Chapter 38

447 13 2
                                    

Sadyang mailap si Zero, pero walang kriminal na hindi nahuhuli. Pinaka importanteng kasabihan ng mga alagad ng batas.

Nasa loob kami ngayon ng conference room ng CIA compound at pinag-uusapan namin kung pano ba namin matratrack si Zero.

"Wilson, may maisa-suggest ka ba kung paano natin mahuhuli si Zero?" Tanong ni Chenkov, habang nakaupo sa pinakadulong harapan ng conference room.

"Oo, ipakalat natin ang mga asset natin at ilagay natin sa headlines si Zero." Sagot ko kay Chenkov, habang pinagmamasdan ko ang tracking device na nakuha ko sa aking braso.

"Magandang idea! Meron pa bang gustong mag-share ng idea?" Tanong ulit ni Chenkov.

As usual, wala ng iba pang nagsalita, dahil una, tamad ang ibang agents, pangalawa aminin man nila o hindi, yung plano na ilagay sa headlines ang mukha ni Zero ang pinakamabisa. Kahit kailan, hindi pa ito sumablay.

"Pano natin ilalagay? Ano ang sasabihin nating kaso niya? Hindi naman natin pwedeng sabihin na may hawak siyang importanteng pag-aari ng gobyerno. Magkakaproblema tayo sa mga tao niyan.?" Tanong ng isang bobong agent na nakaupo sa bandang likuran.

Tumayo ako at pumunta sa harapan. "Simple lang naman iyan, ilagay natin na isa siyang serial killer at mapanganib siyang tao. Kontakin tayo agad kapag siya ay nakita, at magbigay tayo ng 100k dollars bilang pabuya." Sabi ko sa kanilang lahat. Tiningnan ko sa mata ang agent at natawa ako ng bahagyan. "Meron pa bang magtatanong?" Tanong ko sa kanilang lahat.

Wala nang nagsalita pa at bumalik na ako sa aking upuan.

"Sige, dahil wala naman na iba pang nagsasuggest at wala na din naman kumontra. Ipapatawag na natin ang media." Sabi ni Chenkov.

Tumungo si Chenkov sa kinalalagyan ng telepono at tumawag siya sa information service ng CIA. "Ipatawag niyo ang media, may babala tayong ilalabas. Isama mo na din ang direktor ng FBI dahil siya lamang ang pwedeng magsalita sa harap ng camera." Pag-uutos ni Chenkov sa mga tao niya sa information.

Makalipas ang ilang minuto, agad na nagdatingan ang mga bayarang media na parang mga asong ulol na takam na takam sa impormasyong ibabahagi namin.

Dumating na din ang FBI director na mahilig sa publicity.

"Director Charles, eto ang papel, basahin mo yan sa harap ng camera..." Pag-uutos ni Chenkov.

Kinuha naman ng tangang director ang papel at agad na tumungo sa harapan ng camera na hindi man lang alam kung ano ang nakalagay sa papel. Buti na lang, hindi loko-loko si Chenkov. Dahil baka kasi kahit ang nakalagay sa papel ay may tae ako sa pwet, ay babasahin niya pa din sa harap ng camera.

Nakakatawa mang isipin pero ganyan sila ka stupid.

Ilang minuto lang at natapos na ang pagsasalita ng FBI director sa press. Umalis na din siya at pati na din ang mga media.

Sakto sa lahat ng aking sinabi ang isinulat ni Chenkov sa kodigo.

Mabilis na tumatakbo ang isang operator papunta sa direksyon kung saan kami nakatayo. "Sir! May information na tayo kay Zero." Sabi niya.

Tingnan mo nga naman, ang bilis ng tao lalo na kapag may reward. Napailing na lang ako at natawa. Para kasing clown ang mga tao sa aking paligid na nag cicircus ayon sa kagustuhan ng direktor.

Hindi na kami nagsayang ng oras pa at pumunta na kami sa control room.

"Ayon sa informant, nakita si Zero sa isang mega casino sa Las Vegas. Nag check inn daw ito doon at bukas pa ang alis." Sabi ni Chenkov.

"Ang bilis naman ng lintik na iyon!" Sabi ko sa kanila.

"Sige na, pumunta na kayo sa airfield ng compound, may limang black hawk ang naghihintay sa inyo doon para dalin na kayo agad sa Vegas." Pag-uutos ni Chenkov.

Madali kaming tumungo sa mga black hawk chopper na nasa liko na airfield ng compound. Nakita ko din na may lumipad na drone na nauna samin. Gagamitin kasi ito para bantayan ang kilos ni Zero at hindi na makatakas pa.

"Zero! I'm coming for you..." Sabi ko sa aking isipan.


I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon