Chapter 33

485 14 0
                                    

Naghahanda na ang lahat para sa maisagawa na ang plano naming pagpasok sa main CIA compound kung saan nakalagay ang server na kailangan namin i-breach. Nire-ready na namin ang mga gadgets at software na kakailanganin sa oras na makapasok kami sa building.

"Kapag nakapasok tayo, wala ng atrasan, kahit anong mangyari, tatapusin natin ito." Sabi ko kay Zero at Ilsa, habang nakaupong naghihintay sa iba pang agents na sasama.

"Oo, wala ng atrasan to!" Sabi ni Zero.

Napansin kong tahimik lamang si Ilsa, tila may malalim siyang iniisip. "Ilsa ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo, ayos lang ako." Sabi niya sa akin, pagkatapos ay yumuko siya at nagbugtong hininga. "Pano ba naman, lilipad na tayo ngayon patungo sa US na hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin."

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Ilsa, pero kailangan niyang maging matatag sa mga ganitong sitwasyon para maging matagumpay kami sa aming mission.

"Ilsa!" Tinawag ko ang kaniyang pangalan at nilapitan ko siya sa kaniyang kinauupuan. "Kayang kaya natin yan! Sus! Wala ka bang bilib sakin?" Sabi ko sa kaniya sa mayabang na tono.

Habang kami ay nag-uusap usap, may pumasok na tatlong MI6 sa loob ng control room. Napakadaming gamit ang dala ng mga ito at bihis na bihis na din silang lahat.  "Ready na kami!" Sabi nila.

Tumayo na kaming tatlo at tumigil na sa aming usapan. Tumungo kami sa labas kung saan nakaparada ang aming sasakyan at sumakay na kaming anim sa loob.

Nang kami ay nakasakay na; may iniabit sa aming bagay si Zero, mukha itong injection pero may grip ito na parang isang baril. "para saan ito Zero?" Tanong ko sa kaniya.

"Injectable tracking device yan, para pagdating natin sa America, ano man ang mangyari sa kahit na sino sa atin, mahahanap pa din natin ang isa't-isa." Sagot niya sa akin at pagkatapos ay tinurukan niya ng tracking device ang kaniyang kaliwang braso. "Wew! Medyo mahapdi lang, pero alam kong kaya niyong tagalan iyan."

Ginaya namin ang ginawa ni Zero, itinutok ko ito sa aking kaliwang braso at pagkatapos ay kinalabit ko ang gatilyo nito na parang isang baril. Aaminin ko sa una, parang nakakatakot, kasi para kong babarilin ang aking sarili, pero nung nagawa ko na, natuklasan kong hindi naman pala ito masakit. Pagkatapos ay iniabot namin sa kaniya ang cartridge ng tracking device. "Oh, eto na... Hindi naman pala masakit eh..." Sabi ko kay Zero.

"Ang yabang mo naman! Masakit kaya..." Sabi niya.

Tapos na ang lahat mag inject ng tracking device at kitang-kita din na handang handa na sila sa aming lakad. "Tara na, baka hindi tayo umabot sa airport." Sabi ng tatlo pa naming kasama.

"Ok! Eto na!" Sabi ni Zero, at pagkatapos ay pumunta na siya sa harapan para paandarin ang sasakyan.

Umandar na ang aming van, at mula sa likurang bintana, nakikita kong unti-unti na kaming lumalayo sa nasabing hq. Bawat pagkakaron namin ng distansya sa building na ito, lumalapit na din ang oras ng isang napakadelikadong mission.

Habang nasa loob ng sasakyan, ako, si Ilsa at ang iba pa naming kasamahan ay nagkakantahan at nagkakasiyahan. Malaya kaming nakakapagbiruan, at nakakapagtawanan. May kasabihan tayo, ang lahat ng bagay na sobra, laging may kapalit yan. Sobrang saya namin sa loob habang bumabyahe, baka ang susunod nito ay labis na kalungkutan. Huwag naman sana, dahil kapag may nabawas pa sa amin, o kapag nasaktan si Ilsa, ay hindi ko na kayanin.

Makalipas ang isa at kalahating oras, nakarating na kami sa airport. Isa-isa kaming bumaba ng sasakyan, at kinuha na namin ang aming mga gamit. Pagkatapos ay sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng airport.

Sa pagkakataong ito, dire-diretso na kaming nakapasok dahil wala naman na kaming dalang mga armas. Iniwan na namin lahat ng baril at bala sa hq, dahil pagdating namin sa America, may mga tao naman si Zero na naghihintay sa amin doon at magproprovide sila ng mga armas para sa amin.

Pagdating namin sa loob ng eroplano, sakto naman na ang seat number namin ni Ilsa ay magkatabi, umupo na kami at natulog muna, dahil mahaba-haba ang byahe namin. Magpapahinga na kami ng maayos, kasi pagdating namin doon, siguradong bakbakan na. Ito yung sinasabi namin na calm before the storm.


I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon