Chapter 35

475 13 1
                                    

Sa mundo ng mga SPY, hindi ka dapat magtiwala sa kahit na sinong tao. Isa yan sa mga bagay na aking natutunan nung nagtretraining pa ako. Yung rule na yan, sinuway ko lang naman para kay Ilsa, pero hindi kay Zero.

Kinutuban ako na may hindi magandang balak si Zero, kaya naman nilagyan ko ng tracker ang USB.

"Patawarin moko Wilson, hindi kita naabisuhan." Sabi ni Ilsa, habang binibigyan niyang lunas ang aking pasa sa likod sa pamamagitan ng pagdikit ng ice bag. "Kung nasabihan lang kita agad, hindi sana namatay si Jones... At hindi na sana umabot pa sa ganito."

"Wag kang mag-alala, alam ko naman na ang loyalty mo ay nasa CIA. Tandaan mo psychologist ako. Kaya nga natuwa ako dahil, walang dahilan para patayin kita. Alam ko din na kailangan mo kaming papaniwalain para hindi ma blow ang cover mo. Sa totoo lang, napaglanuhan ko na kung sakali man na tama si Zero at natapos ang mission, ilalayo na kita. Dahil alam ko, kapag nagfail ang mission na ito. Ipapapatay ka ng CIA" Sabi ko kay Ilsa habang bahagyang nagpapahinga. "Hindi lang ako makapaniwala na tama ang kutob ko kay Zero. Pinilit kong papaniwalain ang sarili ko na may pinaglalaban talaga siya, ngunit nung napag-isipan ko na bakit kailangan niya pa idownload ang software at hindi na lang burahin, nagtaka na ako sa kaniya.Buti na lang, hindi ako lubos na nagtiwala."

"Ano na ang plano mo ngayon? Alam mo ba na ang software na kaniyang nakuha ay napakadelikado?" Tanong ni Chenkov.

"Oo alam kong delikado, ipagpatawad ninyo ang aking pagfail sa mission. Hindi ko na alam ang susunod pang plano, basta nilagyan ko siya ng tracker." Sagot ko naman.

"Magpahinga ka muna, at pagnakarecover ka na ng maayos, pagplanuhan natin kung paano siya huhulihin agad. Paaminin natin yung isang sniper na nahuli kung saan nila dadalhin ang software." Sabi ni Chenkov.

"Nahuli na? Pano yung bumaril sakin?" Tanong ko kay Chenkov.

"Patay na yung isa, yung mismong nakabaril sayo, nanlaban daw kasi." Sagot ni Chenkov.

Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano dahil napatay nila ang sniper na bumaril sa akin, pero sobrang inis at galit ang aking nararamdaman, sa ginawa ni Zero. Namatayan ako ng kaibigan dahil sa kaniya.

"Kokontakin ko ang mga anonymous at sasabihin ko sa kanila ang ginawa ni Zero, baka sakaling matulungan nila tayo." Sabi ko kay Chenkov.

"Sige, bahala ka, pero magpahinga ka muna! Bibigyan kita ng dalawang oras magpahinga.. Tutal naman, hindi makakalayo si Zero, dahil may tracker siya, tulad nga ng sabi mo." Sabi ni Chenkov sa akin.

Buti na lang, hindi nawala ang tiwala ni Chenkov sa amin, dahil kung hindi, mas lalong magkakaron ng problema. Sana, si Chenkov na din ang magpaliwanag sa ibang direktor tungkol sa mga nangyayari ito. Napakadami na din kasing buhay ng agent ang nasayang sa kagukuhang ito, at iyon ay dahil lamang sa plano ng isang tusong tao.

Pumasok kaming lahat sa loob ng CIA compound. Nakita ko ang isa sa sniper na hawak na ng mga agent. Pero hindi ko na muna siya pinansin dahil kailangan ko din magpahinga, medyo nabugbog ang katawan ko sa tumamang bala sa vest.

Nang kami ay nasa lobby na, tumungo ako sa infirmary. Sinamahan ako ni Ilsa, para doon ay tuluyan akong makarecover.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at inopen ko ang tracking application. Nakita ko na buhay pa ang tracker at umuusad ito papunta sa isang lugar kung saan maraming adik, drug lords at gangster.

Pagkatapos ay nag-email ako sa mga myembro ng anonymous at inilahad ko sa kanila ang tunay na mga pangyayari. Hiningi ko ang kanilang tulong at sa kabutihang palad ay pumayag naman silang tulungan ako.





I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon