Chapter 15

727 22 0
                                    

Mabusisi kaming nag-aabang ni Jones sa isang taong, wala kaming idea kung sino ba talaga, maliban sa tip na natanggap namin sa isang asset na nagtratrabaho sa field.

Nakaupo ako sa isang coffee shop sa loob ng mall. Napakaraming tao, kaya ako ay may pangamba na baka hindi namin makita si macubex. Kinuha ko ang kape na nakapatong sa mesa at uminom ako ng konti. "Not bad!" Sabi ko sa sarili ko habang ibinababa sa mesa ang kape na aking inorder sa local na coffee shop na ito.

"Wilson, ano? May napansin ka na ba?" Sabi ni Jones sa kabilang linya ng radio transmitter, habang nakapwesto sa rooftop ng kabilang building na hawak hawak ang isang mataas na kalibre ng sniper rifle.

"Wala pa Jones, easy ka lang..." Tugon ko naman sa kaniya, habang ineenjoy ko ang kape at malamig na temperatura sa loob ng naka aircondition na mall.

Sa totoo lang, wala akong tiwala sa asset na nag message sa amin, pero sumugal na lang din ako dahil wala kaming ibang source para matunton si macubex.

Kinontak ko si Ilsa kung may kakaiba ba siyang napapansin mula sa itaas. "Ilsa, kamusta ang lagay natin?"

"Wala naman ako nakikitang ibang activity, isa pa, mahirap malaman kung may gagalaw ba ng hindi maganda, dahil hindi pa natin lubusan kilala ang target at napakaraming tao. Feeling ko nga, wala naman silbe ang drone na ito sa ganitong lugar." Sagot ni Ilsa sa akin mula sa kabilang linya.

Habang nilalasap ko ang huling patak ng aking kape, may napansin akong tao na dumaan sa aking harapan na nakahood. Kaparehas na kaparehas ng suot ni macubex nung natakasan niya kami sa Beijing. Bukod pa doon, kahina-hinala din ang kaniyang kilos dahil nakatago ang kaniyang muka samantalang nasa loob naman kami ng mall. Isa pa, hindi naman siguro siya magtatakip ng mukha kung wala siyang tinatago.

"Ibinaba ko agad ang aking kape at niradyuhan ko agad si Jones at Ilsa." Guys, may susundan akong tao, baka siya na toh. Tumayo ako at mabilisang lumakad tungo sa direksyon na nilakaran ng lalakeng dumaan sa aking harapan. "Parehas na hood jones, at ganun pa din nakatakip pa din ang kaniyang mukha."

"Copy!" Sabay na sagot ni Jones at Ilsa sa kabilang linya.

habang sinusundan ko ang lalakeng nakahood, kapansin-pansin ang pagbilis ng kaniyang lakad. Pabilis ng pabilis hanggang sa siya ay tuluyan ng tumakbo. Sa palagay ko nakilala niya ako, at ngayon nakakasigurado ako na siya na nga ang target.

"Jones, pack-up! I'm in pursuit! Salubungin mo ako sa kabilang exit patungo sa west gate ng mall" Instruction ko kay Jones, habang ako ay mabilis na tumatakbo para makahabol sa target. "Ilsa, kung sakaling hindi namin siya abutan sa loob, paki track siya gamit ang drone, same hood ang suot niya, I repeat, same hood ang suot niya."

"Copy that agent Wilson." Sagot ni Ilsa, na medyo chappy na ang communication. Siguro patay talaga ang signal sa parte ng mall na iyon kaya medyo malabo na ang dating ng comsat.

Biglang nawala ang target na aking hinahabol, dahil sa napakaraming tao sa mall na ito. Hindi ko din alam kung pano pa siya hahabulin dahil ang daming pwedeng lagusan. Kaya naman, niradyuhan ko si Jones at Ilsa para maabisuhan sila na hindi ko na makita ang target. "Jones! Ilsa!, Hindi ko inabot ang target." Sabi ko sa kanila sa comsat.

Dahil hindi ko inabutan ang target, tumungo muna ako sa bandang labas ng mall upang makakuha ng signal. "Jones! Ilsa! Come in! Over!" Paulit-ulit kong sabi sa comsat, ngunit wala pa ding sagot na galing sa dalawa.

Dahil wala akong makuhang signal, naglakad ako patungo sa west gate kung saan sinabi ko kay Jones na doon kami magkita upang makasalubong niya ang target. Nagbabakasakali ako na nakuha na niya si macubex.

Pagdating ko sa west gate, nakita ko si Jones na nakatayo at naghihintay sa akin, ngunit wala siyang hawak na kahit isang anino man lang ng taong nakahood na aming sinusundan. Nilapitan ko siya sa kaniyang kinatatayuan, "Jones, kanina pako radyo ng radyo sa inyo, hindi ko inabutan yung target eh." Sabi ko kay Jones. Habang pinipilit kong kontakin si Ilsa sa pamamagitan ng comsat. "Tsaka bakit kaya ayaw gumana ng radyo na ito?"

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon