Chapter 40

478 13 0
                                    

Nakabalik na din kami sa CIA compound at nasabi ko na din kay Chenkov yung mga huling salita na sinabi ni Zero. Abalang-abala kami ngayon sa pag-detect ng mga location ng spyder at kanilang mga aktibidades.

Tinawag ko si Chenkov at sinenyasan ko siyang lumabas kami sa control room ng CIA, isinama ko din si Ilsa.

Nag kami ay nasa labas na, ako ay nagpaalam na kay Chenkov.

"Director, magreresign na po kami ni Ilsa." Sabi ko sa kaniya sa napakagalang na pananalita.

"Sigurado ka ba? Baka hanapin ko ang aksyon ng iyong buhay? Kilala ko ang mga agent na kagaya mo. Alam ko na hahanap hanapin ninyo ang ganitong klase ng trabaho at ang mga katulad mo ay gusto laging nakakatulong sa iba." Sabi ni Chenkov.

Hindi man ako lubusang kilala ni Chenkov, may point pa din siya sa kaniyang sinabi, dahil bilang isang international spy, nakakabit na sa akin ang pagreslba ng problema ng mga bansa at buong mundo. Ngunit, pagod na talaga kami ni Ilsa.

"Sigurado na po kami, tatapusin na lang namin ang last mission na ito, yung pigilan ang attack ng spyder at pagkatapos ay buburahin na namin ang lahat ng access namin sa agency at sa lahat ng organization na kasali kami. At pagkatapos ay magpapasa kami sa inyo ng opisyal naming early retirement letter." Sagot ko Chenkov.

Tumingin si Chenkov kay Ilsa at hinawakan niya ito sa balikat. "Ilsa?"

"Opo director, sigurado na po kami..." Sagot ni Ilsa kay Chenkov.

"Ok, sige... At dahil mukang sigurado na kayo, sige pumapayag na ako, basta tapusin niyo ang mission na ito." Sabi ni Chenkov.

Nagtinginan kami ni Ilsa at nagkayakapan sa sobrang tuwa. Sa totoo lang, nakahanda na ang aming retirement letter. Nasa bag na ni Ilsa, dahil maya maya lang, aalis na kaming dalawa.

"Director! May na detect kami na activity ng spyder!" Sabi ng isang agent na biglang lumapit sa aming galing sa loob ng control room.

Ako, si Ilsa at si Chenkov ay agad na pumasok sa loob upang makita ang mga nangyayari.

"Ano na ang sitwasyon?" Tanong ko sa isang agent.

"Sir, activated na ang hydra, galing ang signal sa isang office ng spyder!" Sagot niya sa akin.

kalmado pa din ako, dahil alam ko, tutulungan ako ng anonymous sa laban na ito.

Kinuha ko ang aking cellphone at nag-send ako ng massive text messages at email na nagsasabing kumilos na kayo.

Ang ibig sabihin ko sa kumilos na kayo, ay paganahin na ang Ddos. Ang ibig sabihin ng Ddos ay Distributed Denial of Service. Ang ginagawa nito ay pabagalin o pahintuin ang online service ng isang web server. Magagawa ito sa pamamagitan ng massive online traffic na galing sa computer ng mga attacker sa pamamagitan ng software na tinatawag na LOIC (Low orbit ion cannon or HOIC 9High orbit ion cannon). kadalasan ginagamit ito pang stress test ng server, pero sa kamay ng hacker, maramin itong gamit.

Ilalagay ng mga hacker ang IP ng nasabing server sa software na kagaya ng LOIC at HOIC at kapag ready na ang lahat, ay sabay-sabay nilang i-activate ang Ddos software, para bugbugin ng data na galing sa bawat user ang targeted server.

Mas marami, mas malakas ang pwersa, yan ang tatak ng anonymous sa isang DDOS attack. At dahil maramin kaming myembro, mas matindi ang tama nito.

"Director!" Pasigaw na sabi ng isang agent.

"Bakit ano ang nangyayari?" Tanong ni Chenkov as nag-aalalang boses.

"Ma'am, bi-bigla pong bumabagal ang ating mga server!" Sagot ng agent.

"Ma'am sa server din po na isa, bumabagal din ang pasok natin online!" Sabi ng isang agent na nasa kabilang computer na may hawak ng west servers.

"Ano ba ang nangyayari?!" Tanong ni Chenkov.

"Ma'am, may umaatake po satin..."

"Ano?!"

"Ma'am! Ddos po! Galing sa iba't-ibang panig ng mundo!"

Dahan-dahan kaming naglalakd ni ilsa paatras sa control room at iniwan ko ang aming retirement letter sa mesa ni Chenkov.

Nang kami ay makalabas, agad kaming tumakbo ng mabilis sa parking lot at ginamit namin ang isang suburban na nakaparada. Tumungo na kami sa airport para pumunta sa Pilipinas. Baka kasi mautusan pa kami sa kanilang problema. Sa Pilipinas kasi namin napili para sa aming retirement, dahil nakapaganda ng klima dito at napakadaming magandang tanawin.

Habang nasa sasakyan, nagkatinginan kami ni Ilsa at nagtawanan...


I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon