Chapter 7

1K 22 3
                                    

Dumating na kami ni Ilsa sa Beijing, kung saan dito na magsisimula ang aming paghahanap sa grupo na responsable sa pagkamatay ng boss ko, at pagkawala ng mga importanteng dokumento ng CIA. Sabi kasi sa mission order na kakabasa ko lamang nung nasa eroplano pa kami. Isa ang mga Chinese sa pinakamagaling na hacker sa buong mundo, at sigurado ang intel namin na may mga Chinese hackers na member din ng anonymous.

Huminto ang aming taxing sinasakyan sa isang lumang town dito sa Beijing, pilit kaming pinapababa ng driver dahil ayon sa kaniya, ang pupuntahan naming lugar ay isa sa pinakadelikado sa Beijing. Hindi na niya nga kami pinagbabayad pa ng bill, basta lamang daw bumaba na kami ay ayos na.

Sa totoo lang, hindi naman siya nagkamali sa kaniyang desisyon. Ang lugar na ito ay pinamumugaran ng pinakamatitinik na drug lord at sindikato sa buong China, na kung saan maraming tao ang napapatay lalo na ang mga dayo.

Sinadya naming piliin ang lugar na ito, dahil magandang magtago dito para hindi mahalata na kami ay mga spy. Napakarami ding eskenita o lagusan patungo sa iba't ibang kalsada. Mas maraming daan, mas maraming pwedeng takbuhan, ano man ang mangyari. Isa pang rason ay dahil sa mga ganitong lugar din makikita yung mga taong nagtratrabaho sa black market tulad ng mga hacker.

Binuksan ko ang pinto ng taxi, "Ilsa ikaw na makipag-usap sa driver, kukunin ko lang ang mga gamit sa trunk." Sabi ko kaya Ilsa, at pagkatapos ako ay tumungo ako sa likod nang sasakyan upang kunin ang aming mga gamit. Mabigat kasi ang mga ito, at bilang isang gentleman, ayaw kong si Ilsa ang magbuhat ng mga ito kahit ba sabihin pa niyang kaya niya.

Pagbukas ng pinto ng trunk ng sasakyan ay una ko munang kinuha ang pinakamabigat at pinakamalaking bagahe naming dalawa. Sumunod naman ay kinuha ko ang backpack ko at sinukbit ko ito sa aking likuran. Panghuli ay kinuha ko naman ang backpack ni Ilsa at sinukbit ko ito sa kanan kong balikat. Sinarado ko ng muli ang pinto ng trunk at binalikan ko si Ilsa habang bitbit ko ang dalawang backpack at hila-hila ko ang trolley bag. "Ano honey? Ok na ba?" Sabi ko kay Ilsa sa malambing na tono ng pananalita.

"Yes, honey, ok na... Ayaw talaga niya magpabayad." Tugon naman ni Ilsa sa akin. Bumaba na din siya ng sasakyan, at isinara na ang pinto ng taxi. Agad na humarurot ang taxi na akala mo ay may humahabol sa kaniyang tanke na pangdigma. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ilsa at nagtawanan. Hindi namin inexpect na ganun katindi ang takot ng mga tao sa lugar na ito.

Kumapit si Ilsa sa aking braso at tumingin siya sa akin, "Tara na?" Sabi niya sa akin, habang hinahatak ako para maglakad na.

"Ok, sige tara na, gusto ko na din magpahinga muna." Tugon ko naman sa aking partner.

Lumakad kami at tumungo sa isang eskenita sa aming kaliwa. Napakasikip ng daan kaya naman nahihirapan akong bitbitin ang mga gamit. Mga ilang sandali pa ay may lumapit sa amin, "Pare kamusta!?" Sabi niya sa akin, habang papalapit ng papalapit.

Ibinaba ko ang dalawang backpack at pinahawak ko kay Ilsa ang trolley. "Honey, pakihawakan muna, alam mo namang importante satin yan." Sabi ko kay Ilsa. Pagkatapos ay niyakap ko ang taong bumati at lumapit sa amin.

"Kamusta agent Jones!" Sabi ko sa kaniya habang nakayakap ako. Si agent Jones, nga pala yung nakapartner ko sa Afganistan nung may pina assasinate samin na terorista. Hindi na kasi nakakapag bigay yung terorista ng pera sa CIA kaya ayun. Pinatahimik na. Matinik ang agent na ito, kaya naman siya ang napili ko na tumulong sa amin.

Bumitaw na kami sa pagkayakap sa isa't-isa at tinanong niya ako tungkol sa mission na ito. "Sigurado ka na ba dito? Alam mong walang maidudulot na maganda ang paghihiganti agent Wilson." Habang kinukuha niya sa lapag ang dalawang backpack.

"Oo! Kilala mo ako, hindi ako matatahimik hanggat hindi ko alam ang katotohanan. Isa pa, national interest din ito." Sagot ko sa kaniya. "Nga pala, si agent Ilsa, ang bago kong partner. Magpapanggap siya na asawa ko." Pabulong kong sinabi kay Jones. Tumingin kaming dalawa sa kaniya at nagtawanan.

"Anong tinatawa-tawa niyong dalawa diyan?!" Medyo iritableng tanong ni Ilsa, habang nakakunot at nakatitig sa amin.

"Ah! Wala yon, may naalala lang kaming dalawa sa mission namin dati."

Pagkasukbit ni Jones sa aming mga gamit, ay inabot niya ang kaniyang kamay kay Ilsa at pormal siyang nagpakilala. "Agent Jones nga pala..."

"Agent Ilsa..." Sagot niya at kinamayan naman niya si Jones.

"Tara sumunod kayo sakin..." Sabi ni Jones sa aming dalawa.

Pinangunahan ni Jones ang paglalakad sa eskenita at dinala niya kami sa aming apartment na titirahan habang kami ay nandito sa China.

"Andito na tayo!" Sabi ni Jones, habang binubuksan niya ang gate ng aming titirahan. Hindi na masama para sa mga katulad naming sandali lamang mamamalagi sa lugar na ito. Isa pa, maganda ang napili ni Jones, dahil ang entrada ng apartment ay maliit lamang na kasya ang isang tao. Pasukin man kami ng kalaban, ay makakalaban kami ng sabayan. "Tara pasok kayo." Pag-anyaya ni Jones matapos buksan ang gate.

Pagdating namin sa loob ng apartment ay kitang-kita ang ginawa ni Jones na paghahanda para sa mission na ito. Naka install na lahat ng computers, cctv, at lalagyanan ng mga baril. Naka ayos na din ang maliit na mesa na pwede naming gawing dining at meeting table kung kailangan. May maliit din na lugar kung saan may nakalagay na gym equipment at punching bags, para kami ay makapag exercise. Pero! Ang pinakapaborito ko sa lahat... Ang kwarto, may dalawang kwarto dito kung saan ang isa ay para kay Jones, at ang isa naman ay para sa aming dalawa ni Ilsa. Pumasok ako sa aming kwarto at tinawag ko si Ilsa. "Honey... Halikana sa kwarto..." Sabi ko kay Ilsa na may mapang-asar na tono ng pananalita.

"Muka mo honey! Sa labas lang tayo mag-asawa, pero dito hindi!"

"Weeee?"

"Leche! Tigilan moko!" Sabi ni Ilsa sakin, na tila asar na asar na sa aking ginagawa.

"Ito naman hindi mabiro" Sabi ko kay Ilsa habang inaayos ko ang aking mga damit sa kwarto.

Pagkatapos kong ayusin ang mga damit ay tumungo ako sa labas ng kwarto at kinuha ko ang trolley, dinala ko ito sa tabi ng ng isang malaking kabinet na hinanda ni Jones. Binuksan ko ang bag mula sa pagkakalock nito at unti-unti kong inilabas ang mga baril, bala at pampasabog na aming gagamitin, kung hihingin ng pagkakataon.

Una ko munang inilagay ang mga magasin at bala sa ibabang parte ng kabinet, kung saan madali itong makuha. Ang sniper riffle at tatlong 9mm naman ay ikinarga ko sa mount na naka-install sa kabinet. Ang nakakalas naman na m14 ay ipinatong ko lang sa mesa na malapit sa kabinet na ito para i-assemble ni Ilsa mamaya. Ang anim na kahon ng bala naman ay nilagay ko sa isang drower na nasa loob din ng kabinet, at ang pangpasabog naman ay maingat kong inilagay sa mesa katabi ng m14.

"Hindi ka handa ah?" Sabi ni Ilsa sakin na may kaunting pagkasarcastic, habang hinihimas ang m14 na baril na kaniyang bubuuin. "Pero ok din yan, naimpress ako. At least, alam kong ready lagi ang bago kong partner."

Natuwa naman ako sa sinabi ni Ilsa, kaya naman ako ay nagpasalamat at ngumiti sa kaniya. "Salamat partner, ikaw lang pumuri sakin ng ganyan."

Habang nag-uusap kami ni Ilsa ay biglang lumapit si Jones. "Guys! May natanggap akong email mula sa isa kong asset, may isa daw hacker na may binebentang documents sa black market, million daw ang halaga nito. Baka ito na yung hinahanap natin."

Tumingin ako kay Ilsa at pagkatapos ay kay Jones naman. "Guys! It's time to work!" Sabi ko sa dalawa, "Alam mo ba kung saan sila magkikita-kita?" Tanong ko kay Jones.

"Sa isang hotel daw sa City proper..."


I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon