Chapter 24

596 14 0
                                    

Alam naming hindi ito ang oras ng pagsasaya, dahil every second counts nga diba? Pero masisisi niyo ba kami kung sa panandaling oras ay magpapahinga kami at magkakasiyahan? Napakahirap ng aming ginagawa, lalo na ng aking mga pinagdaanan nitong maka nakaraan. Sa isang tawag lamang sa telelpono, nagbago na ang aking buhay. Sana pala hindi ko na lang sinagot ang tawag at nagpatuloy na lang ako sa aking pagtulog.

Wala kaming bayad sa ginagawa naming ito. Hindi ito opisyal na mission, pero hindi din ito simple. Nasa aming mga kamay ngayon ang kinabukasan ng sanlibutan, pagnagkamali kami, para saan pa ang lahat?

Nandito kami ngayon sa loob ng maliit na bar na kung saan, panandalian kaming nagsasaya ng aking mga kasama. Si Ilsa at ako ay magkasama sa isang table na malapit sa pintuan ng bar, habang si Jones naman ay nasa counter kakwentuhan ang bar tender.

Kinuha ko ang baso na may lamang beer na nakapatong sa aking mesa, at ininom ko ang laman nito ng straight. "Ang sarap talaga ng malamig na beer" Sabi ko kay Ilsa, nang matapos kong ubusin ang napakalamig at alak. "Sana ganito na lang lagi, walang problema na iniisip at iniintindi."

"Masarap talaga yan, ang dami ba namang yelo niyan eh. Tsaka isa pa, tama lang yan sa hirap na pinagdaanan mo, kung tutuusin, kulang pa nga yan." Tugon ni Ilsa sa akin, habang namamapak ng pulutan.

"Sinabi mo pa..." Sabi ko kay Ilsa habang bahagyang nangingiti. "Teka, sandali lang, parang gusto ko pang umorder." Naisip ko na parang gusto ko pa ng alak kaya naman nagpaaalam ako kay Ilsa saglit at pumunta ako sa counter para umorder pa ng panibago.

"Boss isa pa nga, pakidamihan ulit yung yelo." Sabi ko sa bar tender habang inaabit ang baso ng beer na wala ng laman.

"Mukang ganado ka uminom ngayon ah?" Tanong sakin ni Jones.

"Oo, pano ba naman, hindi natin alam kung hanggang saan tayo sa mission na ito. Hindi natin alam kung kakayanin pa ba natin yung mga susunod pang hakbang natin." Sabi ko kay Jones.

"Sabagay tama ka, pahirap na ng pahirap yung mga lakad natin ngayon, at feeling ko parang lumiliit ang mundo natin. Pero alam mo, basta magkakasama tayo, sa tingin ko kakayanin natin lahat yan. Kahit pa wala tayong sahod... Hahahaha!" Sabi ni Jones sa akin na tumatawa ng malakas. Noong una kasi, hindi siya marunong trumabaho ng walang bayad. Pero ngayon, kumikilos siya alang-alang sa kaniyang prinsipyo at para sa mga tao na nasa kaniyang paligid. Isang trabahong walang kasiguraduhan kung saan kami dadalahin.

"Oh! Eto na yung alak mo." Sabi ng bar tender habang inaabot sa akin ang bagong refill na baso ng beer at ang daming yelo nito.

"Wow! Salamat... Saktong sakto sa gusto ko!" Sagot ko sa bar tender. Habang inaabot ko naman ang pera na bayad sa alak. "Sige Jones, babalikan ko lang si Ilsa." Sabi ko kay Jones.

Bumalik ako sa table kung saan nakaupo din si Ilsa. "Pasensya na, napaghintay kita, medyo nakwento kasi ako kay Jones." Sabi ko kay Ilsa habang papaupo ako sa kaniyang harapan.

"Ok lang ako, ano ka ba?" Sagot naman sakin in Ilsa.

"Hindi... Baka kasi nainip ka, nakakahiya naman sayo..." Sabi ko kay Ilsa, habang nakahawak sa kaniyang mga kamay.

"Ngayon ka pa nahiya sakin? Talaga lang ah..." Sagot sakin ni Ilsa sa malambing na tono ng pananalita.

Napakasarap ng pakiramdam ko ngayon, sa totoo lang, ayaw ko ng matapos ito. Walang hirap, walang pagod, walang kaba, walang problema at walang kaaway. Pero hindi kasi ganon ang buhay, at hindi kasi ito ang realidad. Panandaliang kasiyahan at pagkatapos ay napapalipat ng hirap na walang sukat.

Naubos ko nanaman ang alak sa aking baso, parang gusto ko pa pero pinigilan na ako ni Ilsa. "Teka, oorder lang ulit ako ng beer." Sabi ko kay Ilsa.

Hinawakan ni Ilsa ang aking mga kamay at ako ay kaniyang pinaupong muli. "Tama na yan, ok lang ang mag celebrate ng konti, pero hindi ok ang maglasing." Sabi niya sa akin, habang nakatingin siya sa akin na para bang nagbabanta. Tumiklop ako sa kaniyang mga tingin ay hindi na ako umorder pa. "Hindi kasi tayo pwede maglasing ngayon... Lalo ka na! Baka mamaya may kalaban tayo sa paligid. Hindi tayo makakakilos ng maayos kapag lango tayo sa alak."

"Sabagay tama ka, salamat sa paalala." Sabi ko kay Ilsa.

"Wala iyon, ginagawa ko lang ang responsibilidad ko." Tugon niya sa akin.

Habang kami ay masayang nag-uusap ni Ilsa sa mga random stuffs, biglang lumapit sa amin si Jones.

"Ilsa, Wilson, Bumalik na daw tayo sa base para sa susunod na planning, medyo komplikado ka daw ang mga susunod nating hakbang." Sabi ni Jones sa amin.

"Ganoon ba? Ok sige tara." Sagot ko naman kay Jones.

Nauna na si Jones sa sasakyan at tumayo na kami ni Ilsa upang tumungo na din sa labas. Ngunit sa aming paglabas, nakita kong napahinto si Jones at sinenyasan kami ng tumingin sa pinagpaparadahan ng van.

Sa aking pagbaling, nakita ko na may mga taong umaaligid dito at tila inuusisa nila ang aming sasakyan. Hindi naman sila mukang CIA dahil hindi sila naka pormal na damit. Pero, hindi pa din kami dapat pakasiguro, dahil minsan, nagsusuot ang mga ito ng sibiliyan para hindi sila kahina-hinala.

Sinenyasan ko si Jones na huwag munang tumuloy at tumambay muna siya sa kaniyang kinatatayuan. Pagkatapos ay humarap ako kay Ilsa at binulungan ko siya na huwag kikilos at maiwan muna siya sa kasalukyan naming pwesto. "Diyan ka muna, lalapitan ko sila..."

"Mag-iingat ka Wilson..." Sabi ni Ilsa.

Humawak ako sa baril na nakatago sa aking likuran at dahan dahan akong lumapit sa mga taong nakapaligid sa sasakyan. Nang ako ay makalapit kinausap ko ang mga ito. "Ah sir, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Kayo ba may-ari ng sasakyan na ito?"

"Ah sir, sa kaibigan ko po iyan, may pinuntahan lang sandali..." Sagot ko habang binubunot ko ang aking baril. Sa totoo lang, kahina-hinala na tanungin nila kung ako ang may-ari ng sasakyan, indikasyon ito na iniimbistigahan nila kami. Pero syempre, kailangan ko pa din maging maingat, dahil baka naman, natuwa lang sila sa aming van. Baka mamaya niyan, makapatay pa ako ng inosenteng tao.

"Ahh, tatanong ko lang sana kung san siya nagpapintura... Ang ganda kasi ng pagkakagawa dito. Malinis ang trabaho."

"Ahh ganon po ba?" Nakahinga ako ng maluwag at binitiwan ko na ang baril na nasa aking likuran. "Pagkakatanda ko po, sa isang shop lang yan malapit dito eh, hindi ko matandaan ang pangalan, pero malapit lang, hindi po kalakihan yung shop."

Nag-imbento na lamang ako ng sasabihin para umalis na sila, dahil kailangan na din naming magmadaling bumalik sa hq.

"Ahh ganon ba? Sige, hahanapin ko na lang yung shop, maraming salamat sayo at pasensya na sa abala."

"Wala po iyon, masaya po akong nakatulong sa inyo."

Umalis ng tuluyan ang mga taong nag-uusisa sa aming sasakyan, at pagkatapos ay kinawayan ko na si Ilsa at Jones para lumapit sa akin.

"Oh ano daw?" Tanong ni Jones ng sila ay makalapit na.

"Wala naman, nagtatanong lang tungkol sa pintura." Sagot ko kay Jones.

"Ah... Eh- ano naman sinabi mo?" Tanong ulit ni Jones habang kinukuha ang susi ng sasakyan sa bulsa.

"Wala lang, nag-imbento na lang ako ng kwento, sabi ko sa isang local shop natin yan pinapinturahan dito, nakalimutan ko na lang yung pangalan..."

"Nice! Galing mo talaga, alam mo pwede ka ng writer eh." Sabi ni Jones sa akin habang natatawa.

Tumungo kami ni Ilsa sa likod ng sasakyan at pagkatapos ay binuksan ang double door nito at kami ay sumakay na. Habang si Jones naman ay tumungo na sa harap at sumakay na sa driver side. Pagkatapos ay inistart niya ang aming sasakyan at kami ay tuluyan ng umalis sa lugar, upang magtungo sa mini head quarters.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon