Chapter 37

478 14 0
                                    

Nasa loob kami ng isang chevrolet suburban na nakaparada sa kanto ng lugar kung saan nagtatago si Zero sa kasalukuyan. Kinasa ko ang dala kong Ak-47 at pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto ng sasakyan.

"Move boys." Sabi ko sa lahat ng kasama namin sa transmitter na nakakabit sa vest.

Nagbabaan din agad lahat ng agent na may dalang mga matataas na kalibre ng baril. Tila ba sasabak kami sa gera sa dami namin at lakas ng baril na aming dala-dala.

Naglakad ako papunta sa isang eskenita papasok sa lugar kung saan na dedetect ng tracker ang presence ni Zero. Yung esknita na ito ay kasya lamang ang dalawang tao, salubungan pa. Kaya nasisiguro ko na kung dito siya dadaan, madali ko siyang mahuhuli. Ngunit hindi pa man din ako nakakalapit ay may putok ng baril akong narinig. Tumama ang bala sa lupa sa aking harapan. Ako ay kumover sa isang poste na akin agad nakita at bumaril ako pabalik. Galing sa bubong yung trajectory nung bala, kaya dun ko pinutok ng pinutok ang ang baril.

"Take cover!!!" Sigaw ko sa aking mga kasama.

Nagkapalitan na ng putok at kabilaan ang katawang bumabagsak sa panig ng mga kalaban. sa mga oras na iyon, nakita ko din na biglang kumilos ng mabilis si Zero ayon sa tracker. Pinasok ko agad ang eskenita kahit nagkakabarilan pa, at sinundan ako agad ni Ilsa. "Bakit sumunod ka pa, sana naiwan ka na diyan sa labas?" Tanong ko kay Ilsa.

"Hindi kita iiwan, hindi pwedeng ikaw lang." Sagot niya sa akin.

Wala na akong nagawa dahil matigas talaga ang kaniyang ulo, isa pa, kapag pinigil ko pa siya. Tuloy tuloy lang sa pagkilos si Zero sa nakikita ko sa monitor, kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo patungo sa kaniyang direksyon.

May mga taong gumulat sa amin at pinaputukan kami. Montik ng tamaan si Ilsa, kaya naman pinaputukan ko sila pabalik. Tinamaan ko sa ulo ang isa at agad siyang namatay. Tinamaan naman ni Ilsa ang taong nasa aming taas na nagtatago sa bubong, at agad din binawian ng buhay.

Nagpatuloy kami sa aming pagsunod kay Zero, ngunit may humarang nanaman sa aming grupo ng mga armadong lalaki. Sa pagkakataong ito, halos nasa sampu ang bilang ng mga ito. Kinuha ko ang flash bang na nakasabit sa aking vest at pagkatapos ay ibinato ko ito sa lugar kung saan nakatayo ang sampung armadong kalalakihan.

Tumalikod ako at niyakap ko si Ilsa upang hindi kami mabulag ng flash bang. Pagputok ng flash bang, bumilang ako ng isang segundo at pagkatapos ay pinasok namin ni Ilsa ang area ng sampong lalake at isa-isa namin silang pinatay.

Nakita kong huminto na si Zero sa pagtakbo, ilang metro na lamang ito mula sa aming kinatatayuan ni Ilsa kaya naman nagmadali na kami pumunta sa kaniyang kinatatayuan.

Nang kami ay makarating sa area, bigla namin binagalan ni Ilsa ang aming pagkilos at maingat naming pinag-aralan muna ang lugar bago tuluyang pasukin.

Nang nakita namin na clear ang lugar sa kalaban, nagmadali na kaming dalawa pumasok. Tumingin ako sa maliit na monitor na aking dala-dala at nakita ko na 20 meters mula sa aming kinatatayuan ang kinaroroonan ni Zero.

Tumungo kaming dalawa ni Ilsa, ngunit sa kasamaang palad ay wala kaming Zero na nakita.

Nagtaka ako, dahil ayon sa signal ng tracker ay andito laman si zero.

"Wilson, tingnan mo toh!" Tinawag ni Ilsa ang aking atensyon.

Paglapit ko sa kaniya, nakita ko ang tracker na nakatali sa isang pusa. "Lintek na Zero yan!" Sabi ko na galit na galit.

Umalis na kami ni Ilsa at tumungo sa mga tao sa labas. Ang daming bangkay ang nagkalat, ngunit hindi kasama si Zero sa mga ito.

"Pano tayo natakasan ng lintik na iyon?!" Tanong ko kay Ilsa.

"Hindi ko alam, pero parang alam niya ang bawat galaw natin." Sagot sakin ni ilsa.

Tinawagan ko si Chenkov at ibinalita ang nangyari. Pagkatapos ay sumakay kami sa suburban at sinenyasan ko ang mga agent na umalis na din. Buti na lang, walang nabawas sa agent na naka assign sa akin. Buti na lang, magagaling din sila.

Habang nasa sasakyan, may naalala akong isang bagay. Kinapa ko ang aking braso at nanlaki ang aking mga mata. "Ilsa, ang tracking device na pinainject satin ni Zero." Sabi ko kay Ilsa.

"Oo nga! Tama ka!" Sabi ni Ilsa.

Kinuha ko ang combat knife na nakatago sa aking pantalon. Tinarak ko ito sa sugat kung saan naka inject ang tracking device ni Zero. Kinalkal ko ito at tiniis ang sakit, at pagkatapos ay dinukot ko ito mula sa loob sa pamamagitan ng dulo ng combat knife. Napakagat ako ng madiin sa sobrang sakit.

"Ilsa, sa base mo na paalis yan sa mga doktor natin." Sabi ko kay Ilsa, dahil ayaw ko siyang masaktan ng husto. Sa base kasi, matatanggal nila iyan ng maayos at ng may anesthesia.

Itinabi ko ang tracking device na tinanggal ko sa aking balikat. Pagkatapos ay binalutan ko ng bandage na nakuha ko sa first aid kit ng sasakyan ang aking braso.

"Pare, HQ tayo, may bago akong plano" Sabi ko sa driver.

Kailangan na namin bumalik muna sa HQ dahil wala kaming idea sa kung nasaan na ngayon si Zero. Kailangan namin umiisip ng ibang paraan, para mapalabas siya o para matrack kung nasaan man siya.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon