Chapter 16

730 24 0
                                    

Nakarating kami eksatong 10:00 ng gabi sa abandonadong mall na sinasabi ng mga dumukot kay Ilsa. Pagdating namin sa gate, hindi muna kami agad pumasok ni Jones. Sa halip ay pinag-aralan muna naming mabuti ang lugar. Sobrang laki nito at mahihirapan kaming dalawa pagnaghiwalay kami. "Jones sa tingin ko, dapat magsama na lang tayong dalawa sa pagpasok." Sabi ko kay Jones.

"Sa tingin ko nga din." Tugon ni Jones sa akin sa mahinang boses.

Tiningnan muna namin ulit ang buong paligid, bago kami pumasok sa loob, dahil baka may mga sniper na nakapwesto dito. "Sa tingin ko clean naman." Sabi ko kay Jones.

"Oo nga, pero wag tayo pakasiguro, madilim, baka may mga nakatago diyan." Tugon ni Jones sa akin.

Tumingin ako sa aking orasan at nakita ko na 10:30 na, malapit na sa oras na itinakda na aming pagkikita. Kaya naman pinangunahan ko na ang paglalakad papasok sa nasabing gusali.

Isang pagkakamali lang, alam kong malalagay ang buhay naming tatlo sa panganib. Kaya sobrang maingat ako sa mga oras na ito.

pagdating namin sa loob, kapansin-pansin ang dilim ng paligid, at napakalawak din nitong lugar na ito. Mas malaki pa kesa sa aming inaasahang sukat.

Huminto kami ni Jones sa paglalakad at tumayo sa gitna ng parking lot. Dito; kami ay naghintay sa mga kausap naming tao.

"Jones, maging listo ka." Bulong ko kay Jones.

"Ok, ikaw din" Bulong ni Jones pabalik.

Maya-maya pa ay may narinig kaming umaandar na mga sasakyan galing sa malayo. Palakas ng palakas ang tunog at papalapit ito ng papalapit. Ilang sandali pa ay nakita na namin ang ilaw ng mga ito. Tatlo ang bilang ng SUV na pumasok sa parking kung saan kami ay nakatayo ni Jones. Pinalibutan kami ng tatlong sasakyan at pagkatapos ay huminto ang mga ito. Isa sa aming harapan na nakatutok ang headlight at naka-high pa ang mga ito. Ang dalawa naman ay sa aming magkabilang gilid. Silaw na silaw kami sa ilaw ng sasakyan kaya naman hindi din namin sila makita ng maayos.

Narinig kong bumukas ang pinto ng sasakyan na nasa aming harapan, at nagbabaan ang mga sakay nito.

"patayin niyo yung ilaw" Sabi nung isang bumaba sa sasakyan.

"Salamat naman at naisipan niyo din patayin yung ilaw." Sabi ko sa kanila.

"Pagpaumanhin niyo aking mga kaibigan." Sabi nung bumaba.

"Hindi mo kami kaibigan! Ngayon! Nasan ang kasama namin?" Tanong ko sa kanila.

"Ligtas siya doon."

"Anong ibig sabihin niyo ng doon?"

Sabi ko na nga ba at hindi nila dadalahin si Ilsa dito. Inis na inis na talaga ako at sa totoo lang kanina ko pa gustong bumunot, problema nga lang, naka pwesto na sila. Baka mas lalo pa kaming mapahamak na dalawa.

Hindi na sila nagsalita pang muli ang tumayo lamang sila sa aming paligid. Medyo naguguluhan kami ni Jones at bakit ganon lang ang kanilang ginagawa, para bang may hinihintay silang tao.

"Jones, hindi maganda ang kutob ko dito." Sabi ko kay jones sa pabulong na tono ng pananalita, habang dahan-dahan kong inilalagay ang aking mga kamay sa secret pocket ko kung saan may nakalagay na .22 black widow revolver.

"Ganun din ako agent Wilson." tugon niya sa akin sa pabulong din na tono ng boses.

Sinubukan ko silang kausapin ulit, dahil baka naman may magsalita na. "Uhm, guys! Baka pwedeng magtanong kung ano na gagawin natin dito?" Ngunit wala pa din sumagot sa kanila. Ganun pa din, nakatayo sa aming paligid habang nakatutok ang matataas na kalibre ng baril nila sa amin.

Habang nakatayo kaming lahat at naghihintay ng kung ano ang mangyayari. Nakita kong biglang may inabot na telepono ang isa sa mga kindaper sa taong nasa harap namin na tila ba siya yung leader ng squad. Kinabahan ako dahil bigla niyang itinaas ang kaniyang mga kamay na tila ba magbibigay ng signal na barilin na kaming dalawa ni Jones. Maya-maya pa ay bigla akong may narinig na malakas at mabilis na tunog ng hangin. Pagkatapos ay nakaramdam ako ng hapdi sa aking likuran na tila tusok ng isang malaking karayom. Unti-unti akong nawalan ng malay, at dahan-dahan ding nawala ang aking pakiramdam at pagkatapos ay bumagsak na ako sa lapag.

Hindi ko na alam ang nangyari ng mga oras na iyon, at hindi ko na din alam kung ano ang nangyari kay Jones. Pero isa lang ang naiintindihan ko, nasa panganib ang buhay naming lahat.

Alam kong hindi pa kami patay dahil kahit medyo hilo ako at parang walang malay, nararamdaman ko na may bumubuhat sa aking mga tao. Ipinasok nila ako sa sasakyan at ako ay kanilang pinosasan.

Narinig ko ang pag-start ng mga sasakyan at naramdaman ko din na umandar na ang mga ito. Ngunit wala talaga akong lakas para bumangon man lang at makita kung saan nila kami dadalahin.

Binilang ko ang bawat liko ng mga sasakyan, tinandaan ko kung san ito liliko at binilang ko sa pamamagitan ng pagbibilang ng segundo kung gaano ang pagitang ng oras ng bawat liko. Sa ganitong paraan, matatandaan ko kung saan ako dadaan kung sakali man na makatakas ako sa mga taong ito.

Huminto ang sasakyan at tila isinakay ito sa isang barko. Sa pagkakataong ito, hindi ko na mabibilang ang direksyon kaya naman tumigil na ako sa aking ginagawa.

Ang tindi pa din ng tama ng pampagroge na ibinaril sa amin, kaya naman hindi pa din ako makatayo ng husto. Isa pa, naka posas din ang aking mga kamay.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong huminto na ang barko at umandar ng muli ang mga SUV na sinasakyan namin. Ramdam ko na medyo rough road na ang dinadaanan namin. Parang bulubundukin ito. Hindi kaya isasalvage na kami ng mga ito? "Alam niyo! Patayin niyo man kami, hindi pa din kayo magtatagumpay, dahil sigurado ako na may papalit sa aming mga agents." Sabi ko sa sarili ko.

Naramdaman kong huminto ang SUV at narinig ko din na nagbukasan na ang mga pinto at pinatay na nila ang mga makina. Sa oras na ito, alam kong katapusan ko na, pero hindi na din ako natatakot dahil simula pa lang na pumasok ako sa ganitong trabaho, alam kong kasama ang kamatayan sa pinirmahan ko.

May humawak as aking paa at hinila ako papala bas ng SUV, sa mga oras na ito medyo may malay nako at nawawala na yung epekto ng gamot. Tama nga ang aking hinala na nasa liblib na lugar kami, tamang tama ang lugar na ito para kami ay patayin.

Nakita ko si Jones sa tabi ng kabilang sasakyan. Tinakluban nila ang kaniyang ulo ng isang itim na tela, at pati na din ang aking ulo. Wala akong makita, ngunit may naramdaman ako na may itinurok nanaman sa akin at muli akong nawalan ng malay.


I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon