Chapter 34

534 14 3
                                    

Nakatayo ako sa harap ng isang coffee shop sa Washington. Sa tawid nito ay ang pinaka secure na compound sa buong mundo, ang CIA main head quarters. Limaang daang metro mula sa aking kinatatayuan, ay si Zero na nasa loob ng isang itim na van upang magsilbing controller. Dalawang block mula dito ay ang mga sniper namin, nasa roofdeck sila ng isang hotel na nakaharap sa CIA compound. Sa loob ng coffee shop, ay ang aking backup, kung sakaling magkaron ng barilan. Si Ilsa naman ay nasa loob na ng compound, dahil kailangan niyang magpakita kay Chenkov para hindi mahalata ang aming kilos.

Tumingin ako sa aking orasan "Oras na!" Sabi ko sa aking sarili, at pagkatapos ay naglakad ako papunta sa van kung saan nakasakay si Zero. Kinatok ko ito ng tatlong beses upang bigyan siya ng sensyales na ako ay masisimula ng kumilos.

Lumakad ako patungo sa main gate ng CIA at ipinakita ko ang aking ID. Agad naman nila akong pinapasok dahil ang ID na aking ipinakita ay multi-level high rank spy. Ito yung totoo kong ID ng CIA. Ginagamit ko ito para makapasok ako sa kahit saang establishimento ng one world government sa kahit saang panig ng mundo. Isa pa, wala naman silang idea na may gagawin akong hindi maganda.

Huminto ako panandali at inilagay ko ang kanang kamay ko sa aking kanang bulsa. Humarap sakin ang isa sa mga security ng main entrance at lumapit siya sa akin. "Sir, may problema po ba?" Tanong niya sa akin, na parang medyo naghihinala.

"Wala naman, parang medyo nahilo lang ako." Sagot ko sa kaniya.

"Gusto po ba ninyong alalayan namin kayo?" Tanong muli sa akin ng secuirty.

"Hindi, ok lang ako." Sagot kong muli sa kaniya.

Mula sa main gate, lumakad ako patungo sa loob ng building. Nang ako ay nasa lobby na, umupo ako sa isang couch at inilagay ko ang aking kanan na kamay sa bulsa. Kinuha ko ang ibinigay sakin na gadget ni Zero, pinindot ko ang maliit na button nito at inilagay ko ito sa isang paso ng halaman na malapit sa couch.

Ang gadget na ito ay may kakayahang kontrolin lahat ng security camera sa nasasakupan nitong range na 5 kilometers radius. Bago niya itong diskubre, kaya hindi ako sigurado kung ito ba ay gagana ng 100%. Sugal ito, pero syempre, mabuti na ding subukan at may magamit kami kesa sa wala.

"Zero? Gumagana ba?" Tanong ko kay Zero mula sa transmitter na nakakabit sa akin.

"Oo, successful! Wooo! Isa talaga akong henyo" Sagot nila sa akin mula sa kabilang linya.

"Copy!" Sabi ko sa kaniya.

Tumayo ako at dumiretso sa elevator ng nasabing gusali. Bago ako pumasok, mayroon ulit akong inactivate na wireless na gadget. Isa itong nano-tech controller kung saan kapag idinikit ko ito sa panel ng isang elevator, ay magkakaron ng control si Zero sa lahat ng elevator ng building. High-tech diba? Ganyan kalupit si Zero pagdating sa technology.

Pumasok ako sa elevator at isinara ito. "Zero nasa loob nako..." Sabi ko sa kaniya sa transmitter.

"Ok, sige ako na ang bahala sayo..." Sagot niya sa akin.

Umandar ang elevator at huminto ito sa 23rd floor ng building. Pagbukas ng pinto, lumakad ako sa hallway at tumungo ako sa nag-iisang bantay ng floor. "Hi!" Sabi ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin. Tumayo siya at kinilala akong mabuti. "Hindi ka authorized dito! Mabuti pa umalis ka na bago pako tumawag ng secuirty!" Pagbabanta niya.

"Ok, sige aalis nako..." Sabi ko sa kaniya, habang ang aking kaliwang kamay ay dahan-dahan na kinukuha ang traquilzer gun na nakatago sa aking liguran.

Isang malaking pagkakamali ang kaniyang ginawang pagtalikod sa akin, pabalik sa kaniyang upuan. Agad kong hinugot ang traquilizer gun at binaril ko siya sa batok. "5,4,3,2,1..." Bumilang ako ng limang segundo, at pagkatapos ay bumagsak na siya. Tatlong oras ang itatagal ng pangpatulog na ito kaya naman hindi ako dapat mag-alala masyado sa oras.

Tumungo ako sa pinto na nasa likuran ng front desk security at binuksan ko ito. Bumungad sa akin ang isa pang maliit na kwarto na kasing laki lamang ng elevator. Pumasok ako at lumapit sa isa pang pinto na nasa loob. May digital panel ang pintong ito, at may nakalagay na please enter access codes.

Kinuha ko ang papel na binigay sakin ni Zero kung saan nakasulat ang access codes ng tatlong direktor. Isa-isa kong ininput ang mga at bumukas na ang pinto na nasa aking harapan.

Bumungad sa akin isang katerbang naglalakihang computer server, "Zero, alin dito ang kailangan kong salpakan ng USB?" Tanong ko sa kaniya mula sa transmitter.

"Pumunta ka sa gitnang parte ng kwarto at hanapin mo yung nag-iisang computer server na kulay puti. Yung pinakaluma. Andiyan ang network access sa lahat ng database ng CIA, NSA, at iba pang ahensya. Andiyan lahat ng files na ninakaw ng CIA sa ibang bansa. Mga highly classified files." Sagot ni Zero sa akin.

Inikot ko ang buong kwarto at nang makita ko ang puting server na sinasabi ni Zero, lumapit ako agad dito at hinanap ko ang saksakan ng USB. Inusisa kong mabuti ang server at kinapa ko ang bawat gilid nito na may access slots. Napakadami, pero syempre, isa lang naman ang sukat ng mga USB. "Sa wakas nakita ko na!" Sabi ko kay Zero, habang isinasalpak ko ang USB.

"Good! May access nako, maghintay ka lang ng ilang segundo at makukuha ko lahat ng kailangan natin."

"Ok sige!"

Habang naghihintay, tiningnan ko ang palibot ng buong kwarto. Napakalaki nito at ang daming servers na sa tingin ko ay nasa billion terabytes ang kabuuang capacity ng mga ito. Napakadami, at may kakayahang nga talagang magtago ng napakaraming classified documents at software.

Matapos ang ilang minuto...

"Wilson ok na! Umalis ka na diyan..." Sabi ni Zero.

Hinugot ko ang USB at pagkatapos ay tumungo na ako sa elevator. Bumaba mag-isa ang elevator at dali-dali akong lumabas sa building.

Pero bago pa man din ako makalabas ng tuluyan, nakita ko si Ilsa, Chenkov at napakaraming agent na humahabol sa akin.

Tumakbo ako ng sobrang tulin na para bang ako ay kasali sa isang marathon. Patuloy ang mga agent sa paghabol sa akin, ngunit hindi naman nila ako pinapaputukan kaya naman agad akong nakarating sa van kung nasaan si zero.

Kinatok ko si Zero ng pagkalakas-lakas "Zero bilisan mo buksan mo yung pinto!!!" Sigaw ko kay Zero na may pagmamadali.

Pagbukas ng pinto ay iniabot ko agad ang USB kay Zero.

"kaibigan, salamat!" Sabi ni Zero sa akin.

Isang putok ng baril ang umalingawngaw galing sa kawalan. Ako ay napaluhod at pagkatapos ay tinadyakan ako ni Zero. Napakasakit at napakainit ng nararamdaman ko sa aking likuran. Halos mawalan ako ng malay.

Kumaripas ng andar ang van kung saan nakasakay si Zero at hindi na nahabol pa ng ibang agent.

Nakita ko si Ilsa na papatakbo sa aking direksyon at inangat ko ang aking kamay na nagpapahiwatig na ako ay kaniyang tulungan.

Lumapit din si Chenkov sa akin na madaling madali. "Oh My God!" Sabi ni Chenkov. Nanlalaki ang kaniyang mga mata, at kitang kita ko ang pag-aalala sa akin. "Secure the perimeter!" Pag-uutos niya.

Itinuro ko ang aking kamay sa direksyon kung saan nakapwesto ang dalawang sniper ni Zero. Isa sa kanila ang bumaril sa akin.

Binuksan ni Ilsa ang aking Polo at tinanggal ang bullet proof vest na nakasuot sa akin, at tiningnan niya ang damage sa aking likuran.

"Kamusta ang tama ko?" Tanong ko kay Ilsa.

"Hindi ka inabot ng bala, nakayanan naman ng vest na saluhin yung bala, pero ang laki ng pasa sa likuran mo. Kung wala kang vest, sigurado ako patay ka... Puso ang target ng mga sniper." Sabi ni Ilsa.

Nangingilid ang luha ni Ilsa, pero agad ko itong pinunasan. Pinilit kong tumayo at kinausap ko agad si Chenkov.

"Director, may tracker sa USB" Sabi ko kay Chenkov, habang hirap na hirap pang lumakad patungo sa kaniyang kinatatayuan.

Nilagyan ko ng tracker ang USB para madali namin siya mahabol.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon