Chapter 18

668 23 0
                                    

Matapos kong magpahinga sa kwarto na inilaan ng MI6 para sa akin. Nagtungo ako sa bar na ginawa para lamang sa mga myembro ng grupong ito. Maganda ang bar, maraming klase ng alak na naka display sa mga wine rack na nakatayo sa likuran ng bar tender. Tamang timpla ng ilaw upang maganda ang ambiance ng kwarto. Magagarang upuan at mesa na first class ang pagkakagawa at musikang kaaya-aya na nakakarelax. Kung ihahambing ito sa mga bar na aking napuntahan, di hamak na mas maganda ang lugar na ito.

Bago pa man din ako maupo sa stool na nakapwesto sa counter, nakita ko si Ilsa sa isang sulok ng bar. Nakapwesto siya sa table na dalawang tao lamang ang kasya at tila may malalim siyang iniisip.

Sa tingin ko ito na din yung tamang pagkakataon para maka-usap ko siya at bigyan ko siya ng pagkakataon na magpaliwanag sa akin.

"Margarita nga!" Sabi ko sa bar tender habang inaabutan siya ng salapi. "Isang bote na ibigay ko sakin."

"Ok, eto na." Tugon ng bar tender habang ibinibigay ang inorder kong inumin at kinukuha naman niya ang perang aking nilapag sa counter. Nangtuluyan ko nang mahawakan ang bote ng alak na aking binili. Kinindatan ko ang bar tender at tuluyan na akong tumungo sa table kung saan nakapwesto si Ilsa.

"Pwede ba kitang samahan?" Tanong ko kay Ilsa matapos kong ilapag ang isang bote ng alak.

Natawa siya ng bahagya at tumingin sa bote ng alak. "Maglalasing ka ba?" Sabi niya sakin, habang dahan dahan na pinapaikot niya sa kaniyang palad ang bote ng alak at binabasang mabuti ang mga nakasulat dito. "Sige, maupo ka. Wala naman ako ibang kasama."

Inusad ko ang upuan papalabas at pagkatapos ay naupo na ako. Magkaharap kaming dalawa sa mesa na tila kami ay nagdedate. Huminga ako ng malalim at tumitig ako sa kaniyang mga mata. "May kailangan kang ipaliwanag sakin." Sabi ko kay Ilsa.

"Ano pa ba ipapaliwanag ko sayo... Nabanggit na lahat ni zero ang dapat mong malaman." Tugon ni Ilsa sa akin.

"Hindi yung mga bagay na iyon..." Sabi ko kay Ilsa. Sa totoo lang, mayroon akong gustong marinig at malaman, na sa kaniya ko lamang gusto mang galing. "Niloko mo kami?"

"Hindi ko kayo Niloko Wilson, mission ko iyon, at kailangan kong gawin ang mission ko kahit ano pa ang mangyari."

"Eh yung, maghalikan tayo? Plano din ba iyon?"

Tumahimik si Ilsa at bigla siyang yumuko.

"Yung, pagiging sweet mo? Yung oras na nahulog ang loob ko sayo? Plano din ba iyon?" Napakadami kong tinanong sa kaniya, pero napakatahimik lamang niya at hindi lamang sumasabat sa aking mga binibitawang salita.

Hinawakan niya ang aking mga kamay at muling tumingin sa aking mata. Sa mga oras na iyon, nakita kong nangilid ang kaniyang mga luha. Ang init ng pakiramdam nung hinawakan niya ako, para bang nawala lahat ng sama ng loob ko sa kaniya.

"Hindi... Hindi ko plano iyon." Sabi niya sa akin, habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kaniyang magandang mukha. "Hindi ko din sinadyang pag-alalahanin ka pa, at lahat ng naramdaman mo para sakin, totoo iyon. Dahil ganoon din ang nararamdaman ko para sayo..."

"Pero... Paano pako maniniwala saiyo? Sabi dami ng nangyari sakin, hindi ko na alam kung sinu ang pagkakatiwalaan ko nung una pa lang, sayo lang ako kumapit... Pero bakit hindi mo sinabi sakin ang totoo tungkol sa mga bagay na yan?" Sabi ko kay Ilsa.

Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo habang hawak hawak pa din niya ang aking mga kamay, at tila gusto niya akong pasunudin "Huwag tayo dito mag-usap... Sumama ka sa akin..." Sabi niya habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha, upang hindi makita ng ibang tao sa bar na siya ay umiiyak.

Tumayo din ako mula sa aking pagkakaupo at kinuha ko ang bote ng margarita na aking binili na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Saan tayo pupunta?"

"Basta... Sumama ka na lang!" Lumakad siya patungo sa pinto ng bar, habang hawak niya ang aking mga kamay at ako ay kaniyang hila-hila. Pagdating sa pinto ay bigla kaming lumabas at sumunod lamang ako as direksyon na kaniyang nilalakaran. "Tara sumama ka lang, ako ang bahala sayo..."

Sa pagkakataong ito, nagtiwala na lamang ako sa kaniya, kung saan man niya ako dadalhin. Tiwala kasi ang susi sa kahit anong relasyon, mapa trabaho man o pag-ibig.

Huminto kami sa harap ng isang pinto na kaagad niyang binuksan, at pagkatapos, ako ay kaniyang pinapasok. "Halika, pumasok ka..." Sa aking paghakbang, nakita ko ang ganda ng kwarto na ito. Malahotel ang ayos at tila kwarto ito ng isang babae. "Pagpasensyahan mo na tong kwarto ko dito. Hindi ko kasi masyado naayos to dahil kadalasan, nasa field ang trabaho ko."

"Ayos lang, maganda pa nga yan eh... Yung kwarto ko mas magulo pa diyan." Sabi ko naman sa kaniya.

Kinuha niya ang bote ng margarita na aking dala-dala at inilagay niya ito sa isang maliit na refrigerator na nakapwesto malapit sa may bintanang salamin. Isang maliit na bar, ang tingin ko dito, kung ako ang inyong tatanongin.

Pumasok siya sa isa pang kwarto na nasa loob ng parang condominium na ito at ako ay kaniyang tinawag. Sa aking pagpasok, nakita ko ang isang malaking queen sized bed na kama. LED tv na naka mount sa pader na nakaharap sa kama, at computer na nakapatong sa isang office desk na nakapwesto sa gilid na malapit sa bintana. "Maganda ang kwarto mo, kumpeto, at sa tingin ko komportable dito."

"Talaga? Salamat..." Tugon ni Ilsa sa akin, habang nakangiti at nakatingin as aking mga mata. Umupo siya sa kaniyang kama at ako ay kaniyang inaya na umupo din sa tabi niya. "Alam mo, ikaw pa lang ang naka appreciate sa akin ng husto. At naging vocal sa totoong nararamdaman, halika upo ka dito sa tabi. Dito tayo mag-usap."

Napalunok ako ng laway, dahil sa kaniyang pag-aya sa aking na umupo ako sa kaniyang tabi sa sarili niyang kama. Tinabihan ko siya tulad ng kaniyang request sa akin at bumaling ako sa side kung saan siya nakapwesto.

"Eto ang tunay agent Wilson..." Sabi niya sa akin sabay biglang hinalikan niya ako at tinulak upang mapahiga sa kama. Pumaibabaw siya sakin habang unti-unti niyang inaalis ang kaniang mga kasuotan.

Mula sa kaniyang pagkapatong sa akin, na kung saan hindi nako makapalag pa, inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at muli akong hinalikan, habang dahan-dahan niyang inaalis din ang aking mga damit.

Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan, at nararamdaman ko na din ang init na nanggagaling sa akin.

Niyakap ko siya, at dinama ko ang init ng kaniyang katawan, napakakinis na balat, at napakalambot na laman.

Itong gabi na ito, ang pinakamainit, pinakamasarap, pinakamasaya at pinakamagandang nangyari sa akin simula ng masangkot ako sa eskandalo ng aking ahensya. Itong gabi na ito din ang mas lalo pang nagpalalim sa samahan naming dalawa ni Ilsa.

Ngayon bigla kong naisip na totoo pala ang kasabihan, na ang lahat ng hirap na ating dinadanas ay may kapalit na kaligayahan.




I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon