Chapter 6

1.1K 23 1
                                    

Isang malaking sikretong base, sa gitna ng napakagandang bulubundukin. Sino nga naman ang mag-aakala na may ganitong klase ng structure sa ganitong lugar.

Huminto ang aming sinasakyan, at pagkatapos ay bumaba ang doktora at tumungo sa security ng gate. Habang siya ay nakikipag-usap, napansin ko ang malahiganteng rebulto na gawa sa copper. Rebulto ng isang agila na nakatayo ng buong tapang at buong pugay. Agilang simbolo ng katapangan at kapangyarihan. Agila na logo ng CIA.

Napailing ako ng paulit-ulit at bumilis ang tibok ng aking dibdib. Mas lalo na akong nalito ngayon, kung ano ba talaga ang nangyayari. Ngunit hindi ako nagpahalata na ako ay nagdududa na sa kanilang kinikilos. Myembro din ako ng ahensyang ito, kaya alam ko ang galawan ng mga taong nakapaloob dito.

Bumalik nang muli ang doktora at pinaandar na niyang muli ang sasakyan. "Sige, ipasok niyo na." Sabi niya sa driver. Habang umaandar at pumapasok ng dahan-dahan ang sasakyan sa loob ng compund, ako ay kaniyang kinausap. "Alam ko naguguluhan ka sa nangyayari agent Wilson, pero wag kang mag-alala, ligtas ka dito." 

"Paano naman ako nakakasiguro?"

"Agent Wilson, isa ka ding CIA agent, at isa ka sa pinakamagaling na asset ng ahensiya, alam kong alam mo na kung ikaw ay target, kanina ka pa patay." sabay kibit niya ng balikat. "Isa pa, alam mong asset ka ng ahensiyang ito. Hindi ka sasayangin ng ating organization at lalo na ng one world government."

Tahimik lang ako at patuloy na nakikiramdam habang papalapit kami ng papalapit sa building ng ahensiya. Ilang sandali pa ay huminto ang aming sinasakyan sa mismong harap ng entrada ng nasabing building at pinagbukas kami ng pinto ng iba pang mga agents.

Inayos ko na lahat ng aking mga gamit, at bumaba na ako ng sasakyan, kasabay ng pagbaba ng doktora.

"Sumunod ka sakin agent Wilson." Sabi sakin ng doktora, habang kami ay papasok ng building. "Agent Wilson." Siya ay tumigil sandali, humarap sa akin at inabot niya ang kaniyang kanang kamay. "Ako nga pala si Director Chenkov. Ako ang namamahala sa mga classified documents ng CIA."

"Ikinagagalak ko po kayong makilala." Sabi ko sa kaniya, at inabot ko din ang aking kamay, bilang simbolo ng pagrespeto sa kasamahan sa trabaho. "Tapatin niyo nga ako, ano ba ang ipapagawa niyo sakin?"

"Yan ang gusto ko sayo agent Wilson, diretso at wala nang paligoy-ligoy pa." Sabi niya sa akin, habang napapangiti. "Huwag tayo dito mag-usap, doon tayo sa opisina ko, masyadong maselan ang bagay na ito."

Umayon ako sa kaniyang suhestyon na sa opisina na lamang niya kami mag-usap. Pagdating sa loob, hindi pa man din kami nakakaupo ay may kumatok sa pinto ng opisina ng direktora. "Sino yan?" Tanong ng direktora.

"Ako po ito ma'am si Ilsa."

"Agent Ilsa, ikaw na pala yan, halika, pumasok ka dito at nandito na ang magiging partner mo para sa mission na ito."

Agad siyang pumasok at laking gulat ko ng mamukhaan ko ang agent na nagngangalang Ilsa. "Hindi ba ikaw ang nurse na nag-iwan ng susi sa ospital?" Tanong ko sa kaniya habang tinititigan ang napakasexy niyang katawan.

"Oo ako nga, pero baka naman malusaw ang katawan ko niyan?" Sabay irap niya sa akin.

Medyo nahiya ako sa aking ginawa at ako ay umupo sa isang tabi ng opisina. "Pagpaumanhin mo ang aking mga mata. Hindi ko lang talaga maiwasan na titigan ang isang magandang agent na katuald mo."

"Wag mo na din ako bolahin, lumang style na yan."

"Ahem!" Sabi ng direktora, "Tapos na ba kayong magbolahan?"

"Ipagpatawad niyo po direktora."

"Wala iyon, maupo ka na din Ilsa." Sabi ng direktora at naupo na din siya sa kaniyang napakagandang upuan. Sadyang napakasarap ng buhay ng mga direktor ng CIA, hindi tulad namin na laging nasa field at nagbubuwis ng buhay. "Napakaselan ng mission na ito. Kung matatandaan mo agent Wilson, kaya ka napunta sa ospital ay dahil nawalan ka ng malay sa pagsabog na naganap sa safehouse natin sa California. Na ikinasawi ng isa sa pinakamagaling nating direktor. Pero alam mo ba kung bakit ka niya pinatawag?"

"Hindi po..."

"Ang totoong rason kaya ka nandoon ay dahil para isecure mo ang isang program ng gobyerno na ninakaw ng mga terrorista sa atin. Nung gabing iyon, kakabawi lang natin ng program at mga files, at nakalagay ito sa isang brown envelope na dapat ay iaabot sayo ng superior mo, para ito ay maingatan at madala sa pentagon. Sa kasamaan palad, sa pagsabog na iyon, ay nawala din ang brown envelop. Mabuti sana kung, nakasama ito sa pagsabog, ngunit hindi. Pinaghihinalaan na ang grupong anonymous ang may pakana sa pangyayari, dahil napakagaling nang pagkakaset-up ng bomba, pinasabog ito sa pamamagitan ng remote detonation, mula sa malayong lugar. Hinala din nang organization na sila din ang kumuha sa files. Kapag napunta ito sa kamay ng maling tao, malaking problema ang idudulot nito sa ating lahat at sa buong mundo. Now... Your mission, should you choose to accept, is to find the classified files, recover it and then kill all that is involved." Sabi ng direktora sa madiin na tono nang pananalita.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at ganoon din si agent Ilsa. Sumaludo kami sa direktora at aming tinaggap ang mission. "Sa wakas, maipaghihiganti ko na din ang aking boss." Sabi ko sa aking isipan.

Lumabas kami ng opisina ng direktora at habang naglalakad ay patuloy ang aking pang-aasar sa bago kong partner. Gawain ko na talaga dati pa ang ganitong mga pang-aasar. Sa paraan kasing ito, nagiging maganda ang working relationship ko sa kahit na sino man na aking makasama sa trabaho. Importante ang pagkakaisa ng mga agent sa labas, dahil isang pagkakamali at kaunting pagtatalo ay makaka apekto sa aming trabaho.

"Alam mo, masaya nako, kahit siguro mamatay na ako sa mission na ito, kung kasing ganda mo naman ang kasama ko, ok na." Sabi ko sa kaniya habang palihim na natatawa.

"Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo Wilson."

"Wooo, aminin mo na, nagwapuhan ka din sakin..."

Napangiti siya at tumuloy lang kami sa paglakad.

"Nga pala, pano natin sisimulan ang mission?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo pa pala binasa yung mission order natin?"

"Huh?! Mission order? Wala naman akong nakukuha na MO."

"Sa upuan natin kanina, nakapatong, halatang hindi ka attentive."

"Ahh... Ok... Hehehe, pasensya na, ano ba yung MO?" Tanong ko sa kaniya habang kumakamot ako ng ulo.

"Sigurado ako matutuwa ka!"

"Ano ba yon?"

"Magpapanggap tayong mag-asawa, una nating lipad ay China, at pagkatapos ay pupunta tayo ng Pilipinas at Japan."

"Ano ulit? Mag-asawa?"

"Oo!"

"Yes!" Sabi ko sa malakas na boses.

Napabugtong hininga si agent Ilsa, habang ako naman ay tuwang-tuwa sa aking narinig.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa isang kwarto kung saan ginagawa lahat ng mga pekeng papeles na aming ginagamit bawat mission, at andito din nakatago ang mga gagamitin naming gadget at pati na din ang mga baril at bala na aming dadalin. Actually, yung pekeng papeles, kami lang nakakaalam nun, pero sa ibang bansa, legal yun. Hindi ito malalaman ng ibang tao dahil pulido ang pagkakagawa sa mga documents at isa pa, opisyal din itong nakarecord sa lahat ng database sa buong mundo.

Tuwang-tuwa talaga ako hanggang ngayon at hindi pa din ako makapaniwala sa aking narinig. Dahil matapos ang isang katerbang hirap ay napaka-swerte ko naman na nagkaron ng napakagandang partnert at hindi lang iyon, magpapanggap pa kami bilang mag-asawa.




I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon