Prologue

2.6K 47 12
                                    

Ako nga pala si Wilson, isa akong psychologist na kasalukuyang nagtratrabaho, bilang isang intelligence agent sa isang sikretong organisasyon, na pinapalakad ng one world government. Ang one world government ay hawak ng pinakamakakapangyarihan at pinakamayayamang bansa sa buong mundo. Minsan nga, tinatanong ko ang aking sarili, bakit ba ako napasama sa ganitong klase ng trabaho. Bakit ba ako sumali, at bakit nila ako pinili. Siguro nga tama ang ibang tao sa mga kasabihan na hindi natin kilala kung sino ba talaga tayo, at kung ano ba talaga ang tunay nating kakayahan. Pero sila, nakita nila yon, at ngayon kasa-kasama ko na sila.

Isang malakas na tunog ng telepono ang gumulat sa akin at naging dahilan ng aking pagkagising mula sa masarap at mahimbing na pagtulog. Inis na inis ako sa sunod-sunod na ring ng telepono na ito, "Andiyan na!" Sabi ko na may galit na tono ng boses, habang nagmamadaling naglalakad patungo sa kinalalagyan ng telepono. Nang ako ay makalapit, inangat ko ang aparato at idinikit ko ito sa aking kaliwang tenga.

"Hello?" Sabi ng boses sa kabilang linya. Hindi muna ako sumagot at binosesan ko munang mabuti kung sino ba ang taong nagsasalita sa kabila ng linya. Turo kasi ito sa aming training sa special forces. Ayon sa training, "hindi mo alam kung sino ba talaga ang tumatawag, maaaring ang kausap mo na sa kabilang linya ay ang taong papatay sayo o ang mga kalaban".

Nang aking mabosesan kung sino ba talaga ang nasa kabila ay sumagot na ako sa kaniya. "Sir!" Sabi ko ng may pagrespeto at malinaw na pananalita. Chief ko yung nagsasalita sa kabilang linya. Siya ang nangangasiwa sa pagpapakalat samin sa iba't ibang parte ng mundo, kapag kami ay kailangan. "Pumunta ka sa safe house natin ngayon na" wika niya.

"Sir?" Sabi ko na may pagtataka at nanlalaking mga mata. Hindi kasi normal na tawagan kami ng alanganing oras sa gabi lalo na't kakatapos lang namin sa isa pa naming operasyon.

"Bilisan mo na! That's an order!" Sabi ng aking boss na may pagmamadali sa tono ng kaniyang pananalita.

"Yes sir!" Sagot ko naman na walang pag-aatubili!.

Hindi nako naligo o nagsipilyo man lang, dahil kapag ako ay nahuli sa oras, siguradong mananagot ako at mapaparusahan.

Dali-dali akong bumaba sa kwarto at pinindot ko ang remote control ng gate ng aking garahe upang ito ay bumukas na. Kinuha ko ang susi ng aking kotse na nakasabit sa likod ng pintuan at mabilis akong nagtungo sa aking sasakyan. Bumukas na ang makina at tinapakan ko ang silinyador na tila ako ay sasali sa isang karera. Rinig na rinig ito ng mga kapit bahay, nahihiya man ako sa ingay na aking ginawa ay nagpatuloy na lang ako dahil bawat oras na lumilipas ay mahalaga.

Sa paglabas ng aking sasakyan sa garahe ay napatalon pa ito sa sobrang tulin, at habang papaalis sa lugar ay nakita kong nagbubukasan ang ilaw ng bawat bahay na aking madaanan. Talagang nakakahiya, at nakakainis, dahil kahit ako, ayaw kong naiistorbo ang aking tulog lalo na't dis oras na ng gabi. Pero wala na akong magagawa, this is a call of duty. Maiintindihan naman nila yan, dahil sa kabila ng masarap nilang tulog ay kaming mga tao na nagpapakamatay sa trabaho para sa kapayapaan. "Sorry po talaga" Sigaw ko mula sa aking sasakyan, at pinapanalangin na sana ay marinig ng mga tao, para malaman man lang nila na hindi ko sinasadya ang mga pangyayari.

Nakarating nako sa entrada ng freeway at doon ay tinapakan ko pang muli ng mas madiin ang silinyador para humataw na ang sasakyan. Sa totoo lang, hindi ako natutuwang gawin ito, dahil bukod sa delikado para sa aking sarili, ay maari din akong makadisgrasya ng ibang nagmamaneho sa daan.

Tumingin ako sa dash board, at nakita ko na 7,000 rpm na ang tapak ko sa silinyador at 300kph na ang takbo ng aking sasakyan ayon sa speedometer nito.

Habang umaandar ng sobrang tulin. May pula at asul na ilaw akong nakita sa aking rear mirror na tila sumusunod sa akin. Maya-maya pa ay napantayan na nito ang bilis ng aking takbo. Sa aking pagtingin sa kaliwa ay nakita kong mga alagad ito ng batas na nais akong pahintuin. Kaya ko man silang iwanan na parang naglaho na bula sa kawalan, ay tumabi pa din ako sa gilid, at sumunod sa mga taong nagpapatupad ng batas.

Sa aking paghinto ay huminto din sila sa likod ng akin sasakyan at sinabihan ako ng bumaba at itaas ang aking mga kamay. Hindi ako kriminal, pero sa totoo lang, ang takbo ng aking sasakyan ay parang maneho ng isang bank robber na hinahabol ng isang batalyong pulis.

Bumaba ako at itinaas ang aking kamay, tulad ng kanilang request. Lumapit ang dalawang pulis sa akin, idinik-dik ako sa aking sasakyan at tsaka kinapkapan.

"Alam mo bang sobrang tulin na ng takbo mo?" Tanong ng isang pulis sakin.

"Opo!" Sagot ko sa pulis ng walang pag-aalinlangan.

"Alam mo bang bawal ang tumakbo ng mabilis?" Tanong muli niya, habang ako ay kinakapkapan.

"Opo."

Nagtinginan ang dalawa at tila ba nagsenyasan sila. Idinapa ako ng isa pang pulis at ako ay pinosasan. "Bakit may baril ka sa sasakyan?!" Tanong sakin ng isang pulis habang nakapatong ang kaniyang mga tuhod sa aking likuran. "Magsalita ka!"

"Ako po ay isang kawani ng ating gobyerno." Sagot ko sa kanila, habang medyo nahihirapang huminga sa bigat ng pagkakadagan. "Tingnan niyo po sa dashboard ng aking sasakyan ang aking ID at pakitawagan na lamang po ang numero na nakalagay diyan.

Pumasok ang isang pulis sa loob at kinuha ang ID na aking sinasabi. Pagkatapos ay lumapit siya sa pulis na nakagadan sa akin at binulungan niya ito. "Sir, pasensya na po." Sabi sakin ng nakadagan. Tinulungan niya akong tumayo at tinanggal ang pagkakaposas, ng hindi na tinawagan pa ang mga numero na nakasaad sa aking ID. "ginagawa lang namin trabaho namin sir."

"Ayos lang, naiintindihan ko kayo."

"Pero sir, bakit po ang tulin ng andar ninyo?"

"Nakatanggap kasi ako ng tawag sa HQ, kaya ako ay nagmamadali."

"Ganon po ba sir?" Tanong ng pulis na nagdikdik sakin sa lapag habang pinapalis ang dumi ng lupa na kumapit sa aking damit. "Sir, escortan na po namin kayo?." Tanong muli niya na may sinseridad at magandang hangarin ng pagtulong.

"Pasensya na, pero hindi pwede," Sabi ko naman ng buong katapatan. "Hindi pwedeng malaman ang HQ namin." Sinabi ko na lang na HQ, pero sa totoo lang, sa safehouse ang aking punta. Isa pa, ito ay maselan na impormasyon na hindi dapat malaman ng sino man.

Tumango ang dalawa at sumaludo pa sa akin, sinaluduhan ko naman sila pabalik, bilang pagrespeto sa dalawang alagad ng batas na ginagawa ng maayos ang kanilang tungkulin.

Binigay na nila sakin ang mga gamit na kinuha sa loob ng sasakyan, pati na din ang aking baril. "Salamat" Sabi ko sa kanila habang pinapasok ko ang aking mga gamit sa loob. "Mauuna nako, at malaki na ang oras na naubos sakin."

"pasensya na po talaga sir, mag-iingat po kayo." Sabi ng pulis. Tinapik ko siya sa balikat ng paulit-ulit na nagpapahiwatig na ayos lang, at ako ay bumalik na sa loob ng sasakyan.

Sa aking pagsakay ay inistart ko na ulit ang makina at pinatakbo na ito ng sobrang tulin na mas matulin pa sa takbo kanina bago pa ako pahintuin ng mga pulis. Pumalo na sa 360kph ang takbo ng aking sasakyan, pinakasagad na numero na makikita sa speedometer na nakalagay sa dashboard.

Ilang sandali pa ay nakarating naman ako ng maayos sa safehouse. Pinatay ko ang ilaw ngunit bukas pa din ang makina at dahan dahan ko itong ipinark sa gilid sa tabi ng puno na malapit sa pinto ng safehouse. Nilagay ko ang sasakyan sa lugar kung saan madali ko itong mapapaandar at maiaalis kung sakaling may hindi magandang bagay na mangyari.

Bumaba na ako sa sasakyan at dahan dahan akong naglakad patungo sa safehouse. Binunot ko ang aking baril at tahimik akong umikot sa likuran ng nasabing gusali. "May kakaiba dito?" Sabi ko sa aking sarili, na may malaking pagtataka.

Maya-maya pa ay nakita ko ang aking chief na nakatayo sa may pinto sa likod, habang siya ay naninigarilyo at parang bang balisang-balisa siya.

Hindi pa man din ako nakakalapit ay biglang may malakas na tunog ang bumasag sa katahimikan ng lugar. Tunog na galing sa isang malakas na pagsabog. Lumiwanag ng husto ang kapaligiran at kitang-kita kong nagliliparan ang mga gamit at parte ng safehouse sa ere. Ako ay tumalsik sa isang damuhan at biglang nawalan ng malay.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon