Chapter 1

1.5K 37 2
                                    

Nagising ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Hinang-hina ako, at umiikot ang aking paningin. Bawat sulok ng kwarto kung saan ako naroon ay kulay puti, maliban na lang sa berdeng kumot na nakatakip sa aking katawan. Pinipilit kong iangat ang aking ulo, ngunit hindi ko pa kaya. "Nasan ba ako?" Tanong ko sa aking sarili, habang buong lakas kong sinusubukan na iangat ang aking katawan. "Aray ang sakit" sabi ko, habang napapangiwi sa iniindang parang nabaling buto sa may tagiliran. Wala akong kaalam-alam o matandaan man lang, kung paano ako nakarating sa lugar na ito at sino ang nagdala sa akin. Basta ang alam ko, sa aking pagkagising, nandito na ako.

May narinig akong bukas ng pinto at hinanap ko kung san ito nang gagaling. Bumaling ako sa bandang kanan at nakita ko, na ang pinto ng kwarto, kung saan ako naroon, ay biglaang bumukas. May pumasok na matandang babae at unti-unti siyang lumapit sa akin. Hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya binati. "Gising ka na pala..." Sabi niya sa mahinahong boses, habang kinukuha ang upuang nakalagay sa gilid ng aking kama. Tinabi niya ito ng mas malapit pa sakin at umupo. "Agent Wilson, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya sakin, habang tinitingnan mabuti ang aking kalagayan.

Laking gulat ko na alam niya kung sino ako, sapagkat kaming mga intelligence agent ay walang tunay na pagkakalilanlan sa publiko. Sa aking pagtataka, ako ay nakipag-usap na sa kaniya. Hindi ko sinagot agad ang kaniyang tanong, dahil sa tingin ko, alam naman niya ang kalagayan ko. Bagkos ako ay nagtanong pabalik "Nasan ako?" sabi ko sa kaniya habang kinikilala kong mabuti ang kaniyang mukha.

"Nasa ospital ka, agent Wilson" Sagot niya sa akin. Tumayo siya at tumungo sa may bintana at hinawi ang mga kurtinang nakatabing dito. Silaw na silaw ako kaya sinubukan kong iangat ang aking mga kamay para takpan ang aking mga mata. Ngunit sa aking pagkilos, hindi ko naitaas ang aking mga kamay na para bang may nakatali sa mga ito. Tiningnan ko ang aking dalawang kamay upang makita kung ano ang pumipigil dito. Laking gulat ko ng makita ang metal na bagay na nakakapit sa aking magkabilang kamay. "Bakit ako naka posas?" Tanong ko sa matanda, habang buong pwersa kong pilit na inaalis ang aking mga kamay. "Anong kalokohan to?" Tanong ko ulit sa kaniya sa galit na tono ng pananalita, habang ako ay pilit pa ring nagpupumiglas.

"Hindi ko masasagot ang mga katanungan mo."

"Pero, bakit?"

"Isa lamang akong doctor sa ospital na ito agent Wilson."

Tumigil na ako sa pagpupumiglas dahil sumasakit na ang aking mga kamay at mga sugat. "Natatandaan niyo po ba kung sino ang nagdala sakin dito?" Tanong ko sa doktor, habang kinikilos ko ang aking ulo patungo sa direksyon kung saan siya nakatayo.

"Hindi." Sagot niya ng walang pag-aalinlangan. Lumapit siyang muli sa akin at may inabot na sulat sa aking mga kamay. "Itago mo iyang mabuti" sabi niya sakin, habang unti-unting lumalakad papalabas ng kwarto.

Pagdating ng doktor sa may pintuan ay bumaling pa siyang muli sa akin "Wag mo iyang ipapakita kahit kanino, ingatan mo yang makuha nila." Sabi niya sakin, habang nakatitig sa aking mga mata.

"Sinong sila?" Tanong ko pabalik, na may labis na pagtataka sa mga nangyayari. Inilagay ko ang papel sa ilalim ng aking kumot na akin lamang kayang abotin at pilit itong itinago. Napakahirap sapagkat ako ay nakaposas. "Sinong sila?" Aking pag-uulit sa tanong.

Napangiti ang matanda at huminga na lamang ng malalim. Pagkatapos non ay tuluyan na siyang umalis.

Huminga ako ng malalim at bumaling sa kisame ng kwarto. Halong pagkainis, pagkalito at kaba ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Walang akong idea sa kung ano ang pwedeng mangyari sakin at kung sino ang nasa likod ng mga bagay na ito.

Bigla kong naalala ang aking mga gamit, lumingon-lingon ako sa paligid, at nakita ko ang mga ito sa bandang sulok kung saan may maliit na mesang kabinet. Nakaayos ang mga ito at tila kumpleto naman ang mga kagamitan. Pati ang aking baril ay nandoon din sa ibabaw ng aking nakatiklop na damit. Nakatanggal ang magasin nito at ang mga bala ay maayos na nakapila sa tabi.

Ilang sandali pa ay mayroon nanamang pumasok na babaeng nakaputi at lumapit siya sakin. Nabasa ko sa kaniyang ID, at napag-alaman ko na siya ay isang nurse na nagtratrabaho sa ospital na ito. "Good afternoon po sir." Pagbati sa akin ng nurse habang nakangiti at tinitingnan ang swero. "Sir, malapit na po itong maubos, papalitan ko na po ito mamaya."

Lumabas ang nurse sa kwarto at naiwan nanaman akong mag-isa. Ngunit sa kaniyang paglabas, may napansin akong naiwan niya sa aking kama, ang bagay ay malapit sa aking kanang kamay kaya pilit ko itong inabot. Nakuha ko ang bagay ngunit hindi ko mawari kung ano ba talaga ito, dahil hindi ako makakilos ng maayos. Itinabi ko na lamang ang bagay na naiwan ng nurse, at sa kaniyang pagbalik, isosoli ko na lamang iyon.

Nakalipas ang ilang oras, ngunit hindi pa din bumabalik ang nurse, nagtaka ako dahil sabi niya papalitan na niya ang dextrose na nakalagay sakin dahil paubos na ito. Tiningnan ko ang dextrose, ngunit laking gulat ko na hindi naman pala ito dapat pang palitan, dahil madami pa itong laman.

Ilang sandali pa ng ako ay medyo tinatamaan nanaman ng antok, ay may pumasok na tatlong tao sa aking kwarto. Ang isa ay naka MIB suit, ang isa naman ay nakadamit na pang pulis, at ang isa naman ay nakadamit na pang doktor.

Lumapit ang doktor sa akin, ang ako ay kaniyang tiningnan. Inilawan ang aking mga mata, tiningnan ang aking tenga, at paulit-ulit na inexamine ang aking mga tahi sa katawan bungsod ng mga sugat. "May malay na po pala kayo sir, kamusta na po ang pakiramdam niyo?" Tanong sakin ng doctor na lalake.

"Ano to lokohan?" Sabi ko sa doktor, habang natatawa nang kaunti. "Nakita mo ngang sugat sugat ako eh, tsaka may dumaan nang doctor sakin kanina, matandang doktor na babae, hindi niya ba nirelay sayo ang kalagayan ko?"

"Doktor na babae po?"

"Oo, binge ka ba?"

"Panong magkakaron ng doctor na babae? Ako lang ang doktor mo at wala kaming matandang babaeng doktor. Wala din akong utos na bisitahin ka ng ibang doktor dahil ako lang ang inassign ng korte sayo." Galit na sagot sakin ng doktor.

Ako man ay nagulat sa aking nalaman, "Aba! Malay ko ba? Pumapasok ang mga doktor at nurse dito, nakaposas ako, at walang kaalam-alam sa mga nangyayari." Sabi ko sa kaniya na papilosopo. "Gulo niyo naman!" Sa mga oras na ito, tumahimik na lamang ako, dahil baka mas madagdagan pa ang problema ko. Tsaka isa pa, baka madamay ang doktor at nurse na pumasok, baka mali lamang sila ng kwartong pinasukan. Ang medyo nakakapagtaka lang, yung doktor na matandang babae, kilala ako.

Napansin kong nag-uusap ang pulis at ang naka MIB suit.

"Sir, raradyuhan ko muna sila, baka may nakapasok na hindi natin alam."

"Wag na! Hindi ako mag-aalala ng husto, baka nagkamali lang ng pasok ang nurse at doktor."

Ilang sandali pa ay may nagbukas ulit ng pinto at sinenyasan ang naka MIB suit. Tumungo ang naka MIB suit sa may pinto at kinausap ang sumenyas na tao. Nagtulug-tulugan ako at nakinig sa kanilang usapan.

"Sir, pinapalipat na yan sa ibang lugar."

"Huh!? Bakit biglaan?"

"Sir, napasok ata tayo."

"Ano?! Anak ng pating! Sige... Ihanda niyo ang mga security at ang bullet proof na mobile, itratransfer natin siya bukas ng magang-maga, delikado kung ngayong gabi. Bantayan niyo lahat ng daanan."

"Copy sir!"

Bumalik na muli ang naka MIB suit sa harap ng pulis at ng aking kama. Sinenyasan niya ang doktor na lumabas na muna. Dali-daling kinuha ng doktor ang kaniyang mga gamit at lumabas na agad ito ng kwarto.

Bumilis ang tibok ng aking puso, dahil alam ko na ang "yan" na tinutukoy nung tao na kumausap sa naka MIB suit kanina ay ako.

Nagbulungan ang dalawa, at swerte namang medyo malakas ang kanilang bulungan, narriinig ko ang kanilang usapan. Hindi ako nagpahalata na nagtutulog-tulugan lamang ako. 

"Kailangan na natin siya ialis dito."

"Agad-agad?"

"Oo, tama ang hinala mo, napasok tayo."

"Sabi ko na nga ba!"

Tumingin ang dalawa sa akin na para bang naiinis, at gusto nakong barilin kung mabibigyan sila ng pagkakataon. Nakikita ko sila, kahit nagtutulog-tulugan lang ako, dahil hindi naman masyadong nakasara ang aking mga mata.

Lumabas na ang dalawa sa kwarto at may pumalit na isang nakaunipormeng pulis, umupo ang pulis sa plastik na upuan malapit sa aking higaan at nagbasa siya ng dyaryo habang ako ay binabantayan.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon