Chapter 39

461 14 0
                                    

Lumapag ang black hawk na aming sinasakyan sa mismong heliport ng building kung saan naka check-in si Zero. Walang ingay, walang bigat, at hindi kapansin-pansin ang paglapag ng sasakyang ito na nagsisimbulo ng kapangyarihan sa himpapawid.

Ang ibang black hawk ay lumapag sa mga building na nakapalibot sa kinatatayuan namin ngayon. Magmimistulang sniper at bantay ang mga taong bumaba mula dito. At kung sakaling makatakbo nanaman si Zero, bala na nila ang hahabol dito.

Nakapag set-up na din ng tatlong drone sa paligid, kung saan nakarecord ang mukha at sukat ng katawan ni Zero sa kahit anong angulo. Sa ganitong paraan, wala na talaga siyang takas pa.

"Sir! Kakabalik lang daw ni Zero sa hotel room niya." Sabi ng isang asset habang papalapit sa aming direksyon.

Sinenyasan ko ang aking mga kasama na maghanda na, "Time to work!" Sabi ko sa kanila, at pagkatapos ay lumakad kami ni Ilsa papunta sa isang pinto na bakal ng rooftop ng building na ito.

Binuksan ko ang nangangalawang na pinto at pagkatapos ay pinauna ang aking mga kasamahan. Nasa likod ko naman si Ilsa para kumover sa akin."Ready na ba kayong lahat sa baba?" Sabi ko sa mga taong naka pwesto sa baba, mula sa transmitter na nakakabit sa aking vest.

"We are in position."

Walang kaalam-alam si Zero na na evacuate na namin lahat ng tao ng hotel maliban sa kaniya. Pilnano na namin ng husto ito at hindi na namin siya patatakasin pa. Kung ako sa kaniya, sumuko na lamang siya ng mapayapa dahil ang mga kasama ko ngayon ay myembro ng kilalang seal team 7. Hindi siya sasantuhin ng mga ito, kahit pa, matagal na siyang nagsilbi sa gobyerno.

Inabot sa akin ng isang seal yung kalapati na pina order ko sa petshop, bago pa kami pumunta ng tuluyan dito. Inilagay ko ang tracker na nakuha ko sa aking braso na galing kay Zero, sa paa ng kalapati. Nang makapasok na lahat ng member ng team ko sa loob ng hotel, pinalipad ko ang kalapati at agad kaming sumunod ni Ilsa sa aming mga kasama sa loob.

Ayon sa asset, nasa 8th floor si Zero, kaya naman pumusisyon ang ibang seal sa fire exit at elevator ng 7th floor at ang iba naman ay pumusisyon sa fire exit at elevator ng 9th floor. Habang kami naman ni Ilsa at dalawa pang seal ang pumasok sa 8th floor. Ang tawag namin sa technique na ito ay sandwich technique. Kung saan may tapal sa taas at may tapal sa baba, para wala ng kawala sa palaman na papasok sa loob. Kami ang palaman sa pagkakataong ito.

Napakadelikadong tao ni Zero, matalino at highly skilled. Alam ko ang kaniyang kalibre, kaya naman sobrang maingat kami sa pagpasok.

Dahan-dahan naming sinusuyod ang kabuuan ng 8th floor. Naka ready to fire na din kami, kasado ang mga baril at ang mga daliri ay nakaabang sa gatilyo.

"Hall way clear"

"Exits clear"

"Elevator Clear"

Nang masigurado namin na wala nang ibang tao sa buong 8th floor, dumiretso na agad kami sa 809 kung saan pinaniniwalaang naka check-in si Zero.

Pagdating sa tapat ng 809, dumistansya kami ng kaunti at kinabitan ko ng breach bomb ang pinto ng nasabing kwarto. Umalis kami sa harapan ng pinto at pumwesto sa gilid. "Fire in the hole!" Aking sigaw sa mga kasama.

Pinindot ko ang remote detonation at sumabog ang pinto ng hotel room 809. Nagkadurog durog ito at nagkaron na kami ng access para malayang makapasok sa kwarto.

Bago pa man kami pumasok ng tuluyan, nagbato si Ilsa ng flash bang sa loob. "Fire in the hole!" Sigaw ni Ilsa.

Pagsabog ng nasabing flashback ay agad kaming pumasok at nakita namin si Zero na nakatayo sa may pinto ng isa pang kwarto na may hawak na baril.

"Zero, sumuko ka na ng maayos, wala ka ng takas!" Sabi ko sa kaniya.

"Alam mo, sumuko man ako ng maayos o hindi, wala na kayong magagawa, naibenta ko na ang software, nasa spyder na ang hinahanap niyo." Sabi niya sa amin, habang tumatawa na parang isang baliw.

"Sumuku ka na lang ng maayos Zero please!" Sabi ni Ilsa.

"Bitch! Wala na akong pakealam sayong whore ka! Hahahaha! Tapos na ang mission ko sa mundong ito, mamatay man ako wala na akong pakialam dahil nagtagumpay ako! Hihihi!" Sabi ni Zero.

"Bawiin mo ang sinabi mo Zero!" Sabi ni Ilsa.

Imbis na bawiin ang kaniyang binitawang mga salita, at sumuko ng maayos. Inangat ni Zero ang baril at itinutok niya sa akin.

Walang nagawa si Ilsa kung hindi barili si Zero sa ulo ng kaniyang 357. Sabog ang kaniyang ulo at nagkalat sa kwarto ang dugo at kaniyang utak.

"Target neutralized! I repeat, target neutralized!" Sabi ko sa transmitter.

Ngunit hindi pa natatapos ang laban, dahil tulad nga ng sabi ni Zero, nasa spyder na ang software. Lumapit ako sa laptop ni Zero na nakapatong sa isang mesa na malapit sa bintana. Nangiti ako at kinuha ko ang latop, pagkatapos ay bumalik na kami ni Ilsa sa black hawk na nasa taas ng hotel at bumalik na kami sa main CIA compound.


I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon