Chapter 14

759 22 0
                                    

Manila, 1:00 pm, mataas masyado ang tirik ng araw, mataas ang humidity at napakatraffic. "Ang init naman dito..." Sabi ko habang nakasakay kami sa isang lumang taxi na hindi pa ata umaandar ang aircon. Pawis na pawis ako at maya't-maya ang punas ko ng aking pawis. "Manong driver, wala na bang ilalakas pa ang aircon niyo?"

"Sir, wala na po eh, Mainit lang po kasi talaga, tsaka sobrang traffic." Sagot ng driver sa akin, habang nagpupunas din siya ng pawis.

Kibit balikat na lamang ako, dahil alam ko, nagdadahilan lang siya, halatang-halata naman na sira ang kaniyang aircon. Normal sa Manila ang ganitong klase ng scenario, tropical country kasi ito. Isa pa, masyadong crowded din dito sa Manila dahil, karamihan ng mga taga probinsya nagsisik-sikan sa lugar na ito. Andito daw kasi ang trabaho. Ligal o iligal na trabaho, meron dito, kaya naman ideal din ang lugar na ito na pagtaguan ng mga hacker. Isa pa, maluwag ang batas nila sa cyber crimes kaya naman karamihan ng international hacker dito naglalagi.

Ito rin ang lugar kung saan pinanganak si zero, ang nag-iisang hacker na nakapaghack sa pentagon, na naging empleyado ng gobyerno ng America at naging kaibigan ko din. Sa kasamaang palad nga lang, wala na siya.

Bumaba kaming tatlo sa harap ng isang bagong condominium kung saan kami maninirahan habang hinahanap si macubex. 

"Guys, alam niyo ba kung sang room tayo?" Tanong ni Jones habang binubuhat isa-isa ang mga dala naming gamit. "Ang tataas ng building at napakalawak ng lugar, baka maligaw tayo."

"Diba si Ilsa ang kumausap sa landlord?" Sabi ko naman kay Jones.

"Room 1204 tayo guys" Sabi naman ni Ilsa.

"Tara, dalian natin ang init eh, tsaka pinadala niyo sakin lahat ng gamit niyo eh." Sabi ni Jones, sa hirap na hirap na tono ng pananalita habang bitbit niya ang bag ni Ilsa at ang aming bagahe na puno ng armas.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa loob ng condomium. Pagpasok sa lobby ay agad kaming lumakad tungo sa elevator dahil awang-awa nadin ako sa kaibigan ko, kahit ba napakalaki ng kaniyang katawan, mabigat pa din ang bagahe na kaniyang daladala. Isa pa, napakainit, mabilis talagang makaubos ng lakas ang mga ganitong pagkakataon.

Habang naglalakad, napansin kong may sumusunod sa amin, huminto ako panandali at tinitigan ko siya dahil baka mamaya, may gawin siyang hindi maganda. Maya-maya pa, umalis na din agad yung lalake. Hindi maganda ito, dahil ibig sabihin nito, kilala na din kami ng mga hinahabol naming tao. Mukang matinik si macubex at hindi namin siya dapat maliitin.

Nagpatuloy ako nang paglalakad ko nung tuluyan nang umalis yung lalake, ginawa ko ito para hindi siya sumunod ng tuluyan. Dahil kapag nalaman niya ang eksaktong kwarto kung saan kami maninirahan, malalagay kami sa malaking panganib.

Pagdating sa elevator, tsaka na lamang ako nagsabi sa aking mga kasama na may sumusunod sa amin. "Guys, may sumusunod satin kanina." Habang pinipindot ko ang panel ng elevator at sineset ito na huminto sa 12th floor. "Pero, nung tinitigan ko siya, agad naman siyang umalis."

"Nako! Delikado yan..." Sabi ni Ilsa. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim.

"Kaya nga dapat, ikaw na muna ang operator, at kaming dalawa na lang ni Wilson sa field. Hindi ka sanay sa lugar na ito." Sabi ni Jones, na may pangamba sa kaligtasan ng lahat. Huminto siyang panandali at sinabing "Kami, matagal na kami ni Wilson pabalik-balik dito. Kaya wala kami magiging progblema."

Inayunan ko naman ito agad, dahil nag-aalala din ako para sa kaligtasan ni Ilsa, dahil kahit gaano siya kagaling, sadyang matitinik ang mga taong naninirahan sa lugar na ito. Kulang pa din ang kaniyang karanasan kumpara sa amin ni Jones. "Tama si Jones. Mabuti pa nga, mag-operator ka muna."

"Ok, sige..." Sabi niya, na parang frustrated ng kaunti dahil sanay din siya sa field work. "Basta mag-iingat din kayong dalawa."

Ding! Tunog ng elevator at huminto na ito sa 12th floor. Pagbukas ng pinto ng elevator, agad kaming lumabas upang tumungo sa 1204 para makipagkita sa landlord ng condominium. Pero bago pa sumara ang pinto ng nasabing elevator, sinet ko ito sa hold, upang wala ng iba pang makasunod muna sa samin. "Hinold ko muna, naninigurado lang ako..."

Pagdating namin sa 1204, nakita namin ang isang lalake na nag-iinstall ng CCTV sa itaas ng pinto ng condo. "Wow! Ayos yan! May naglalagay na ng CCTV para satin." Sabi ni Jones sa masayang tono ng pananalita. Hindi na kasi siya mahihirapan mag-install pa.

Nilapitan ni Ilsa ang lalaking nagkakabit ng CCTV, "Sir, excuse me po... Andiyan na po ba si sir John?" Tanong ni Ilsa sa lalaki.

"Ay! Ako po si John! kayo po ba si Ilsa Fauster?" Tugon ng lalaki

"Opo... Ako nga po..."

"Eto na yung susi, ok naman na yung napag-usapan natin sa chat, tsaka, naibait ko na din yung CCTV na request mo..." Sagot ni sir John, habang iniaabot ang susi kay Ilsa. "Sige, mauna nako sa inyo, marami pa akong gagawin... Kapag may reklamo kayo sa bahay, chat mo na lang ulit ako ha..."

"Sige po, salamat po..."

Pag-alis ng may-ari ng nasabing condominium, agad na kaming pumasok sa loob. Hindi pa man din kami nakakapagpahinga ng husto, sinetup na namin agad ang aming mga kagamitan. Every second count tulad nga ng kasabihan ng nakararami sa aming field. Lalo na sa ganitong pagkakataon na napakadulas ng hinahabol naming tao.

Nang matapos i-setup ni Jones ang computer system, kinonekta niya ito agad sa satelite at inactivate din niya ang drone na lumilipad sa itaas namin. May nakasunod kasi sa amin na drone, at ito ay lumilipad 40,000 ft. above sea level. Ang purpose ng drone na ito ay para malaman kung nasaan kami at makahanap ng mga daan na pwede namin pasukin kung sakaling magkaron ng habulan. Ang drone na ito din ang gagamitin namin para masundan si macubex. Napaka sopistikada ng drone na ito, dahil nakaka recongnize ito ng muka at boses ng target, at kaya niya itong sundan saan man siyang lupalop magtago.

Tapos na din kami magset-up ni Ilsa ng mga baril, pati na din ng sniper riffle na may nakakargang tracking bullet at sleeping bullet. Si Jones ang magiging sniper ko dahil si Ilsa ang magiging operator tulad nga ng aming napagkasunduan kanina. Ako naman ang kokompronta kay macubex sa oras na mamataan namin siya.

Tumunog ang alert message ng computer system na sinetup ni Jones. Agad kaming tumungo sa harapan ng computer at binasa ang message. Nakasaad sa message na si macubex ay kilalang-kilala sa Manila, at namataan siya sa isang Mall na namimili ng mga computer parts.

Pagkatapos namin mabasa ang mensahe, agad naming kinarga sa mga bag ang mga baril at iba pang gadget, at tumungo na kami ni Jones sa mall na sinasabi sa mensahe.







I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon