Chapter 36

490 14 0
                                    

Nakapahinga na ako ng maayos kaya naman, nagtungo na ako sa Briefing room. Pagdating ko sa loob, umupo ako sa harapan kung saan nakaupo na din si Ilsa. "Nasan na si Chenkov?" Tanong ko kay Ilsa.

"Padating na daw siya, kakatapos lang kasi niyang kausapin ang iba pang mga direktor." Sagot ni Ilsa sa akin.

Nagdatingan na ang black ops, spec ops, at iba pang CIA agent. Sa kanilang likuran ay si Chenkov na nagmamadali na ding makapasok sa briefing room. Ni-lock down ng security ang buong brifeing room para wala nang makapasok pa. Isa pa, isa itong highly classified mission.

Nang masiguro na secure na ang kwarto, nagsimula na si Chenkov magsalita sa kung ano ba ang plano.

"Alam na ninyong lahat kung bakit andito tayo ngayon. Isang rouge agent ang nagbabanta sa katahimikan ng mundo. Ang agent na ito o kilala sa pangalang Zero, ay ginagamit ang pangalan ng MI6 na organization, na matagal ng na dissolve. Napag-alaman din namin na balak ibenta ni Zero ang software sa isang grupo na nagngangalang Spyder. Galing mismo ito sa bibig ng nahuli nating sniper na kaniyang kasamahan. Ang organization na Spyder ay malaki, malalim at makapangyarihan. Marami itong iligal na gawain ngunit, lagi itong nakakalampas dahil sa protektor nilang mga opisyal ng one world government. Na kung saan, sa kasamaang palad, ay kabilang tayong lahat..." Huminto panandali si Chenkov at huminga ng malalim. Pagkatapos ay nagtuloy ng muli sa kaniyang pagsasalita sa harapan.

"Mahirap tibagin ang Spyder, ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyo ito. Pero, kung mapipigilan natin si Zero, mapipigilan din natin kung ano man ang kanilang plinaplano. At kung sakali mang matuloy ang kanilang transaction. Kailangan natin silang pigilan. Sa ngayon, wala pa kaming idea kung paano kalabanin ang mga ito. Tulungan nawa tayo ng Diyos. Ang lead ng mission na ito ay si Agent Wilson at Ilsa, makipag coordinate kayo sa kanila at tulungan niyo sila sa abot ng inyong makakaya."

Nang matapos si Chenkov, tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Chenkov, pipigilan natin si Zero. Pangako ko yan sayo!" Sabi ko kay Chenkov sa mahina ngunit may gigil na tono ng pananalita.

Kailangan ko mabigyan ng assurance si Chenkov, dahil unang-una, kasalanan ko kung bakit hawak ni Zero ngayon ang software. Kasalanan ko din kung bakit hindi pa din siya nahuhuli. Kailangan kong pabanguhin ang aking pangalan at linisin ang aking kosensya.

Tumingin sakin si Chenkov at tinapik niya ako sa balikat. "Aasahan ko yan..." Sabi niya sa akin.

Sumenyas siya sa mga bantay ng kwarto na buksan na ang mga pintuan. Naglabasan na lahat ng agent at nagpunta sa kani-kanilang mga stasyon at naghanda na sa paghuli kay Zero.

Lumabas na din ng kwarto si Chenkov at nagtungo na siya sa control room.

Inaya ko naman si Ilsa na pumunta na sa armory upang maghanda na kaming dalawa. "Tara na sa armory, kailangan natin mamili ng bullet proof vest, mga baril at bala na gagamitin dito sa mission na ito. Sana matapos na toh." Sabi ko kay Ilsa.

"Sana nga, sawa na din ako sa ganitong trabaho. Gusto ko na ng bagong buhay kung saan wala ng ganitong sakit ng ulo at malayo sa panganib." Sabi ni Ilsa sa akin.

Naiintindihan ko kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ni Ilsa. Ang hirap ng mga pinagdaanan namin. Pero, imbis na ayunan ko siya, sinalungat ko ang kaniyang mga naiisip. "Wala tayong oras magkaganyan ngayon, tandaan mo, kung wala tayo o ang mga katulad natin, mapapasama ang mundo. At kahit gaano katahimik ang buhay mo, kung walang pipigil sa mga taong kagaya ni Zero. Baliwana din ang lahat."

Siya ay nagbugtong hininga at pagkatapos ay inayunan naman niya ako sa aking sinabi. "Sabagay tama ka, pasensya na, nafrufrustrate lang kasi talaga ako." Sabi ni Ilsa.

Hindi na ako nagsalita pa, sa halip ay lumakad na ako ng mabilis patungo sa armory. Sumunod naman siya agad sa akin para makapaghanda na din siya ng kaniyang mga gamit.

Pagdating sa armory, kinuha ko ang .45 caliber pistol na naka mount sa kanang storage. Kumuha ako ng walong magazine at niloadan ko ito ng double action bullets. Pinili ko din ang pinakamagandang vest na nasa disposal namin at pagkatapos ay kumuha din ako ng flash bang grenades.

Nakita kong nagkarga si Ilsa ng magnum 357 na pistol. Parehas din kami ng kinuhang vest, at naglagay din siya sa bag ng ilang granada.

Nang matapos kami sa mga small firearms at explosives. Tumungo ako sa parte ng armory kung saan nakatabi ang mga rifle. Kumuha ako ng m16 riffle at inabot ko ito kay Ilsa. Kumuha akong muli ng isa pang riffle, pero sa pagkakataong ito, Ak-47 naman ang akin. Kinasa ko ito ng paulit-ulit upang makasigurado na gumagana ito ng maayos. Ganoon din ang ginawa ni Ilsa para sa m16 riffle na aking inabot sa kaniya. Nagkarga ako ng ilang magasin ng mga riffle sa bag at pagkatapos ay lumabas na kami sa armory.

Simula ng oras na ito, opisyal ko ng kinalimutan ang pagiging magkaibigan namin ni Zero. Ito na din ang simula ng paghahanap sa kaniya at pagsugpo sa kanilang grupo. Tatapusin ko na ang kaniyang kahibangan ng hindi na makapaminsala pa.


I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon