Chapter 9

814 20 1
                                    

Makalipas ang ilang minuto, binaba ko na ang remote ng tv sa kama at kinuha ang gas mask na nakapatong sa lamesita na nasa tabi ng tv rack.

"Isuot mo to!" Sabi sakin ni Ilsa, at ibinato niya sa akin ang damit na pang room service ng hotel. "Yan ang disguise nating dalawa. May ID na din na nakasabit sa polo natin, para hindi tayo mapaghinalaan.

Hinubad ni Ilsa ang kaniyang bistida at naiwan lamang na nakasuot ay ang kaniyang mga underwear. Napalunok ako at natulala sa ka sexyhan ni Ilsa. Hindi ako nakapagbihis agad, kulang na lang ay tumulo ang aking laway.

"Hoy!" Sabi sakin ni Ilsa sa malakas na boses. Ako ay nagulat, at nahiya sa aking kalokohan. "Bilisan mo ng magbihis baka mamaya biglang mawala yung epekto ng sleeping gas, mabulilyaso pa tayo."

"O-Ok!" Sabi ko naman sa kaniya, sa nahihiyang tono ng pananalita. Natataranta ako, kasi nkakasira ng ulo yung kagandahan at kasexyhan niya.

Pagkatapos namin magbihis ng damit na pang room service ay lumabas na kaming dalawa.

Sa aming paglabas, napansin kong may dalawang bantay sa pinto ng kabilang kwarto.  Kinuha ko ang pushcart na pang room service, pinasok ko sa ilalim ang dalawang gas mask at sinabihan ko si Ilsa na ako muna ang pupunta sa harap ng pinto. "Ako muna ang pupunta doon. Pagbagsak na yung dalawa tsaka ka pumasok."

"Ok..." Sabi ni Ilsa sakin, na parang walang tiwala. Huminga pa siya ng malalim at tinaasan ako ng kilay.

Tumungo ako sa harap ng dalawang bantay na dala-dala ko ang push cart. "Room service sir." Sabi ko sa bantay.

"We didn't ask for room service."

"Uhm... Sir, this is a mandatory service of the hotel."

"But we cannot allow you, there is an important meeting happening inside."

"Ok, just ask whoever is in-charge to sign this room service paper."

"Can I sign it?"

"Uhm.. No sir, only the boss can sign that."

"No, sorry we cant, if you want you can just wai-!"

Isang malakas ng tunog ng kuryente ang aking narinig, pagkatapos ay bigla na lang tumumba ang dalawang bantay na aking kausap na hindi man lang natapos sa pagsasalita.

"Ang tagal mo kasi eh!" Sabi sakin ni Ilsa habang hawak pa niya ang dalawang stun gun na ginamit niya sa bantay.

"Pasalamat ka type kita, kung hindi kanina pa kita pinatulan!" Pabulong kong sabi sa aking sarili.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Ilsa habang kinukuha ang gas mask na nakatago sa pushcart ng room service.

"Wala..." Tugon ko sa kaniyang tanong, habang isinusuot ang gas mask na kinuha ko sa ilalim din ng pushcart.

Kinuha ko ang duplicate na key card sa aking bulsa na ginawa ni Jones, at sinalpak ko ito sa pinto ng nasabing kwarto. Umilaw ng green ang lock ng pinto at bumukas na ito mag-isa.

Bumaling ako sa mic na naka-pin sa aking suot na damit at sinabing, "Eagle 2, this is eagle 1, we are going in!"

"Eagle 1, this is eagle 2, copy that..."

Dahan dahan kaming pumasok ni Ilsa sa kwarto, dahil baka mayroong hindi tinablan ng sleeping gas.

Nakahanda din ang baril na may silencer na inayos namin kanina ni Ilsa, para kung sakali mang lumaban ang aming mga target, ay agad namin silang maililigpit ng hindi makakakuha ng atensyon ng mga tao sa loob at labas ng hotel.

Nang kami ay makapasok na ni Ilsa sa loob, ay hinila namin ang dalawang bantay na walang malay mula sa labas papasok sa loob ng hotel room, at itinali namin sila sa kamay at paa, at nilagyan namin ng busal ang kanilang bibig sa pamamagitan ng mansanas na nakagay sa isang table sa bar ng kwarto. Hinila namin silang dalawa sa loob ng c.r. at inilock ito. Pagkatapos ay isinara din namin ang pinto ng nasabing hotel room at inilagay ang do not disturb sign sa labas ng pintuan.

Tumungo kami ni Ilsa sa loob pa na kwarto kung saan nagaganap ang meeting. Nakita namin ang limang taong walang malay. Ang boss at ang kaniyang ka transaksyon na hacker ay nakatulog na sa mesa habang magkaharap ang mga ito. Ang tatlong body guard naman ay nakatulog sa lapag ng kwarto.

Kinuha namin ang mga baril na nakasukbit sa mga body guard, para kahit magising sila, at mawala na ang bisa ng sleeping gas, ay wala na din silang laban sa aming dalawa.

Nang matapos kami ni Ilsa sa mga bantay, lumapit na kaming dalawa sa aming target na tulog na tulog sa mesa. Hinawakan ko sa buhok ang pinakaboss at itinihaya ko ang kaniyang katawan mula sa pagkakasaldak sa mesa. Inilaglag naman ni Ilsa ang hacker mula sa upuan.

Sinuri naming mabuti ang mga dokumentong nasa aming harapan. Sa kasamaang palad, mali ang dokumento na dala ng mga taong ito. Pangalan lamang ng mga target nila ng kalabang grupo ang nakasaad dito.

"Shit!" Sabi ko kay Jones.

"bakit?"

"Mali ang target natin... Hindi ito ang program at dokumentong hinahanap natin."

"Pero paano nangyari iyon?"

"Ewan ko sayo, kontak mo to eh..."

"Pasensya na, mali ata ang asset ko, abort mission na, habang hindi pa sila nagigising."

Bago pa man kami makaalis ay may napansin si Ilsa sa batok ng hacker na inilaglag niya sa lapag. May tatoo ito na hugis maskara. "Wilson" Sabi niya sa akin. Hinila niya ang aking damit at ako ay napaupo sa kaniyang tabi. "Tingnan mo toh, tatak ng anonymous yan. Napag-aralan ko yan bago pa tayo pumunta dito."

Sinuri kong mabuti ang tatoo na sinasabi ni Ilsa, nanlaki ang aking mata dahil hindi nga siya nagkamali sa kaniyang nakita. Kinapkapan ko ang hacker at sa kaniyang bulsa, nakuha ko ang kaniyang cellphone.

"Itong cellphone niya na toh, marami tayong makukuhang information dito sa hacker. At least, hindi nasayang ang effort natin." Sabi ko kay Ilsa, at inabot ko sa kaniya ang cellphone. "Itago mo yan, pagdating sa apartment, ipahack natin kay Jones yan."

Bumalik ako sa tabi ng boss ng mga sindikato at kinuha ko ang perang kanilang dala-dala. Magagamit ko kasi ito sa mission namin.

Habang kami ay papalabas ni Ilsa, buhat-buhat ko naman ang hacker at inilagay ko siya sa loob ng elevator. Dahil sigurado ako na pagnagkamalay na ang lahat at natagpuan ng grupo na wala ang pera ay baka patayin siya ng mga ito.

Matapos ko siyang ilagay sa elevator ay pinuntahan ko ng muli si Ilsa sa kwarto na aming nirentahan. Doon naman ay nagpalit kami ng damit na pang city cleaner at iniligpit lahat ng mga kasangkapang aming ginamit.

Tumungo kami ni Ilsa sa fire exit at doon kami dumaan pababa sa likod ng hotel kung saan naghihintay sa amin si Jones. "Bilisan mo Ilsa, baka may makapansin satin." Sabi ko sa aking partner.

pagdating sa baba ay nakita namin ang nakaparadang sasakyan namin na naka disguise na pang city cleaner at kami ay sumakay na. Dali-daling pinaandar ni Jones ang sasakyan at kami ay umuwi na sa apartment.


I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon