Chapter 3

1.1K 27 0
                                    

Ibinaba ako ng taxi driver sa isang kanto ng Central. Kapansin-pansin ang gising na gising na syudad dahil sa mga ilaw dito at sa dami ng taong naglalakad sa paligid. Paglingon ko sa aking kanan ay ang pila ng mga restaurant at bar, na daig pa ang box office sa dami ng parokyano. Sa kaliwa naman ay ang naglalakihang mga hotel at casino na pinamumugaran ng mga mayayamang tao na wala nang alam kung hindi ang magwaldas ng salapi. Kapag dumiretso naman ako ng lakad ay ang mga park na napakagaganda na tila ba isang magical na sanctuary.  Lugar na hindi natutulog ayon sa mga taong nakatira dito. Tamang-tama din ang lugar na ito para sa mga katulad kong may tinatakasang mga tao. Mas madali kasi akong makakahalo sa crowd, para hindi nila ako basta-basta makilala at mahabol. Sa mga ganitong klase ng lugar din yung hindi pwedeng basta na lamang bumunot ng baril, o magpaputok ang kahit na sinuman o ang mga pulis, dahil may mga importanteng tao ang gumagala dito.

Sinimulan ko na ang aking paglalakad para hanapin ang address na ibinigay ng matandang doktor sakin. Pero saan ko naman kaya hahanapin ang 45th na apartment na iyon? Sa ganitong klase ng lugar, parang napakaimposibleng mayroon pang nakatayong mga apartment.

"45th..." Paulit-ulit kong sinasabi sa aking isipan habang naglalakad, hanggang sa mapahinto ako sa isang alley na napakadilim na kahit ata sumikat ang araw ay hindi ito maliliwanagan. Kanina pako nag-iikot pero wala talaga akong makitang 45th na apartment, kaya naman nagdesisyon akong pasukin ang madilim na alley na ito.

Unang hakbang pa lang papasok ng alley, alam kong hindi na ako kita ng mga tao sa labas. Naglaho ang aking anino na para bang isang multo sa kawalan. Binunot ko ang aking baril at itinutok ko ito sa direksyon kung saan ako ay nakaharap, at nagpatuloy nako sa aking paglalakad.

Habang nangangapa sa dilim, mayroon akong nakitang ilaw sa malayo. Binilisan ko ang aking lakad at habang papalapit ako ay mas lumiliwanag ito at nakikita ko kung sa anong klase ng bagay galing ang liwanag.

Isang florescent lamp na naka mount sa pader at sa tabi nito ay isang lumang pinto na may nakasulat na number 45. Ito lang ang lugar na maliwanag sa kadiliman ng alley. "Ito na nga siguro yung sinasabi sa sulat." Sabi ko sa aking sarili.

Sa gitna ng pinto ay may butas na kasya lamang ang isang manipis na bagay. Bigla kong naalala ang kutsilyong sinasabi sa sulat ay ang susi sa pinto ng apartment na ito. Kinuha ko ang kutsilyo sa aking bulsa at isinalpak ko ito sa butas. Nagtataka lang ako kasi, paano naging susi ang isang kutsilyo, at isa pa, hindi ko din ito mapihit. "Pinaglololoko naman ata ako ng mga taong iyon eh." Sabi ko saking sarili habang pinipilit na buksan ang pinto.

Inis na inis na ako dahil hindi ko talaga mabuksan yung pinto, kaya sa sobrang galit ay naidiin ko ng husto ang pagkakasalpak nung kutsilyo sa butas. Laking gulat ko na biglang may nagsalitang automated voice na hindi ko malaman kung saan galing. "Please stand fimrly in front of the door."

Sinunod ko ang sinabi ng boses na aking narinig. Tumindig ako sa harap ng pinto at maya-maya pa ay may berdeng ilaw ang nagpabalik-balik sa aking katawan na para ba akong iniiscan. "scan completed, welcome! Agent Wilson."

Bumukas ang pinto at ako ay tuluyan ng pumasok. Sa loob ay biglang nagbukasan ang mga ilaw at nakita ko ang hagdan patungo sa baba. Wala ng ibang daanan pa kaya binaybay ko na ang hagdan patungo sa kung saan man. Pagdating ko sa dulo ay nakita ko ang isang kwartong puno ng matataas na uri ng personal computers at laptop. Nakakita din ako ng drone controllers na nakapatong sa isang bakal na mesang nakadikit sa pader. Mayroon ding isang malaking kabinet na punong-puno ng armas at bala. "Sino ba ang mga taong to?" Napaisip ako ng malalim dahil sa dami ng kagamitang andito sa loob, nakasisiguro ako na hindi sila ordinaryong grupo.

Una ko munang nilapitan ay ang lalagyanan ng mga baril. Binuksan ko ito at tiningnan ko kung merong magasin at bala para sa aking 9mm. "Wow! Tamang tama!" Habang inaayos ko ang aking mga nakita na pwede kong magamit. Yung bala ng 9mm na nakita ko dito ay mga RIP bullets pa. Ito yung klase ng bala na kapag tumama ay maghihiwa-hiwalay sa lima ang porjectile nito at tatagos papalabas sa likod ng tatamaan. Tama ding may apat na magasin na nakita ko sa loob, pinuno ko ang bawat isa ng bala. 11 per magasin ang capacity, sapat ito kung may maka ingkwentro man ako sa labas at kung gusto kong tumakas.

Matapos kong ayusin ang aking proteksyon ay lumapit ako sa harap ng computer. Sa totoo lang, kanina pa ito nakabukas, hindi ko lang talaga pinansin muna. Umupo ako sa upuan na nakalagay sa harap ng computer. Sa aking pag-upo ay napansin kong may message alert sa monitor. Ginalaw ko ang mouse sa direksyon ng message at klinick ko ito.

Isang video ang biglang nagplay. "Sa oras na pinapanood mo ito, sigurado ako na nakatakas ka na sa mga taong humuli sayo. Ngunit wag ka muna pakasiguro dahil sa mga oras ding ito, alam kong hinahanap ka na nila. Ibukas mo ang maliit na kabinet sa ilalim ng compuer table na pinagpapatungan ng computer. Sa ilalim ay makakakita ka ng pera, mga papeles at ticket papuntang switzerland. Kunin mo ang mga yan, at dalian mo nang umalis, dalin mo din ang maliit na laptop na makukuha mo sa tabi ng drone controller. Bilisan mo dahil bawat oras ay mahalaga. Sa Switzerland na tayo magkita." Sabi ng tao sa video na hindi ko makita kungdi anino lamang ng kaniyang imahe.

Sinunod ko lahat ng kaniyang instruction at nagmadali nako sa pag-alis. Sa totoo lang, wala nakong choice kung hindi ang sumunod sa mga instruction niya dahil wala na akong ibang mapagkatiwalaan pa. Isa pa, sila ang nagligtas sakin. Kung meron man akong dapat paniwalaan ngayon, sila na iyon.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon