Chapter 23

629 22 0
                                    

Nakapasok na ako sa loob ng CIA office at andito ako ngayon sa 8th floor sa labas ng elevator. May kinabit akong gadget para ma stock ang elevator, habang ginagawa ko ang aking mission. Isa pa, sa ganitong paraan, madetect man nila na may kakaibang nangyayari, mahihirapan ang iba na rumesponde agad dahil hindi bababa ang elevator hanggat hindi ko inaalis ang gadget na magnetized na nakakabit sa panel.

Bago ako magsimula, sinet ko ang timer ng aking relos sa 15 minutes. Ito lang ang kailangan kong oras para matapos ang mission. Kung lalagpas pa ako dito, magkakaron ng mataas na chance na mahuli kami.

May tatlong hallway sa building na ito, isa sa aking kaliwa, isa sa aking kanan, at isa sa aking harapan. "Jones, saan ako dapat pumasok? may tatlong hallway dito..." Tanong ko kay jones sa mahinang boses habang nakahawak sa aking communicator na naka-pin sa aking kwelyo.

"Sa kanan yung security, sa gitna yung office at sa kaliwa yung stockroom." Sagot ni Jones sa kabilang linya.

"Ok, copy!"

Lumakad ako patungo sa kanang hallway at nakita ko ang isang pinto kung saan may nakalagay sa taas na nagsasabing "security room".

Kinuha ko ang sleeping grenade sa aking bulsa at dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pagkatapos ay ibinato ko ito sa loob, at isinara ko ang pinto at hinawakan ko ito ng buong pwersa para walang makalabas.

Bumilang ako ng 60 seconds at pagkatapos ay binuksan ko nang muli ang pinto at ako ay pumasok na. Sa aking pagpasok, nakita ko ang tatlong security personel na mga wala ng malay. Inayos ko muna sila sa pagkakaupo at pagkatapos ay minamipulate ko na ang mga footage ng CCTV. Dinisable ko ang recording para sa oras na ito at pagkatapos ay pinatungan ko ito ng mga naunang recording ng CCTV upang hindi mahalata na may nawawalang parte sa footage. Pagkatapos ay pinalitan ko ang oras nito at sinet ko sa oras na kasalukuyan.

Pagkatapos kong i-set ang secuirty and monitoring, pinulot ko ang basyo ng sleeping grenade at inilagay ko itong muli sa aking bulsa. Kailangan kasing malinis ang aming galaw at dapat walang maiwan na evidence. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at inilock ko ang pinto nito.

Tumungo ako sa stockroom ng nasabing floor at sa aking pagpasok, inilock ko ito mula sa loob. Tumingala ako upang hanapin ang access area ng ventilation ng floor na ito, at sa kabutihang palad, nakita ko ito sa bandang sulok ng kwarto. Inusad ko ang isang bakal na shelve na pinagpapatungan ng iba't ibat klaseng dokumento. Pagkatapos ay ginawa ko itong hagdan para maabot ko ang takip ng ventilation. Pagdating ko sa tuktok kung saan abot na abot ko na ang takip. Tinuklap ko ito at ibinaba sa ibabaw ng shelve ang takip na yero na aking hawak at pagkatapos ay pinagkasya ko ang aking sarili sa loob ng ventilation.

Gumapang ako patungo sa itaas ng office ng director, nang makarating ako dito, kinuha ko ang isa pang sleeping grenade na nakalagay sa aking bulsa at ipinuwesto ito sa butas ng ventilation. Kitang kita ko pa na may kausap ang director kaya sigurado ako na hindi niya mapapansin o maririnig man lang ang aking ginagawa.

Nang maipwesto ko na ang sleeping grenade, tinalian ko ang pin nito ng isang sinulid at pagkatapos ay dahan dahan akong bumalik sa stockroom. Ibinalik ko ang takip ng ventilation at ibinalik ko din sa dati ang bakal na shelve. Pagkatapos ay hinila ko ang sinulid na aking hawak, dahilan para marelease ang sleeping grenade at umusok ito patungo sa opisina ng director.

Lumabas ako ng stockroom at tumungo ako sa harapan ng pinto ng opisina at pagkatapos ay bumilang din ako ng 60 seconds. Sa aking pagbibilang napansin ko na ang laki na pala ng nabawas sa oras ko "Shit nakaka 7 minutes na ako, kailangan ko na magmadali!" Sabi ko sa aking sarili. Bawasan mo pa ng 60 seconds, ibig sabihin, meron na lamang akong 6 minutes para ma install ang key logger.

Nang matapos ang 60 seconds, agad akong pumasok sa kwarto at nakita ko ang director na wala ng malay sa kaniyang upuan.

Tumungo ako sa ilalim ng mesa kung saan nakalagay ang CPU ng direktor, pagkatapos ay binuksan ko ito at nag install ako sa motherboard ng bagong usb female socket, pero syempre, hindi ko ito ilalabas para hindi mahalata, hahayaan ko lamang ito sa loob ng CPU. Nang matapos ko nag install ang female USB socket, ikinabit ko naman agad ang maliit na USB transmitter na may naka install na keylogger, at pagkatapos ay ibinalik ko na sa dati ang CPU.

"Shit 3 minutes na lang!" Sabi ko sa aking sarili nang makita kong iyon na lamang ang oras ko para tapusin ang mission na ito.

Pinindot ko ang power ng CPU at hinintay ko itong magbukas at magload ang desktop. Ang bilis ng tibok ng aking dibdib dahil bawat segundo ngayon ay mahalaga na para sakin. Bumukas na ito sa wakas at nagload naman agad ang desktop ng PC, ngunit pagtingin ko sa aking orasan, dalawang minuto na lang ang natitira para sa akin.

Ang tindi ng pagtulo ng aking pawis sa loob ng maskara na aking suot suot habang ininstall ko ang program at ina-allow ko ang access ng key logger sa network ng CIA office. Nang matapos sa lahat ng aking ginawa, agad kong shinutdown ang PC at dali dali akong tumakbo tungo sa elevator dahil meron na lamang akong 30 seconds para umalis sa floor na ito.

Pagsakay ko sa elevator, tinanggal ko ang magnetized na panel disabler at pinindot ko ang underground parking button ng elevator. Nang ako ay makababa, saktong sakto na ubos na ang aking oras.

Pagbukas ng pinto ng elevator, lumakad ako ng normal na parang walang nangyari at tumungo na ako pabalik sa aming van.

"Ilsa" Sabi ko sa likod habang kinakatok ang van. Pagkatapos ay bumukas na ito at mabilis na akong pumasok sa loob. Hinubad ko ang nanlilimahid na maskara dahil sa aking pawis at inilapag ko ito sa isang sulok sa loob ng sasakyan at pagkatapos ay uminom ako ng pagkalamig laming na tubig.

Inistart ni Jones ang sasakyan at pinaandar na niya ito papaalis ng building.

Makalipas ang ilang oras habang binabaybay namin ang higway pabalik sa isang mini HQ na aming sinetup, may natanggap kaming mensahe mula kay zero. "Guys! Successful! Nakuha ko na yung access code ni Miles!" Sabi niya sa isang text message.

Agad kong pinindot ang remote detonator para mag self-destruct ang mini usb na aking ikinabit. Hindi naman ito sasabog ng malakas kaya hindi ito mapapansin ng kahit pa mismong tao na gumagamit nung PC. Isang maliit na usok lang at ok na. Kailangan kasi itong sirain dahil kung hindi, madedetect ng CIA kung saan at kanino galing ang gadget na ito.

Sobrang natuwa kami sa narinig at nagdesisyon kaming tatlo na magcelebrate muna sa kung saan. Hindi kasi biro ang ginawa naming ito at maswerte kaming makakauwi pa.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon