Chapter 13

773 23 1
                                    

Habang nasa loob ng sasakyan, nag-uusap kaming tatlo kung paano paaminin ang hacker na hawak namin ngayon. Sa aking palagay, matigas ang isang ito, at mukang hindi niya ikakanta ang kaniyang kasamahan.

"Pano ba gagawin natin sa taong yan?" Sabi ko kay Jones at Ilsa, na may tono ng pananakot. Sinasadya ko talagang marinig niya ang usapan namin, dahil nagbabakasakali ako na magsalita siya agad at hindi na kami pare-parehong mahirapan pa.

"Dalin natin sa apartment at doon paaminin?" Sabi ni Ilsa.

"Alam ko na!" Sabi ni Jones, na tila may magandang idea para mapaamin ang hacker. Biglang iniliko ni Jones ang van na aming sinasakyan sa isang masukal na lugar. Mapuno, madamo, at walang katao-tao. Dinala pa ni Jones sa mas malalim na parte ng gubat ang aming sasakyan, sa kung saan wala ng ibang makakakita pa sa amin kung sakaling may mapadaan man sa highway, wala din makakarinig sa amin kahit ano pa man ang aming gawin. Kahit ano pa mang sigaw ang idulot namin. Ihinto ni Jones ang sasakyan at binuksan ang parang maliit na bintana na nag-uugnay sa harapan at likod ng sasakyan. "Dito! Sigurado ako aamin yan!" Sabi niya sa malakas na boses, at habang nakatingin sa hacker na tila kakainin niya ito ng buo.

Bumaba kaming tatlo sa sasakyan, at pagkatapos ay pumunta ako sa likod upang alisin ang kandado ng pinto nito. Pagkaalis ng lock ay binuksan ko na ang pinto at pumasok ako sa loob. "Sa tingin ko dapat kang magsabi ng mga nalalaman mo." Sabi ko sa hacker. Hinawakan ko siya sa kaniyang damit at kinaladkad ko siya papalabas ng van.

"Agent Jones, handa na ba ang upuan ng bisita natin?" Tanong ko kay Jones, habang kinakaladkad ko papunta sa aking mga kasama ang hacker na aming bihag. Pagdating ko sa kinatatayuan ng dalawa ay agad ko siyang binitawan.

Hinawakan siya ni Jones at Ilsa sa magkabilang braso at binuhat siya tungo sa isang putol na puno. Tinali namin siya doon at sinimulan na ang interogasyon.

Una muna ay biglaang inalis ni Jones ang plaster na nakatakip sa bibig ng hacker. "Aray!" Sabi ng hacker, at kitang-kita ko din sa kaniyang mga mata ang takot na nadadama. "Ano ba kailangan niyo sakin? Wala naman akong pera."

Nagtawanan kaming tatlo, dahil napagkamalan kaming mga robber ng lintik na hacker na ito. "Hindi kami holdaper!" Sabi ni Jones, habang natatawa ng malakas, "Alam mo ba kung bakit ka andito?" Tanong ni Jones, sabay suntok sa sikmura ng hacker. Sa laki ni Jones na yan, sa tingin ko hindi magtatagal ay kakanta na agad ang taong ito.

Si Jones kasi ay 6'5 ang height, 250 lbs of muscle at dating heavy weight boxer bago ma enlist bilang sundalo. Kahit ako man, hindi ko gugustuhin ang kinalalagyan ng hacker ngayon.

"Ugh!!!" Daing ng hacker. Ramdam ko ang sakit na nadadama niya sa suntok na iyon, "Ano ba kailangan niyo sakin?"

"Sino yung kausap mo kanina?" Tanong ko sa kaniya.

"Hi-hindi ko alam!" Sagot niya.

Sinuntok ko ang kaniyang mukha at inulit ang aking katanungan. "Sino yung kausap mo kanina?" Medyo naiinis nako dahil parang matigas talaga ang taong ito.

"Hindi ko talaga alam! Basta, pinapunta lang niya ako sa lugar na iyon... May sasabihin daw siya sakin." Sabi niya, habang bahagyang nahihirapan sa paghinga.

"Guys, easy lang kayo, hindi lalo magsasalita yan, at baka bago pa makapaglabas ng katotohanan yan, mapatay niyo na yan." Sabi ni Ilsa sa aming dalawa ni Jones.

"Ok! Sige! Ano ang maisasuggest mo? Pano natin paaaminin iyan?" Tanong ko kay Ilsa.

Hinila ako bahagya ni Ilsa at nakipagpalit siya ng pwesto sa akin. "Kuya... Yung dalawang kasama ko, kapag nagalit sayo yan, sigurado ako sayo todas ka... Kaya magsalita ka na ha." Sabi ni Ilsa sa hacker na may mahinahon at malambing na boses.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon