Chapter 5

1.1K 24 0
                                    

Isang magandang boses ng babae ang aking naririnig, "Sir, gising na po kayo, nandito na po tayo." Paulit-ulit na sinasabi sa akin. Lumingon ako sa direksyon kung saan galing ang boses at nakita kong flight attendant pala ang gumigising sa akin.

Hindi ko namalayan na nakalapag na pala ang eroplanong aking sinasakyan. Sa aking pagtayo ay laking gulat ko na wala nang ibang tao sa loob kung hindi ako na lamang at ang staff na pilit gumigising sa akin. Siguro, dahil ito sa sobrang pagod ko kaya naman matindi din ang aking pagkakahimbing.

"Nako, sorry talaga..." Sabi ko sa flight attendant habang napapakamot ng ulo at natatawa sa aking kalokohan. "Nasarap lang talaga ako ng tulog, medyo pagod kasi ako."

"Ok lang po sir, tulungan ko na po kayo bumaba." Sabi ng FA sa aking habang tinutulungan akong kunin ang aking mga gamit.

Maya-maya pa ay lumapit din sa akin ang marshal ng eroplano. Inabot niya sa akin ang kahon kung saan nila inilagay ang aking baril at iba pang mga gamit. "Sir, ito na po yung gamit niyo sir. Automatic pong bubukas ang lock niyan paglabas ng airport."

"Ok, sige salamat." Sabi ko sa marshal, habang kinukuha ko ang kahon na kaniyang inaabot.

Tumungo na ako sa pinto ng eroplano upang makalabas, pero bago ako tuluyang umalis sa eroplano ay nilapitan ko munang muli yung FA. "Salamat sa pag-gising mo sa akin. Pasensya ka na kasi pagod lang ako nakakahiya naman." Sabi ko sa kaniya.

"Ok lang po iyon sir, ginagawa ko lang po ang aking trabaho." Sabi sa akin ng FA

Ilang sandali pa ay hindi ko na napigilan ang aking sarili. Hinawakan ko siya sa bewang, hinila ko siya at agad ko siyang hinalikan. Sa totoo lang, kaya ako bumalik kasi sobrang ganda niya at dahilan ko na lang ang paghingi ng pasensya.

"Bastos!" Galit na sabi sa akin ng FA at agad niya akong sinampal. "Para saan iyon?!"

"Pasalamat ko lang, hihihi." Sabi ko sa FA.

"Sir, mabuti pa umalis na po kayo!" Gigil na gigil na sabi sakin ng FA na may konting pagpipigil.

"Ok sige, salamat ulit." Sabi ko naman habang ako ay natatawa at parang nang-aasar pa. Pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas ng eroplano at nagtungo agad ako sa lobby ng airport.

Pagdating ko sa lobby ay kapansin-pansin na may taong kumakaway sa direksyon kung saan ako nakatayo. Tumingin ako sa likod at sa aking gilid, dahil baka may ibang tao siyang tinatawag, ngunit wala akong nakita na ibang nakatayo na malapit sa akin. Kumaway ako pabalik, at ang matandang babaeng kumakaway sa akin ay lumapit.

"Agent Wilson, hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong niya sa akin.

Pilit kong inalala kung sino ang tao na nasa aking harapan, nang matandaan ko na kung sino siya ay bahagya akong nagulat "Doc?!" Sabi ko sa matanda. "Kayo po ba yung nagbigay ng sulat sa akin sa ospital?"

"Oo ako nga, buti naman at naalala mo pa ako." Sabi niya sa akin, sa masayang tono ng boses.

"Hindi po ako nakakalimot sa mga taong tumutulong at nagligtas sa aking buhay."

"Mabuti naman." Sabi niya sa akin, habang tinatapik ang aking balikat. " Hindi pa ako pormal na nagpakilala sa iyo, pero sa tingin ko, mamaya na lamang tayo mag-usap. Alam kong pagod na pagod ka sa lahat ng dinanas mo."

"Sobra po..." Sabi ko naman sa matandang doktor.

"Halika, may naghihintay sa ating sasakyan sa labas." Sabi niya sa akin.

Habang kami ay naglalakad ay kapansin-pansin na may mga taong sumusunod sa amin. Nilikutan ko ang aking mga mata, at hinawakan ko ang swiss knife na nasa aking bulsa.

Hinawakan ng matandang doktor ang aking kamay na nakahawak sa kutsilyo, "Wag kang mag-alala, kasama natin sila." Sabi niya sa akin, habang patuloy kaming naglalakad.

Nakahinga ako ng malalim nang malaman kong kasama pala namin ang mga taong sumusunod sa amin. Inalis ko ang aking kamay sa pagkakahawak sa kutsilyo at kinalma ko ang aking sarili.

Pagkalabas ng airport ay may naghihintay sa aming itim na chevrolet suburban. Fully tinted ang sasakyan at mukang bullet proof ito. Nakikita ko lamang ang ganitong uri ng sasakyan kapag nasa head quarters ako ng CIA, kaya naman sa mga oras na iyon, lalo akong naguluhan.

Pagsakay namin sa sasakyan ay may narinig akong tunog na parang nag-unlock na bagay. Bigla kong naalala ang kahon na aking dala, kung saan nakalagay ang aking mga baril at iba pang kagamitan. Tunay nga na automatic ang pag-unlock ng kahon paglabas ng airport. "Astig naman nitong kahon na to." Sabi ko sa aking sarili na may pagkamangha sa kahon na aking hawak.

Habang nasa loob ng sasakyan, ipinatong ko ang kahon sa ibabaw ng aking mga hita at unti-unti kong binalik ang baril mula sa pagkaka-kalas, at pagkatapos ay niload ko na rin ang mga bata sa magasin.

"RIP bullets!" Sabi sakin ng matandang doktor.

"Yes! One of a kind po." Sabi ko naman.

"Isa sa mga balang kinatatakutan ng lahat ngayon."

"Tama po kayo."

"Pagdating natin doon, mas marami ka pang balang makikita na ganyan, at may iba pang variety yan. Meron din yang poison bullet. Sigurado ako matutuwa ka, at pwede kong kunin lahat basta kaya mong bitbitin." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Talaga ba? Hindi na ako makapaghintay." Sabi ko naman, habang patuloy na nagkakarga ng bala sa mga magasin.

Nang matapos ako ay ikinarga ko na ang dalawang baril na aking dala-dala. Isa sa likuran at isa naman ay sa holster na nakasuot sa akin na nakapaloob sa aking amerikana. Ang mga magasin naman na sobra ay ikinarga ko sa aking sinturon na pinasadya talaga para sa mga ganitong kagamitan.

"Para ka namang pupunta sa gera niyan." Sabi saking ng matandang doktora.

"Naninigurado lang ako, sa hirap na aking inabot mula ospital hanggang central, ngayon pa ba ako hindi maghahanda?" Sabi ko naman sa kaniya.

Tumingin ako sa bintana at nakita ko kung gaano kaganda ang lugar na ito. Mabundok, malinis, maraming puno, may mga baka at kalabaw na nakakalat sa malawak na bukirin na aming nadadaanan. Bihira ang sasakyan, kaya ramdam din ang linis ng hangin.

"Maaari ko bang buksan ang bintana?" Tanong ko sa matandang doktora.

"Sige..." Sagot niya sa akin.

Pinindot ko ang panel na nasa aking kaliwa at binuksan ko ang bintana. Pagkatapos ay huminga ako ng napakalalim upang namnamin ang hangin na walang bahid ng matinding polusyon.

Kahit papaano, may masayang bagay na nangyari sa akin ngayon, sa kabila ng mga pagsubok na dinanas ko, parang nawala ang hirap at pagod ko sa lugar na ito. Patuloy kong nilalasap ang masarap na simoy ng hangin at ganda ng tanawin habang kami ay bumabyahe patungo sa isang sikretong lugar.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon