Chapter 2

1.3K 29 1
                                    

8:30 nang gabi, ngunit wala pa din akong idea, kung ano ba talaga ang nangyari sakin at mangyayari pa. Ang tanging alam ko lang, dadalin nila ako sa ibang lugar na mas sikreto.

Ang sakit pa din ng aking mga sugat, pero sa tingin ko, kailangan kong magpakalakas at wag muna intindihin ang aking mga nararamdaman. Hindi ko alam kung mabuti o masama ang mangyayari sakin.

"Ang sakit ng tiyan ko!" Sabi ko sa pulis na bantay ko habang hinihimas ang aking tiyan. "Sir! Ang sakit ng tiyan ko!" aking pag-uulit, habang namimilipit at hinihimas ko ang aking tiyan.

Binaba ng pulis ang binabasa niya sa ibabaw ng maliit na mesang malapit sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa aking kama. "Anong problema?" Tanong niya.

"Masakit tiyan ko boss, parang kailangan ko mag c.r."

"Baka naman niloloko mo lang ako."

"Muka bang nanloloko ako? Sa sitwasyon kong to, magagawa ko pa bang manloko? Gusto mo sumama ka pa sa loob ng banyo eh."

Huminto siya panandali at nag-isip, maya-maya pa ay kinuha niya ang susi at inalis ang aking posas. Bumangon ako sa pagkakahiga ngunit ako ay nakayuko pa din. Kinapa ko ang matigas na bagay na naiwanan ng nurse, gagamitin ko ito para i-disable ang nasabing pulis. Laking gulat ko ng makita ko na ang bagay na naiwan ng nurse. Isa itong maliit na kutsilyo na tama lamang para ako ay makatakas. Napailing na lamang ako dahil sa tingin ko, ang nurse at ang doktora na pumasok kanina ay nais akong patakasin.

Tumayo ako nang dahan-dahan para hindi ako mahalata ng pulis at mapaniwala kong masakit talaga ang aking tiyan. Nang matantsa ko na kaya ko ng kumilos ay, dali kong sinaksak ang Achilles tendon ng nasabing pulis. Napaluhod siya sa aking ginawa, at bago pa man din siya makabunot ng baril, ay tinira ko ng hummer fist ang kaniyang batok, dahilan nang pagkawala niya ng malay. Kinuha ko ang papel na iniwan ng doktora na nakatago sa ilalim ng kumot at binasa ang nakasulat dito. Ang nasasaad sa sulat ay "Sa oras na binabasa mo ito, ibig sabihin ay sinusubukan mo nang tumakas sa mga taong yan. Pumunta ka sa central square at hanapin ang 45th na apartment. Pagdating dun ay gamitin mo ang hugis kutsilyong susi na iniabot sayo ng nurse."

Natawa ako dahil ang kutsilyong ginamit ko sa pulis ay susi pala. Lumapit ako sa pinto at nilock ito. Pagkatapos ay kinuha ko ang damit ng pulis at sinuot ang mga ito upang sa aking paglabas ay hindi ako makilala ng iba pang mga pulis. Buti na lang sakto ang sukat ng kaniyang uniporme sakin. "Sorry talaga tol." Sabi ko sa pulis na walang malay na nakahandusay sa lapag. Hindi ko naman kasi talagang gustong saktan siya, pero syempre, sa pagkakataong ito, uunahin ko munang iligtas ang aking sarili. Hindi ko naman siya pinatay, pinatulog ko lamang siya. Kinuha ko ang aking baril, ikinarga ang mga bala at sinukbit ko ito sa aking likuran. Ang baril naman ng pulis ay nakalagay sa holster na nakasukbit sa may gilid. Kinuha ko ang aking nakatiklop na damit at inilagay ito sa isang plastic bag na nakita ko sa drawer ng maliit na mesa.

Tumungo ako sa pinto ng kwarto, binuksan ito at ako ay dumungaw sa magkabilang direksyon ng hallway ng ospital. May pulis na nakaupo sa tabi sa labas ng pinto ngunit siya ay natutulog, sa lakas ng hilik niya, sigurado ako, hindi niya narinig ang ginawa ko sa kaniyang kasama sa loob ng kwarto. Lumabas ako ng dahan-dahan at sinara ko ang pinto ng kwarto. Nilock ko itong muli para mahirapan sila buksan. Dag-dag oras din kasi ito para ma-delay sila sa paghabol sa akin.

Habang naglalakad sa mahabang hallway ng ospital, ay may nakasalubong akong dalawang naka unipormeng pulis, binati nila ako, at tumungo naman ako pabalik. Tinuloy-tuloy ko lamang ang aking lakad at binilisan ko pa ito, dahil baka makatunog sila sa aking ginawa at ako ay habulin.

Pagdating ko sa labas ng ospital ay napakaraming nakaparadang sasakyan ng pulis. Kinapa ko ang bulsa sa polo na aking kinuha at laking tuwa ko dahil may nakuha akong susi ng sasakyan. "Mukang umaayon sakin ang panahon." Sabi ko sa aking sarili, na napapangiti at napapailing pa. Pinindot ko ang remote ng kotse at tumunog ang police car na pangatlo sa pila. Nilapitan ko ito at inunlock ang mga pinto. Pagkatapos ay pumasok na ako at inistart ko na ang sasakyan.

Dahan-dahan ako sa pagmaniobra sa police car na aking dala para hindi ako masyadong kahina-hinala. Kapag pinaandar ko kasi ito ng mabilis ay mahahalata na nila ako. Pagdating sa gate ay iniyuko ko ang police hat na nakasuot sa akin upang maitago ang aking mukha. Sinaluduhan ko ng kaliwang kamay ang security na bantay sa gate ng ospital, habang ang aking kanang kamay naman ay nakahawak sa manibela. Maya-maya pa ay pinalabas niya din ako ng walang ng kung anong tanong pa "Buti na lang tanga!" bulong ko sa sarili, sabay hinga ng malalim.

Malayo pa ang central mula sa ospital na ito, at hindi ko din kabisado kung saan ako dadaan na hindi ako mamamataan ng mga pulis. Kaya habang nagmamaneho ay naisip kong huminto. Itinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalye at unti-unti kong inalis ang damit ng pulis na nakasuot sa akin. Kinuha ko ang aking damit sa loob ng plastic bag at sinuot ko na ang mga ito.

Bumaba ako ng kotse at tiningnan ko muna ng mabuti ang paligid, "Mukang wala namang pulis." Sabi ko sa aking sarili habang palingon-lingon sa kapaligiran. Binitbit ko ang baril ng pulis para naman kung sakali na mapalaban ako, may extra akong gagamitin. Pagkatapos ay tuluyan ko ng iniwan ang sasakyan at tumawid ako patungo sa kabilang side ng kalye na may mamang nagtitinda ng sigarilyo at candy.

Nilapitan ko ang matanda at tumayo ako sa harap nito "Manong, pagbilan nga ng candy" Sabi ko, habang inaabutan ng barya ang matanda. "Salamat po" sabi ko sa kaniya matapos niyang iabot ang candy. Lumakad ako ng konti patungo sa kalsada at tumawag ako ng taxi.

May lumapit agad na kulay dilaw na taxi sa akin at agad binuksan ko ang pinto nito at pagkatapos ay agad akong pumasok sa loob. "Manong, sa central po." Sabi ko sa driver sa nagmamadaling tono, baka kasi may makakita agad sakin na pulis at mamukaan ako.

"Teka! Masyadong malayo yon iho, hindi ko ruta yun." Sabi niya sakin. "Maliban na lang kung..." habang sinesensyas niya sakin na dagdag bayad sa pamamagitan ng kaniyang mga daliri.

"Sige manong! Kahit magkano"  Agad kong sagot sa kaniya, pumayag lamang na ihatid niya ako. "basta ihatid mo lang ako." sabay tapik sa kaniyang balikat na nagpapahiwatig na payag talaga ako sa gusto niyang dagdag na bayad.

Hindi na nagsalita pa ang driver ng taxi, bagkos, dali-dali siyang kumabyo sa first gear at tinapakan ng madiin ang silinyador at binitawan ang clutch sabay andar ng matulin.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon