Heto na!!
******
Chapter 36 (Part II)
Tyrone's POV
"I know that you have a relationship with a gay, Tyrone." palabas na ako ng pinto ng kwarto kung nasan kami nang sabihin niya yan. Nilingon ko siya at muling nakita ang mapaglarong ngising iyon. Nakabihis na rin siya at ngayo'y nakaupong padekwatro na lamang sa gilid ng kama habang nakahalukipkip ang mga braso.
"Eh ano ngayon?" lamang na lamang ang pagkainis ko sa kanya. She took advantage of my drunkenness to do whatever she wanted with me. She took something I have been saving for someone I love.
"I know who he slash she slash 'it' is." sobra kong nainis hindi lang dahil sa maarte niyang boses kundi pati na rin sa ginawa niyang pagtawag sa taong mahal ko. May dinial siya sa phone niya pagkatapos ay niloudspeaker ito.
"Hello, maam?" umalingawngaw ang boses ng isang lalaki mula sa kabilang linya.
"Report." maotoridad na sagot ni Georgina. Nagtataka ako sa ginagawa niya. Kanina'y gustung gusto ko nang umalis sa kwartong iyon ngunit ngayo'y parang may biglang pumipigil sakin. Nararamdaman kong may kinalaman kay Mico tong ginagawa niya.
"Naglalakad na po siya papunta sa sakayan ng jeep, ma'am. May ipaguutos po ba kayo? O gagawin ko na yung plano?" Sinong tinutukoy nung lalaki? At tsaka anong plano? Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko.
"I want to hear his voice first. Gumawa ka ng paraan para kausapin ka niya."
"Masusunod maam." natahimik saglit yung kabilang linya hanggang sa parang may tinawag ito. "Toto! Pwede bang magtanong?"
"P-Po? Sige po. Ano po ba yun?" parang binuhusan ako nang malamig na tubig ng marinig ang boses ni Mico mula sa kabilang linya.
"That's it. Wag mo munang gawin yung plano. I'll call you again." ani Georgina sabay pinutol yung tawag. Nanatili siyang nakikipagtitigan sakin. "Your boyfriend's mabait talaga, huh. In all fairness talaga kay 'be'." sarkastiko nitong turan.
"A-Anong pinaplano mo? Bakit mo siya pinapasundan?!" kunot-noo kong tanong.
"Haha. You really look hot when you're showing that expression. I'm really turned on right now."
"Sagutin mo yung tanong ko! Anong pinaplano mo kay Mico?!!" medyo tumaas ang boses ko.
"Well...." tumayo siya at dahan-dahan ang naging hakbang palapit sa kinatatayuan ko habang ipinagpapatuloy ang sinasabi niya, "I bet you know the process of elimination in mathematics. You get rid all of those that make the equation complicated. You make the equation correct by eliminating what's not needed. That's my plan." makabuluhan nitong tugon na sinamahan pa ng ngisi sa kanyang mga labi.
I clenched my fists as I gritted my teeth.
"Don't you ever dare touch him."
"Well......madali naman akong kausap. I won't expose you both and your immorality to your parents nor hurt that Mico, kung susundin mo lahat ng gusto ko."
"Asa ka." aniko sabay talikod at bubuksan na sana muli yung pinto nang marinig ang pagring ng phone niya at ilang saglit lang ay muling umalingawngaw ang boses ng parehong lalaki kanina.
"Hello, mam?"
"Do it now." seryosong pagkausap dito ni Georgina.
"Ngayon na po?"
"Bingi ka ba? Need I translate it? Oo, ngayon na!! Let's start eliminating some.....fags." muli akong napatingin sa kanya.
"Masusunod po."
BINABASA MO ANG
Locker 246
UmorismoMico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from the same High School and University he is attending, for a very long time. The thing is, everybody knows Mico is gay and Tyrone's deeply i...