Chapter 12

779 19 0
                                    

Nakaupo kami ni Ilsa sa isang park, na punong-puno ng mga halaman, at napakaraming tao na nag-jojogging. Kahit gabi na, napakarami pa din ng tao dito, at buhay na buhay ang lugar na ito. Sa bagay, sino ba naman ang hindi mabibighani sa romantikong lugar na ito na puno ng ilaw at magagandang dekorasyon. Kahit siguro ako, kung dito ako nakatira, baka araw-araw o gabi-gabi din akong nandito para tumambay o magjogging. Baka nga dalahin ko din dito madalas ang aking kasintahan kung meron man.

Pero ngayon, hindi date ang ipinunta namin ni ilsa dito. Dahil sa tawid lamang ng park na ito, ay makikita ang isang retaurant na nagngangalang little beijing. Nag-iisang luma na restaurant na posibleng pag meetingan ng mga taong hinahabol namin.

Ngunit may problema kami. Napakaraming tao ang kumakain dito. Pano kaya namin malalaman kung sino si macubex dito.

Kinontak ko si Jones sa pamamagitan ng maliit na radyo na kaniyang binigay sa amin ni Ilsa. Sa sobrang liit, pwede itong ipin sa aming mga kwelyo. "Jones, kamusta ka sa posisyon mo diyan?" Tanong ko sa kaniya.

"Ayos naman ako dito, wala pa akong kakaiba na napapansin." Sagot ni Jones sa kabilang linya. Nakatayo kasi si Jones sa isang poste na malapit sa restaurant. Kung sakali kasi na may ibang kilos ng mga tao, agad niya kaming sesenyasan at pupuntahan namin siya para tulungan.

Habang naghihintay, inangat ko ang aking braso at inakbay ko ito sa mga balikat ni Ilsa. Hindi naman siya kumibo kaya sa tingin ko, ok lang. "Ilsa, pagkatapos nitong mission na to, ano balak mo?" Tanong ko sa kaniya, habang tinititigan ko ang mala anghel niyang mukha.

"Baka mag resign na ako..."

"Ganon ba? Parang gusto ko na nga din itigil ang ganitong trabaho..."

"Parehas pala tayo! Siguro ako, baka magtayo na lang ako ng business or magtrabaho bilang isang teacher."

"Ako ang pangarap ko ngayon, pagkatapos siguro na lahat..." huminto ako panandali at huminga ng malalim. "Yung makasama kita pero, hindi na sa ganitong bagay."

Lumingon si Ilsa sa akin at natawa "Alam mo ang corny mo!" Sabi niya sa akin habang tumatawa ng malakas. "Pero, sabagay, ok din naman yun, para may katulong ako mag business..."

Habang nag-uusap kaming dalawa ni Ilsa, biglang nagsalita si Jones sa kabilang linya. "kayong dalawang love birds diyan, tumigil na muna kayo. Tumingin kayo sa harapan ng restaurant. Andun na yung hacker na may-ari ng cellphone."

Binaling namin ni Ilsa ang aming antensyon sa harap ng little beijing, at doon nakita namin ang hacker na may kausap na taong nakahood. Hindi namin makilala dahil natatakpan ng hood ang kaniyang mukha.

"Si macubex na siguro yan." Sabi ko sa dalawa kong kasama. Tumayo kami ni Ilsa mula sa pagkakaupo sa isang bench sa park, at tumawid kami patungo sa kabilang side ng kalye para makalapit sa dalawang nag-uusap.

Nang kami ay papalapit na, biglang pumasok ang dalawang nag-uusap sa loob ng little beijing. Sinenyasan ko si Jones na sumunod na agad sa loob.

Nang kami ni Ilsa ay tuluyan ng makatawid, naghawak kami ng kamay upang isipin ng mga tao na kami ay mag-asawa. Pagkatapos ay pumasok kami sa little beijing at tumungo kami sa table na kinuha ni Jones, para sa aming tatlo.

"Ang layo naman ng kinuha mong table?" Tanong ko kay Jones sa pabulong na tono ng pananalita habang palihim na nakatingin sa aming target. "Nakahood yung tao, hindi natin makikilala yan kung hindi tayo malapit sa kaniya."

"Ito yung binigay sakin na table nung waiter, ano magagawa ko?" Sagot ni Jones sa akin sa pabulong din na paraan ng pananalita, habang kunwaring tumitingin ng kaniyang oorderin. "Isa pa, ok na din yan, kasi baka makatunog na sinusundan natin sila. Matakbuhan pa tayo agad."

"Oo nga Wilson, may point din naman si Jones." Pag-ayon ni Ilsa kay Jones.

"OK, sige... Basta wag niyong aalisin ang focus niyo sa mga target natin." Sabi ko naman sa kanila.

Mga ilang sandali pa ay tumayo ang taong nakahood at pumunta ito sa c.r. sa pagkakataong iyon inutusan ko si Jones na puntahan ang isa pang target na naiwan sa mesa. "Jones, puntahan mo yung naiwan sa table, wag mo na patakasin."

Tumayo si Jones at nilapitan ang target, umupo siya sa tabi nito at tinutukan niya ng .22 caliner na baril. Maliit lang kasi ang mga ganitong klase ng baril kaya maganda itong gamitin sa ganito kataong lugar. Madali itong itago at hindi masyado malakas ang putok nito. Ngunit gaano man ito kaliit, hindi pa din pwedeng magkamali ang tututukan nito, dahil baril padin ito at nakamamatay.

Tumuya kami ni Ilsa mula sa aming pagkakaupo at tumungo kami sa c.r. "Ilsa, maiwan ka dito sa entrada, ako na ang papasok. Magbantay ka diyan, wag ka magpapasok ng kahit na sinong tao." Sabi ko kay Ilsa.

Pumasok ako sa c.r. at binunot ko ang aking baril na 9mm, kinabit ko ang silencer at inisa-isa ko ang cubicble ng nasabing banyo.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng una sa tatlong cubicle (tunog ng pinto na bumubukas), nang mabuksan ko ito ng tuluyan, nakita kong bakante ito. Pinuntahan ko ang sumunod na cubicle at nakita kong bukas na bukas ang pinto nito at walang tao sa loob. Pagdating ko sa tapat ng ikatlong cubicle, naka lock ito. Sumilip ako sa ilalim at nakita kong walang tao dito. Pero bakit nakalock ang cubicle? Samantalang sa loob lang naman ito mailalock. Tinadyakan ko ito at kumalabog ng malakas, pagkatapos ay nagiba ang pintuan ng cubicle. Nagkadurog-durog ang mga hinges at locks ng nasabing pinto at nagkabasag-basag ang kahoy na pinagkakabitan nito.

Pumasok bigla si Ilsa sa loob ng banyo na dala-dala ang kaniyang baril. "Anong nangyari? Ano ang tunog na iyon?" Tanong niya sa akin.

"Tinadyakan ko yung pinto ng pangatlong cubicle para masira na, dahil ito na yung huling cubicle na posibleng kinaroroonan ng lalakeng naka hood. Pero laking gulat ko na walang tao dito." Sagot ko kay Ilsa na may konting pagkafrustrate. "Lintik! Saan kaya nagpunta yon?"

Itinuro sakin ni Ilsa ang isang bintana sa gilid sa taas ng cubicle. "Wilson, tumingin sa taas na gilid. Sakto lamang ang katawan ng isang tao diyan para makalabas." Sabi sakin ni Ilsa.

"Tila ata madulas ang mokong na taong yan..." Sabi ko kay Ilsa.

Dahil inis na inis na ako, dali-dali akong lumabas sa c.r. at agad akong tumungo sa kinaroroonan nila Jones. Kinapitan ko ng madiin sa braso ang hacker na naiwan at binitbit ko siya sa labas. Pagdating namin sa labas. Tinutukan ko siya ng dala kong 9mm sa tagiliran na aking ikinubli sa jacket na aking suot-suot ng mga oras na iyon.

Tumawid kaming apat papunta sa park at sa isang gilid ay nakaparada ang aming van. Binuksan ko ang pinto sa likod ng van at ibinalibag ko ang hacker na aking bitbit-bitbit.

"Magdasal ka na ngayon, at siguraduhin mong marunong kang magsabi ng totoo, dahil kung hindi! Pupulutin ka sa isang ilog na hiwa-hiwalay ang iyong katawan!" Sabi ko sa hacker sa galit na galit na pananalita at may matinding pagbabanta.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot, kaya nararamdaman ko na magsasabi siya ng totoo sa kung anu man ang aming itanong sa kaniya. Ngunit sa loob ng takot na iyon, kitang-kita ko din sa kaniya na blankong-blanko siya. Para bang wala siyang alam sa kung ano ang nangyayari at kung bakit nasa ganitong sitwasyon siya ngayon.

Pagkatapos ko siyang kausapin at pagbantaan. Isinara ko ang pinto sa likod ng van at kinandado ko ito, para hindi na siya makatakas pa. Pinalitan ko ang plate number sa likuran ng sasakyan at tumungo ako sa harapan kung saan naghihintay sakin si Jones at Ilsa.

Pumasok kaming tatlo sa loob ng sasakyan. Pagkatapos ay pinaandar na ni Jones ang makina at tuluyan na kaming umalis sa lugar.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon