatawa. Kilig na kilig naman to sarap itulak sa upuan. Hmmp! Hampasin kitang TV diyan e! Hihihihi <3

"Mukhang tubig ilog colour brown kasi, hahaha! Wala ba 'kong matutulong sa'yo?" Tanong ko.

"Paligayahin mo nalang ako."

"Bugok!" Sabi ko sabay tulak sa kaniya sa upuan kaya nag-bounce siya sa lapag. Tawa naman ako ng tawa kaya hinila niya ako sa paa dahilan para malaglag din ako at makapiling siya sa carpeted floor ng condo niya hihihi <3 Nagtawanan nalang kami hanggang sa lamay naming dalawa.

Nang maihanda na naming 'yung entertainment room, tinodo niya 'yung aircon, pinatay ang ilaw at pumwesto na kami under the blanket.

"Ano unang movie?" Tanong niya.

"LITTLE MERMAID!" Sigaw ko.

"Sira! Wala ako nun!" Sabi niya at hinampas ako ng remote sa ulo ng medyo slight lang.

"Tangled nalang," sabi ko at nag-pout. "Please?" :----(((

"Sige, meron ako n'un!" Sabi niya at sinalang ang Tangled sa DVD player.

"You okay?" Tanong ni Eugene kay Rapunzel nung makita niya itong malungkot habang sila ay nasa bangka.

"I'm terrified." Sagot ni Rapunzel.

"Why?"

"I've looking out the window for eighteen years—dreaming about what it might feel like when those lights were right in the skies. What if it's not everything that I dreamt it would be?

"It will be."

"And what if it is? What do i do then?"

"Well that's the good part, I guess? You get to go find a new dream."

Nagulat ako nang bigla magtama ang kamay namin ni Bibeboy n'ung kukuha kami pareho ng popcorn. Nagkatingin kami at nangiti sa isa't-isa. Kiligerz naman hihihi.

"Rapunzel, I can't let you do this," Sabi ni Eugene nung malapit nang matapos 'yung movie.

"But I can't let you die." Rapunzel replied.

"But if you do this, then you will die." Sabi ni Eugene.

"Hey," hinawakan niya ang mukha ni Eugene, "It's gonna be alright..."

"Rapunzel, wait," sabi ni Eugene at tsaka niya pinutol ang buhok nito. Umiyak si Rapunzel dahil alam niyang hindi na niya magagamot pa si Eugene kasi wala na 'yung magical hair niya.

"Rapunzel," Eugene whispered.

"What?" She replied between her breaths.

"You are my new dream." He said as his last dying breath left him. Kaya naiyak ako kasi ang tragic nung love story nilang dalawa.

"Huy, ba't naiyak ka?" Siniko ako ni Bibeboy sa tagiliran tsaka ako hinila papalapit sa kaniya. Ihh, enebe! Hinawakan niya 'yung mukha ko at tsaka pinunasan 'yung luha ko.

"You are my new dream." He dramatically said at tsaka nagpatay-patayan.

"Gago, corny mo!" Sabi ko tsaka siya sinampal. Tumawa lang siya at tsaka ako hinagisan ng isang AlDub na tigp-pisong junk food.

"Hala, ano 'to?" Tanong ko.

"Buksan mo." Sabi niya kaya binuksan ko.

"Oh, tapos?"

"Kainin mo," he sarcastically said. Shutanginerns. Nilantakan ko nalang 'yung AlDub na junk food nang papatapos na ang movie. Maya-maya ay may nakapa akong matigas sa kaibuturan nung plastic. Hala ano 'to? Dinukot ko ito at nakakita ng singsing na plastic.

"Will you be my girlfriend?" He suddenly asked me.

His girlfriend...

Would I want to be his girlfriend?

Would I take all the risk of being his girlfriend?

"Yes." I sweetly replied habang sinisimot 'yung cheese powder sa singsing. I will take the risk. I will forver be taking it. Then sinuot niya sa daliri ko 'yung plastic ring na hawak ko. Grabe yung singsing naming worth one peso akalain mo 'yun!? Hahaha. Pero okay lang. For me, it's still worth a thousand gems and a crown.

uC0uI

ITLOG NA MAALATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon